Chapter 24

8.1K 82 28
                                    

" Ingat ka duon ha, napakalamig duon ngayon. Uso pa daw ang flu. Sana huwag kang magkasakit duon."

"Yun nga ang iniisip ko , may concert pa ako sa Isabela pagbalik ko. Kailangan nasa Isabela na sa 29. "

Napaka hectic naman kasi ng schedule mo. Are you saying na diretso ka ng Isabela pagkagaling mo ng New York. Sana naman kahit isang araw lang may pahinga ka. "

"Kulang na sa oras, kahit nga rehearsal wala na rin. "

"Bakit naman kasi ganyan ang schedule mo? Baka magkasakit ka na niyan."

"Mas maganda nga na ganito ako ka busy , walang time para mag isip at malungkot."

"Baby Girl naman, nag aalala ako na baka isang araw nabalitaan ko na lang nag collapse ka na at dinala sa hospital."

"Don't worry, sanay na ako. Ano kumusta na pala yung meeting mo? Tutuo ba na cancelled na teleserye nyo?"

"Hindi tutuo yun. Tuloy pa rin, si Ms Dawn Zulueta ang papalit. "

"Mabuti naman , handa mo na uli sarili mo sa mas marami pang bashers. Siguradong madaragdagan na naman ang mga bashers mo. "

"Basta andiyan ka na naniniwala sa akin, kahit gaano pa karami ang bashers, kakayanin ko. HIndi naman nila alam ang tutuo. "

"Bakit nga kasi ayaw mo pang magpaka tutuo?"

"Kung pwede nga lang, sa ngayon masyadong kumplikado. Kumusta naman pala kayo ni John Llyod?"

"Ok naman kami, minsan minsan na lang yung ilangan. Hopefully bago matapos ang movie, mawala ng totally yung ilangan namin sa isat isa para mas masaya at smooth sailing ang pagp promote."

Natahimik si Gerald sa kabilang linya.

"Natahimik ka na diyan?"

"Naalala ko lang yung sinabi mo sa latest interview mo. Inamin mong napaibig ka din kay JLC. "

"Hoy, don't tell me nag seselos ka dun. Wala ka ng karapatang magselos no? Magkaibigan na lang tayo." Natatawang sabi ni Sarah.

"Anong magagawa ko kung yung ang nararamdaman ko. Ang swerte naman ni JLC."

"Kung may isa kang hindi na dapat pang pagselosan , si Llyodie yun. Ano ka ba?"

"Tatawagan kita ha pag anduon ka na."

"Bahala ka pero ngayon pa lang sinasabi ko na saiyo, I will always be around with so many people and I don't intent to let them know, we still have communication. "

"Wala bang nakakaalam?"

"Just a few , kahit nga sina mommy hindi alam. Si Maa'm Chai alam niya. Sa side mo may nakakaalam ba?"

"Inner circle lang."

"Have to go, may kumakatok baka si mommy ,"

"I love you and missing you much. Sana magkita man lang tayo bago flight mo bukas."

"Mahirap yun, sige na , mag ingat ka din. " Pinatay na agad ni Sarah ang phone bago pa malaman ng mommy niya na si Gerald ang kausap niya.

*****

"May bisita ka anak nasa baba , naghihintay saiyo."

"Bisita?" Tiningnan ni Sarah ang oras. Past seven pa lang pala.

"Si Matteo, sige na anak , bumaba ka na . Hindi ka pa rin pala kumakain. "

"Hindi naman ako nagugutom mommy. Sige po baba na ako. Mag aayos lang ng kunti ng hindi naman nakakahiya kay Matteo."

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon