"You got everything Babe?" Sarah asked Gerald as he puts the last of their bags on their cart.
"Yup, got all of it."
Hindi pa nakakalipas ang 45 minutes ng lumapag ang sinasakyang eroplano ng mga Andersons. Nakasuot man ng casual clothes at sunnies ang mag-asawa, hindi pa rin maiwasang mapatingin ang ibang tao sa kanila. At sa pagkakataong ito ay hindi lang sa kanila napapako ang tingin but on the little girl Sarah held in her arms. Hindi pa nakatulong na nag-uumpisa nang mabalisa ang bata kaya nagsisimula na itong umiyak.
"Daddy, Daddy," the little girl said while crying.
Gerald took his daughter from his wife. "Ssshh. Why is my baby crying? Let Mommy carry you first so Daddy can push the cart. Is that okay?" Tumango naman ang bata. "That's my little girl."
Binuhat na muli ni Sarah ang kanilang anak at nagtuloy na sila sa paglalakad palabas sa airport. Bago pa man sila tuluyang makalabas ng gusali ay may mga ilang airport staff na hindi na napigilang magpakuha ng litrato kasama nila. At kasunod nito ay inasahan na ng mag-asawa ang mabilis na pagkalat ng mga pictures na ito online. Kaya naman nagmadali na rin silang lumabas bago pa sila tuluyang pagkaguluhan. It was a good thing that Kuya Don was already waiting outside for them. Gerald helped Sarah and Ileana Isabelle get inside the vehicle. Nang masiguradong safe na ang mag-ina sa loob ng sasakyan ay tinulungan naman n’ya ang driver para maikarga lahat ng kanilang bagahe sa sasakyan.
Napagkasunduan ng mga pamilyang Geronimo at Anderson na ang trusted driver na lamang ang susundo sa airport para maging low key lamang at hindi agaw-atensyon ang pagdating ng mag-asawa at ng kanilang prinsesa. They have agreed to let the public get a glimpse of baby Ileana Isabelle but the airport is not the perfect place for it. Kung maiimbitahan man sila sa isang talk show ay doon nila ipapakilala ang newest addition to their family.
At gaya ng inaasahan nila, mabilis na kumalat ang pictures nila sa Twitter at Instagram. Habang nasa sasakyan sila papunta sa bahay ng mga Geronimo ay tumawag si Ken sa kanila.
“Kuya, are you okay? Are you out of the airport already?”
“Yes, Ken. What’s up?”
“We saw the pictures on Twitter and a lot of people have been tweeting and retweeting the same question, if you already are back in the country. Nagwoworry lang silang lahat at baka hindi daw kayo nakalabas agad sa airport.”
“We’re fine. May konting tao lang na nagpapicture tapos umalis na kami agad. We’re all safe. Just wait for us.”
“Okay Kuya. Bye.”
Nang makarating sila sa bahay sa St. Charbel ay hindi magkamayaw ang parehong pamilya sa pagwelcome sa kanila. Ang mga magulang at kapatid nina Sarah at Gerald ay naghalinhinan sa pagkarga at paghalik kay baby Ileana. At first, she was startled at the attention that was given to her that at some point ay nagpakarga na lamang ito kay Gerald at isiniksik ang mukha sa kanyang leeg.
“Halatang Daddy’s girl ang prinsesa ah,” sabi ng isang kapatid ni Sarah.
“Oo, sobra. Ge spoiled her too much,” sagot ni Sarah.
“Ate, pareho lang kayo n’yan. Pati naman ikaw spoiled kay Kuya Ge eh,” panunukso naman ni Gab.
“Princess, don’t be shy. They’re your family. See, that’s Lolo Delfin, Lola Divine, Lola Vangie, Uncle Ken, Aunt Shine, Aunt Cheng and Uncle Gab. Say hello to everybody,” Gerald said to encourage the little girl.
“C’mon baby, say hi to everybody. Di ba you talk to them all the time on Skype/Facetime?” dagdag naman ni Sarah.
She slowly lifted her head and carefully studied the faces of the people around her. Unti-unti n’yang itinaas ang isang kamay at kumaway sabay sabing, “Hi.”