“Humihingi po kami ng paumanhin sa panandaliang pagkalimot na kami ay on air pa. Sobra naman kasi ang sunod sunod na pasabog ng dalawang bisita natin. I am sure karamihan sa mga nasa kani kanilang mga bahay bahay ay gaya din namin na nawala sa mga sarili sa panibagong pasabog sa hapong ito. Narinig po natin ang sinabi ni Gerald kanina, tatapusin lang ang mga natanguan na nilang commitments at magpapahinga sila ng isa o dalawang taon para maging ordinaryong pamilya kapiling ang magiging anak nila na nahulaan agad ng ating kasama dito. Pwede bang paki confirm yung isinigaw ni Charlene na babae ang baby ninyo?" excited na tanong ni Boy.
"Tama po ang sinabi ni Ms. Charlene, we are going to have a baby girl," proud na proud na sabi ni Gerald. Hinawakan uli nito ang kamay ng asawa na halatang nahihiya na naman.
"Ang cute lang ni Sarah. Tingnan mo naman at pulang-pula na naman siya. Ano ba girl, magiging mommy ka na, huwag ng masyadong ma-shy," natatawang sabi ni Toni. "Bigla tuloy akong nainggit," nadulas na dagdag pa nito sabay takip sa bibig ng ma-realize kung ano ang sinabi niya.
Sandaling natuon kay Toni ang usapan. Siya tuloy ang tinukso nina Charlene at Gerald.
"Ay naku, tigilan ninyo ako, kayong dalawa ang nasa hot seat, sabay turo kina Sarah at Gerald, hindi ako."
"Oo nga naman, sa susunod na linggo siya naman ang dapat nasa hot seat, di ba Kuya Boy?" tukso pa rin ni Charlene.
"Ate Charlene ha, ikaw ha. Masama ba namang mainggit? Pwede ba naming malaman kung kelan ang expected grand entrance ni Baby Anderson?" Baling nito kina Sarah at Gerald.
"Last week of August," halos sabay na sagot ng dalawa.
"Wow, ilang buwan na lang pala ang hihintayin ninyo. Saan naman ninyo balak manirahan sa ibang bansa? Pwede ba naming malaman?" tanong uli ni Kuya Boy.
"May place na po kaming napagkasunduan kung saan kami pansamantalang maninirahan. Pwede po bang sa amin na lang muna ‘yun? Makikitira lang po kasi kami sa Tita ni Sarah, para din po ma-protektahan ang privacy nila." pakiusap ni Gerald.
"Oo naman, naiintindihan naman namin, gusto ninyong ma-enjoy ang tahimik na buhay kahit isa o dalawang taon lang. ‘Yun nga ang dahilan kaya sa ibang bansa muna kayo maninirahan, di ba?"
"Opo Tito Boy, sana po hindi naman ninyo yun mamasamain."
"Of course not, you deserve it," mabilis na sagot ni Boy.
"Thank you Tito Boy, sasamatalahin na rin po namin na magpasalamat sa mga taong full support sa amin. Uunahin na po namin ang mga magulang namin. Hindi po naging madali sa kanila ang ginawa naming pagpapakasal nang wala sa panahon lalung-lalo na sa parents ni Sarah. Salamat po sa pagtanggap sa akin at pagturing na isa na rin sa mga anak ninyo kahit noong una ay nakapagbigay din ako ng sakit ng ulo sa buong pamilya ninyo. Ate Che, Ate Shine, thank you. Nakatulong ng malaki yung mga tips ninyo sa akin kung paano ko mapapatawa ang baby sister ninyo pag wala sa mood. Gab, salamat sa muling pagtitiwala sa akin at tinanggap mo uli ako gaya ng pagtanggap ng uli ng ate mo sa akin. Tama ang sabi ng mga kaibibgan ko, if I mess up again, I am the foolish of them all. Salamat din syempre sa mommy ko sa walang sawang suporta niya sa akin. Andiyan lang siya palagi, nakaalalay. Sa brother ko na kung hindi sa pakikipag-usap niya sa akin ng prangkahan, either tuluyan na kaming nagkahiwalay ni Sarah or I am probably a total waste now. Thank you Bro, I owe you a lot. Thank you din syempre sa dad ko, lagi niya akong sinasabihan not to make the same mistake, letting go of the best thing that ever happened in his life. Last but not the least, ang mga kaibigan ko na kasama ko at andiyan in good times and bad. Thank you Fred, Ali, Jalal, Rayver, Enchong and Young JV at syempre Ate Nhila and Ate Peachy. Marami pa pong mga special na tao na naging bahagi ng buhay naming mag asawa, sweetheart siguro mas maganda kung ikaw na bumanggit ng mga pangalan ng iba pa natin ng mga kaibigan,” binalingan nito ang asawa.