Chapter 49

8.1K 103 36
                                    

"Babe, andiyan ka pa? Bigla ka yatang natahimik?" Tanong ni Sarah sa kabilang linya.

"Oo naman sweetheart, bigla lang akong kinabahan. Natanaw ko kasi si Maja, hindi ko gusto ang pagkakatingin niya sa akin. Anyway, balik tayo sa napag usapan ninyo nina Mommy at Daddy. Para naman akong nabunutan ng tinik sa pagiging supportive nila. Malaking bagay yun ha, yung malamang very supportive sila."

"Naiyak nga ako, nabawasan ang kaba at pag aalala ko."

"Anong oras ka pupunta dito? Hihintayin na kita ha. Hindi na ako uuwi. Sana lang walang tumbling tumbling ang mga numbers mo sa SGL mamaya. Mahirap na , konting ingat sweetheart ha."

"Oo nga no? Dapat pala mag ingat ingat na rin ako sa mga galaw ko kung tutuo. Sabi nga pala ni Mommy pwede naman na nating malaman kung buntis nga ako. Dadaan lang daw siya sa isa sa mga pharmacies para bumili ng pregnancy test kit. Kahit sa bahay ay pwede ng malaman kung positive or negative. "

"Pwedeng gawin mo yan pag andiyan na ako?"

"Gusto ko nga tayong dalawa ang mag test."

"Sige mamaya, pagkatapos ng show mo, gawin natin. Pabili ka na ng pregnancy kit test. "

"Pabibili ako pero may thanksgiving party mamaya after the show sa restaurant nina Mommy. Mauna ka ng umuwi, susunod na lang ako. "

"Saan tayo mamaya? Sa Condo na lang tayo please." Pakiusap ni Gerald sa asawa.

"Sige Babe , duon ako pahahatid."

"Thank you sweetheart! I can't wait. I am so excited.!"

"Paano Babe, have to get ready na rin, see you later tonight." Paalam na ni Sarah sa asawa.

"I love you so much!" Halos isigaw ni Gerald ang nararamdaman sa halip ay ibinulong na lang niya.

"I love you too, kaya naman kahit kinakabahan ako, nanaig yung excitement dahil saiyo."

Bago tuluyang magpaalam si Sarah sa asawa ay pinagsabihan na niya itong huwag seryosohin ang magiging pag uusap nila ni JLC sa show. "Huwag ka na kayang manood Babe baka mag init ang ulo mo."

"Dahil sa sinabi mong yan, mas interesado akong mapanood ang show mo. Actually kahit na galit ka sa akin, wala akong pinalampoas na episode ng show mo."

"Basta huwag kang mapipikon ha." Nag aalalang paalala ni Sarah.

"Mapikon man ako, babawi na lang ako mamayang gabi pag nasolo na kita."

Kahit na hindi nakikita ni Gerald ang asawa that moment, alam niya namumula na naman ito. Nangiti ito, "bakit ikaw naman ang natahimik diyan?"? Pasimpleng biro ni Gerald.

"Babe ha, ikaw seryoso ako kung ano ano sinasabi."

"Seryoso din naman ako ah. Di bale ng super sweet kayo on cam, ano pa sabihin nyo on cam lalo na malapit na ipalabas movie ninyo, as long as sa gabi ako kayakap mo at katabing matulog at minsan kasabay mag shower, walang tatalo sa moments na yun."

"Babe!!!! Grabe ka! I hope walang nakakarinig sa mga pinagsasabi mo!" Napapahawak sa pisngi niya si Sarah. Nararamdaman niya ang matinding pamumula nito ng maalala ang nangyari ng sabay silang mag shower ng asawa.

"See kahit ikaw alam mo, nararamdaman mo yung nararamdaman ko ngayon." Pabulong na sabi ni Gerald.

"Salbahe ka, sige na nga, see you later." Natatawang paalam ni Sarah kay Gerald.

Nangingiting nagbla blush pa rin si Sarah habang nag aayos para pumunta na rin sa ABS CBN. Loko din talaga ang asawa niya. Alam na alam kung paano siya mamumula.

Nagawanng iwasan ni Gerald si Maja ng pasimple, Yung hindi naman halatang iniiwasan niya ito. Lagi niyang sinisiguro na pag magkakatabi sila ay napapaligiran sila ng mga kaibigan. Nagngingit ngit man si Maja ay walang magawa kung hindi lihim na magpuyos ng kalooban. Lalong tumitindi ang pagnanais nitong masolo niya ang inaakala niyang single pa ring si Gerald. Hindi siya naniniwala sa naririnig niyang kasal na ng lihim sina Sarah at Gerald. Sisigurahduhin niyang napaka special ng Valentine's Date nila. Kahit na lunch lang ang datenila ni Gerald, sisiguraduhin niyang hindi lang hanggang lunch ang magiging date nila. Sisiguraduhin niyang magkasama sila hanggang sa kinabukasan ng mga araw ng puso.

