Chapter 10

9.5K 81 22
                                    

Nakauwi  na si Gerald   galing sa pakikipag meeting sa mga namamahala ng career niya . Anduon din si Maja  at ang mga handlers nila. Isa iyong close door meeting.  Walang kibo si Gerald ng lumabas sila sa meeting room. Ni hindi nito nagawang mag paalam sa handler niya. Tuloy tuloy ito sa sasakyan niya at hanggang sa makarating sa bahay nila ay parang wala ito sa sariling nagtuloy  tuloy sa kwarto niya.  Hindi  niya napansin ang mommy niya at si Ken na naghihintay sa kanya. Anduon din sina Ali, Jalal , Fred at ang PA niyang si Dennis.

Walang nagkalakas loob na sundan siya at tanungin. Alam na nila kung ano ang napag usapan sa meeting. Nai text na sa kanila ni Nhila.

Paglabas ni Gerald galing sa banyo ay nakita niya si Mommy Vangie, nakaupo sa gilid ng kama niya. Nakatingin sa kanya na parang nagtatanong.  Punong puno ng pag aalala ang mukha nito.

“I am ok  mom, don’t worry . Hindi na mauulit yung ginawa ko nuon.”  Pag assure ni Gerald sa mommy niya habang kumukuha ng t shirt sa isa sa mga drawers.

“Gusto mo bang pag usapan natin ang nangyari sa meeting? Baka sakaling makatulong para mabawasan kahit  na konti lang  yang  tension na nararamdaman  mo.” 

“Hindi na mommy, total alam  naman na ninyo ang tutoong nangyayari. Kung pwede nga langa sana  na maipaliwanag ko din sa kanya ang mga pangyayari pero lalabas naman na napaka lame ko. Walang sariling paninindigan. Sinabi ko sa kanya nuon na wala ng makaka dikta sa akin. I am my own man. And now , we all know those are just  bull shits. I can’t even say no.”

“Anak,  bakit kasi pumayag ka sa mga gusto nila . Ikaw tuloy ang nahihirapan.  Bakit hindi mo ipaliwanag sa kanya ang tutuong sitwasyon mo?”

“Hindi na siya maniniwala mommy.  Akala ko nuong una , pwede kong ipagkaila yung tungkol sa amin ni Maja. Pwedeng hayaan na lang naming total lilipas din naman pero  buo na ang paniniwala niyang may namamagitan talaga sa amin ni Maja. Hinayaan ko na lang , mas maganda na rin siguro yung tuluyan na siyang magalit sa akin.  Oo, mahirap, masakit pero  wala akong magagawa , pumayag na ako. Sana lang lang pagdating ng panahon, mapatawad niya ako at sana mahal pa rin niya ako.”

*****

Masayang  nagpaalam sina Sam at Sarah kay KC. Nagtatawanan pa rin sila hanggang sa makarating sila sa sasakyan ni Sam.  Yun ang maganda sa samahan nila Sam at Sarah. Magaan, kampante sila sa isat isa kaya ng pinaandar ni Sam ang sasakyan niya ay sakto namang tumugtog din ang radio at sinasabi ng dj na ang susunod na song ay ang kanta ni Sam  Milby na Hindi Kita Iiwan. Nagkatinginan ang dalawa. Pinihit ni Sarah ang volume para lumakas.

“That song is for you.” Nakatitig na sabi ni Sam kay Sarah saka niya pinatakbo  ang sasakyan.

Hindi nakakibo si Sarah , napatingin na lang ito kay Sam. Then sinabayan nila ng kanta ang tumutugtog sa radio.

Umiiyak ka na naman mahal ,Lagi na lang ika'y nasasaktan

Sabi niya, Di ka iiwanan

Ikaw ay nabigo, Kayo'y nagkalayo

Ako'y nahihirapan, Pag ika'y nasasaktan

Kung pwede lang naman, Sa akin ka nalang

Hindi kita iiwan, Hindi pababayan

Sa akin ay hindi ka iiyak na kahit minsan, Hindi kita iiwan

Hindi pababayaan, Hinding hindi ka sasaktan

O' akin ka nalang, Hindi kita iiwan

Lahat ay gagawin, Pag ika'y napasakin

Lahat ng utos mo ay aking susundin

Hindi ko hahayaang,Ika'y masaktan

Mahal sana ,Naman sa akin ka nalang

Hindi kita iiwan, Hindi pababayan

Sa akin ay hindi ka iiyak ng kahit minsan

Hindi kita iiwan, Hindi pababayaan

Hinding hindi ka sasaktan,O' akin ka nalang

Hindi kita iiwan, Akin ka na lang

Hindi kita iiwan, Hindi pababayan

Hinding hinda ka sasaktan,  O' aking ka na lang

Hindi kita iiwan, Hindi pababayaan

Sa akin ay hinid ka iiyak nag kahit minsan

Hindi kita iiwan, Hindi pababayaan

Hinding hinda ka sasaktan, O' akin ka na lang

Hindi kita iiwan,  Hindi kita iiwan.

Hindi namamalayan ni Sarah na nakatitig na rin siya kay Sam na bigay na bigay ang pagkanta nito habang nagmamaneho. Hindi na nakakanta si Sarah, pinanood at pinakinggan na lang si Sam na kumakanta.

“Oh akin ka na lang…. napatingin si Sam kay Sarah na nakatitig na rin sa kanya.

“Ang ganda ganda ng kanta na yan, kaya tingnan mo naman kung gaano kasikat ngayon” Nasabi na lang ni Sarah na nailang na nahuli siya ni Sam na nakatitig ditto.

“The moment I heard that song,  I knew  it’s my song for you.  I was thinking of you when I recorded it and everytime I think of you , I sing that song. And when I heard about what’s going on between you and Gerald, when I watched your interview last Thursday, I sang that song again.”

“Sana nga ikaw na lang.”

“I can wait Sars till your heart  aches are gone."

Mapait na ngumiti si Sarah. “He told me that too the first time he told me he loves me.”

Napabuntong hininga si Sam. Alam niya mahihirapan siyang kumbinsihin ang dalaga na iba naman siya dahil sigurado din siyang sinabi na rin yun ni Gerald sa kanya.

“I am sure he told you so many things that I want to tell  you.  I will just hope then that you can see the difference between us. I will try to convince you  in my actions and hopefully you will see and feel  the sincerity of my intention.”

“Tama na nga  baka mamaya maiyak na naman ako saiyo. Sige ka baka isipin nina Mommy pinaiyak mo ako.” Pabirong sabi ni Sarah kay Sam.

“Ahhh yan ang dapat nating iwasan , ang ma bad shot ako sa mga mommy at daddy mo. “ Napangiting sagot ni Sam.

Naalala ni Sarah na tingnan ang phone niya  kung may mga messages ng marinig  niyang panay ang buzz ng phone ni Sam.

Marami rami na rin siyang messages.   Marami ding emails.

“Alam mo bang magsasalita na raw si Gerald sa The Buzz this Sunday?” Galing kay Yeng.

Nakakunot nuo siya ng ilang Segundo habang binasabasa  niya ang message ng kaibigan kaya ng hawakan ni Sam ang kamay niya ay nagulat pa ito. Napatingin kay Sam na nakatingin naman sa dinadaanan nila.

“What is wrong? You look worried.” Tanong ni Sam.

“Just got a text from Yeng. She said , Gerald will be guesting on The Buzz this Sunday and will talk about  the issues concerning him ,Maja, Kim and for sure me too.”

“Why so worried then? It will be good so he can clarifies so many issues  regarding him.”

“I don’t know , something is telling me , this is not going to be good." Tumingin ang dalaga sa labas. Tumahimik na ito. Ganoon din si Sam. 

*****

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon