Excited ng bumaba ang dalawa to join Sarah's parents sa dining room for brunch. Halata din ang excitement sa mukha ng mga ito.
"Ano, sasabay ka ba sa amin Gerald? Hindi ka ba nag aalala na may makapansin saiyo?"
"Sasabay na ko Mommy sa van pero mahuli na lang akong pumasok. Pinasusunod ko na lang si Jalal duon." Sagot ni Gerald habang inaalalayan si Sarah sa pag upo.
"Ok, confirmed na ba yung meeting mo kay Boss Vic?" Baling naman ni Mommy D kay Sarah.
"Opo , nag text na si Ms Chai, nanduon lang daw sa office si Boss Vic, punta na lang daw po tayo duon anytime after ng appointment natin."
"Ano ang schedule mo today Gerald?"
"After po ng ultrasound, punta ako ng ABS CBN para makausap si Ate Nhila then later in the afternoon, tuloy po ako sa taping."
"Nakapagdesisyon na ba kayo what to do? Nasabi mo na ba Sarah kay Gerald yung offer ng Tita Donna mo?"
Si Gerald ang sumagot. "Opo Mommy, nasabi na po niya. Sa ngayon po, will wait sa magiging resulta ng mga meetings namin sa management. Hintayin po namin ang mga suggestions and ideas nila then we all can sit down and decide. Syempre po kailangan din namin mga advise ninyo."
"Good enough for us!" Sagot ni Daddy D. "Kain na tayo para makaalis na. Excited na rin ako."
Gaya nga ng napag usapan, naunang pumasok sina Sarah at ang parents nito. Sumunod si Gerald ng matantiya niyang nakapasok na sina Sarah sa office ng family doctor nila. Nasa loob na nga sina Sarah at ng makita ng receptionist si Gerald ay sinenyasan niyang pumasok na agad sa isa sa mga kwarto.
Tahimik na naghihintay sina Sarah sa dokotora na busy pa sa ibang pasyente.Umupo ito sa tabi n Sarah at hinawakan ang kamay nito. Nahalata niyang kinakabahan ang asawa. HIndi naman nagtagal at dumating na ang doktora'
Konting batian at kumustahan. "Mukhang kinakabahan ka ha Sarah." Puna ni Dr. Bumagat.
"Opo nga Doc, hindi ko maiwasan."
"Normal lang yan, irregular ang menstrual cycle mo but when was the last time you had your period ?"
Nag isip si Sarah. Nov. 18 Naalala niya yun, dahil for some reason ang lakas ng period niya that day, may show pa naman siya.
The doctor grabbed a plastic wheel and moved it around for a minute. "Ok, due date is August 25. You are practically 12 weeks and 2 days. Ready ka na sa first ultrasound mo?" Tumingin ito kay Sarah. Maririnig na natin ang heartbeat niya.
Tumango si Sarah. Napahawak lalo kay Gerald. Sinundan nila ang doktor na pumasok sa kabilang kwarto. Pinagpalit si Sarah ng hospital gown then humiga na sa table. Gerald hold Sarah's hand when the light's were turned off and the ultrasound started. Nuong una wala silang makita kung hindi gray screen with a dark cirlce in the middle, then when she zoomed in and they saw the form of the baby. Sarah and Gerald's eyes widened.
"That's your baby!" Dr. Bumagat said smiling and pressing different buttons. "Sukatin natin para malaman natin kung tama siya sa sukat. Tama nga , you are 12 weeks and 2 days."
Naramdaman ni Sarah na humigpit ang pagkakahawak ni Gerald sa kamay niya. Nangingilid ang luha ni Sarah na tiningnan ang asawang , nakatitig lang sa monitor ng ultrasound.
"Are you ready to hear the heartbeat?" Narinig nilang tanong ng doctor.
Sabay na tumango sina Sarah at Gerald. May mga pinindot na buttons ang doctor. Sarah and Gerald held theri breath as a whoosing noise filled the room. Gerald reached for some tissues to wipe his eyes. Sarah could not see the screen anymore dahil hindi na niya napigilan ang umiyak. Ipinikit na lang ang mata nito at pinakinggang ang heartbeat ng anak. Naramdaman niyang hinalikan siya sa pisngi ng asawa.