Kung buo na ang loob ni Maja sa binabalak niya. Buo na rin ang loob ni Gerald na sabihin kay Maja ang tutuo. Unti unti na niyang aaminin ang tutuong relasyon nila ni Sarah lalong lalo na ngayon na malaki ang posibilidad na buntis ang pinakamamahal niyang asawa. Hindi na naman nito mapigilan ang excitement na nadarama. Gusto na niyang hilahin ang oras para matapos na ang show nila at ng mapuntahan na niya si Sarah.

Naalalang tawagan ni Gerald ang Mommy niya. Nag aalala siyang baka madulas ito kay Kris Aquino pag nagpunta sa bahay nila sa GenSan Naikuwento na rin niya ang naging kwentuhan nila sa bahay nila Sarah. Nagtitili si Mommy Vangie sa sobrang excitement.

"Kung hindi lang pupunta dito si Kris Aquino, pupunta na akon ngayon din diyan."

"Mommy ha, mag iingat ka sa mga sasabihin mo kina Ms Kris Aquino. Pangit na lalabas kung sainyo manggagaling ang tutuong relasyon namin."

"Asahan mo anak. Nakatikom ang bibig ko, lalong lalo na magiging lola na ako."

"Hindi pa sigurado yan mommy, sinasabi ko lang saiyo kasi baka mamaya sabihin mo, nakalimutan ka naming sabihan."

"Basta dapat dumalaw naman kayo dito. "

"Oo mommy, as soon as lumuwag ng konti ang schedule niya." Pag assure ni Grald sa nanay niya.

'Promise?"

"Promise mommy, basta huwag mong ipapahamak ang BabyGirl ko sa press ha."

"No problem anak."

Masaya ng nagpaalaman ang mag ina. Medyo kinakabahan si gerald sa nalalapit na pagpunta ni Kris Aquino sa bahay nila. Nag aalala siyang baka madulas ito. Alam kasi niya kung gaano kagaling si Kris sa pag iinterview. Gusto niya sa kanilang dalawa mismo mang galing ang pag amin.

Pagkatapos ng ASAP ay may photo shoot naman si Gerald. Buti na lang at duon na mismo sa ABS CBN ang photo shoot niya. Buti na lang at nakita niya agad ang handler niya Nakalimutan niyang may photo shoot siya ng araw na yun. Maasahan din talaga mga kaibigan at PA niya, always ready. Nanduon na rin ang mga ito, dala dala ang mga gamit na kailangan niya para sa photo shoot na yun..

"Naku ha, nag re rehearse pa lang sina Sarah, ang pila sa labas, napakahaba na." Bungad ni Jalal habang binababa mga gamit ni Gerald galing sa sasakyan.

"Oo nga Ge, grabe ang tao sa labas. Yung mga taong gustong makapasok sa studio , anduon na sa labas at mga nakapila na. Ang titiyaga ng mga fans ni Sarah no?"

"Nakaka overwhelmed nga pagmamahal ng mga fans niya sa kanya."

"Ano kaya mararamdaman nila pag umamin na kayo?"

Ngiti na lang naisagot ni Gerald. "Sana lang maging postive ang maging reaction nila."

*****

Gaya ng inaasahan , emotional ang final episode ng SGL.Hindi na rin masyadong naapektuhan si Gerald sa mga pasaring sa kanya ng show. Alam naman niya ang tutuo. Nagkabatian pa sila ni JLC.

Sa dami ng nagpadala ng bulaklak kay Sarah, yung galing kay Gerald ang nag stand out pa rin. Sa dressing room lang nag stay si Gerald . Alam niyang maraming reporters na nanduon ngayon sa show ng asawa.

Medyo nagulat si John Llyod ng makita si Gerlad sa dressing room nito pagkatapos ng show. Emotional pa rin si Sarah at umiiyak ito sa dibdib ni Gerald. Isang tingin lang ni JLC sa dalawa ay alam na niya ang tutuo. Hindi na siya nagtanong. Nagpaalam na lang siya kay Sarah at nagpasalamat naman sa staff and crew na nandun.

"Bro, yung mga spiels namin , script lang yun ah. May binabasa lang kaming dapat sundin." Sabi ni JLC kay Gerald.

"Alam ko yun Bro, nabanggit na sa akin ni Sarah."

"Mabuti naman kung ganoon. Paano mauna na ako." Bumeso kay Sarah na nag angat na ng mukha.

"Thank you Lloydie ha." Humihikbing sabi ni Sarah.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon