Chapter 66

7K 120 97
                                    

Halatang kinakabahan si Sarah pero ng makita ang reaction ng mga fans  ay umaliwalas ang mukha nito.Nakahinga siya ng maluwag. Pinisil ni Gerald ang kamay ng asawa, re assuring her that things will be okay.

Hello po Tito Boy, Ms Charlene, Toni. Isa isang bumeso si Sarah sa mga hosts ng The

Buzz. Bumati din syempre si Gerald , kinamayan si Boy Abunda at bumeso din kina Charlene at Toni.

Kapansin pansin ang pagkakahawak kamay ng dalawa kaya naman ipinokus yun ng cameraman. Parang huminto ang paligid for a moment ng mga nakakita sa magkahawak kamay ng dalawa. Na focus ng camera ang right 4th finger ni Sarah , suot nito ang wedding at engagement ring nito. Dali dali ding lumipat ang focus ng camera sa right 4th finger ni Gerald at nakita ng lahat ng nanunuod sa mga bahay bahay nila, maging ng mga nasa studio, na may suot din itong wedding ring.

Hindi din nakakibo agad ang mga hosts ng The Buzz. Napatitig na lang sila sa dalawa. Yumuko si Sarah, abot tenga naman ang ngiti ni Gerald.

Nakapagsalita lang uli ang mga host ng show  ng marinig ang mas malakas na sigawan, palakpakan ng mga fans, Nagkislapan na ang mga flash ng camera.

“Oh my God, is this true? Tutuo ba nakikita namin?” Hindi halos makahingang tanong ni Charlene sa sobrang excitement.

“Muntik na akong himatayin, buti na lang nakurot ako ni Ate Charlene, oh my God , sobrang pasabog naman tong nakita namin. Hindi na ninyo kailangang magsalita pa.” Hindi maitago ang sobrang excitement, tuwa at pagkabigla ni Toni.

Si Boy Abunda, hindi pa rin makapaniwala. Nakanganga pa ring nakatingin sa dalawa.

Ang audience hindi pa rin magkandamayaw sa mga reactions, lalong lalo na ang mga ashrald. May umiiyak pa nga sa sobrang tuwa.

Hindi pa nakaka recover si Boy Abunda, trending na ang mga singsing sa twitter world.

“Kuya Boy, hindi ka na nakapagsalita diyan.” Puna ni Charlene, na tuwang tuwa pa rin.

“Grabeng pasabog ito, ikaw Sarah, record breaker ka talaga. Pati ba naman dito sa The Buzz mag se set ka din ng record? Oh my God! Buti na lang wala akong sakit sa puso. Teka , paki check nga ang nanay ko please, baka kung ano na nangyari duon sa sobrang tuwa.”

Nagtawanan mga kapwa niya host, nahampas tuloy siya ni Charlene.

“Puwera biro, wala ng tatalo sa pagkabigla ko sa pasabog na ito. Hindi ko ito ini expect. Alam ko maraming pasabog , yung malaman ko na sila pa rin ay napakalaking pasabog na yun sa akin dahil walang wala sa isip ko na sila na although aaminin ko na may duda akong mahal pa rin talaga niya si Sarah nuong ilang ulit na na edit yung pag amin niyang gusto niyang ligawan si Maja dahil nabanggit duon ang pangalan ni Sarah. Isa talaga sa pinakiusap niya na papayag siyang magpa interview tungkol kay Maja kung hindi babanggitin si Sarah. Duon lang duda na ako.” Naiiling na pag amin ni Boy Abunda.

“Teka Kuya Boy, pagsalitain naman natin tong dalawa, si Sarah oh namumula na.” Sabi ni Charlene. Napalingon sa wall screen ng i flash na trending na sila sa twitter hindi lang sa Pilipinas maging sa buong mundo.

“Oh my God, record breaker ka talaga Sarah Geronimo! Tingnan mo naman, hindi ka pa nagsasalita, trending ka na all over the world.” Hindi makapaniwalang sabi ni Toni.

“Ok hinga muna tayo ng malalim, nuong nakipag meeting sa akin ang Viva at Star Magic heads at tinanong ako how would I like the idea of The Buzz getting the exlusive story on Sarah  and Gerald’s pag amin sa tunay nilang relasyon, hesitant pa ako ng sabihin nilang I better give the whole episode to the two of them kasi maraming pasabog na magaganap pero hindi nila sinabi sa akin  in  details. Ang sinabi lang nila sa akin, just go with the flow of our conversations, they will provide materials din for us para mas lalo pang gumanda ang show, makiki coordinate daw sila sa director, all we have to do daw is talk to these two ,  sinisigurado nila sa akin na I won’t regret it. Malaki palang pagsisisi ang nangyari kung hindi ako pumayag. Pati kaming mga hosts ay wala pong kaalam alam sa mga mangyayari ngayong hapong ito. Kami man po ay excited sa mga malalaman nating kwento ngayong hapong ito.” Mahabang paliwanag ni Boy  kung bakit pati silang mga hosts ay laglag panga sa sobrang pagkabigla sa nakita nilang suot na singsing ng dalawa.

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon