Chapter 57

6.9K 95 29
                                    

Pareho ng maluwag ang kalooban nina Maja at Gerald ng mag landing ang helicopter sa Antonio's helipad. Naghihintay na an table two. Napaka romantic nga naman ng setting. Nagkatinginan ang dalawa. Nagkatawanan then magkahawak kamay ng pumasok at hinayaang i treat sila like royalty ng staff ng restaurant habang panay ang flash ng camera. Hinayaan na lang ng dalawa. Pinag usapan na nilang they will enjoy their lunch. They will enjoy their new agreement. They will still support each other and later on will admit that they decided they are better off as friends.

Habang hinihintay nila ang main course ay tumawag si Gerald kay Sarah. Bago naman niya ginawa ito ay nag excuse siya kay Maja. Nag isip si Maja at sinubukan ding i text ang matagal na rin naman niyang hindi nakakausap na boyfriend. Wala pa naman silang formal break up.

Hindi nagtagal at makikita silang dalawang parehong nasa telepono at parehong abot tenga din ang mga ngiti. Larawan sila ng masayang magka date lalo na ng iabot ni Gerald ang phone niya kay Maja ng makita ni Gerald na tapos na itong makipag usap sa kausap. Nakangiti nuong una si Maja pero ilang minuto pa at makikita na itong nagpupunas ng luha. Nakatingin lang sa kanya si Gerald. Inabutan pa siya nito ng facial tissue para pampunas ng luha.

Bago natapos ang lunch nila ay mas malinaw na sa kanila kung ano ang mga susunod nilang gagawin.

Samantala sa bahay nila Sarah , tinanong siya ng mommy niya kung sino ang kausap niya at mukhang naiyak pa siya.

"Si Gerald po, tapos binigay niya kay Maja yung phone. Nagkausap na sila at nagkaintinidihan. Naiiyak po ako sa tuwa dahil tapos na ang issue namin about Maja."

"Mabuti naman. Nasa Tagaytay pa ba sila? Kayo ba ni Gerald eh walang plano ngayong araw na ito?

"Susunduin daw po niya ako pagkatapos ng mini concert ko sa Glorieta. "

"Mabuti naman, akala ko umiiyak ka kanina dahil alam mong hindi kayo magkakasamang mag asawa."

"Ay mommy , hindi mo nga pala alam, dumaan siya dito kanina bago niya sinundo si Maja. Dinalhan niya ako ng mga bulaklak. " Itinuro nito ang mga bulaklak na maganda ng naiayos sa vase na nakapatong na sa dresser niya.

"Kaya naman pala , kampanteng kampante ka diyan. Anong napag usapan ninyo ni Maja? Alam na ba niyang buntis ka?"

"Yan ang hindi ko alam mommy pero alam na niyang kasal na kami ni Gerald. "

"Aha, so ano na ang plano nilang gawin ngayon? "

"Unti unti na rin silang magbibigay ng mga hint na mas magandang magkaibigan na lang sila. Magkabarkada ganoon."

"Maganda yun para hindi naman lumabas na napaka playboy talaga ni Gerald. "

"Ang saya saya mommy, nababawasan mga pangamba namin."

"Masaya din kami para saiyo anak. Lagi naming pinagdarasal na maging maligaya ka sa anumang magiging desisyon ninyong mag asawa. Panahon na rin naman talaga para isipin mo ang sarili mong kaligayahan , hindi lang yung laging kami ang inuuna mo."

"Magiging kumpleto lang ang kaligayahan ko, kung lahat tayo ay masaya sa magiging desisyon namin Mommy. Syempre I owe it to my fans din to tell the truth. Kung sakali man at magtampo sila, hindi ko sila masisisi. Magpapasalamat pa rin ako sa suportang binigay nila sa akin sa sampung taon ko sa showbiz. "

"Ipagdasal natin anak na magiging maayos din ang lahat. Mahal ka ng mga fans mo. Maraming beses mo ng napatunayan yan."

"Opo nga Mommy,napakaswerte ko na nagkaroon ako ng mga fans na super supportive at mapagmahal. Sana lang marami sa kanila ang maintindihan at matanggap si Ge."

"Ihanda mo ang sarili mo na hindi lahat ay matutuwa pag nalaman na ang tungkol sainyo. May mga fans na magagalit at syempre maglalabasan ang mga basher mo."

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon