Nagising si Sarah sa mahinang katok sa pintuan niya. Pagmulat ng mata niya ay nakita niya ang pintuan niyang bumubukas at napabalikwas ito ng makita si Gerald na may dala dalang breakfast tray.
"Good morning Baby Girl, breakfast in bed para sa pinakamamahal kong prinsesa." Todo ngiting bati ni Gerald sa kanya.
"Anong ginagawa mo dito? Paanong?"
"Big surprise ba? Huwag ka na munang bumangon. " Binaba ni Gerald ang tray sa bed side table at dinampian ng halik sa labi si Sarah.
"Teka muna ," dali daling bumangon si Sarah at tumakbo sa wash room.
Sinundan siya ng tingin ni Gerald na abot tenga pa rin ang ngiti.
Habang nasa banyo si Sarah ay inayos naman ni Gerald ang bed. Pagbalik ni Sarah ay nakaupo na si Gerald sa gilid ng bed , ng makita siya ay tumayo ito at inalalayan siyang bumalik sa bed. Inayos ang unan sa likod niya para mas komportable siyang makasandal sa head board then pinatong ang breakfast tray.
Magtatanong sana uli ito pero sinabi ni Gerald na kumain na muna siya, inabot ang coffee na umuusok pa , perfect just the way Sarah likes it.
"Enjoy mo na lang tong moment na to. Pambihirang mangyari to sweetheart." Sabi ni Gerald sabay subo ng pagkain kay Sarah.
Matapos makailang subo si Sarah ay hindi na rin nito tinigilan si Gerald na ikuwento sa kanya bakit nanduon siya. Masayang masaya siya na nanduon si Gerald na parang walang nangyari. Gaya ng dati, malaya itong nakakapunta sa kanila basta din lang may pagkakataon.
"Matutulog na sana ako kagabi ng mag text si Mommy. Sunduin na lang daw kita , gusto din daw nila akong makausap pero sana daw maaga akong makarating dahil maaga daw silang pupunta ng Pampanga kaya 7 pa lang andito na ako."
"Kanina ka pa dito? Kinausap ka nina Mommy at Daddy?"
"Oo, heart to heart. Humingi ako ng tawad sa mga kapalpakang nagawa ko. Sinabi ko na sa kanila lahat lahat. Inamin ko na rin mga kalokohang nagawa ko nuong mga panahong gulong gulo ang isip ko. Marami akong nagawa sweetheart pero pangako , hinding hindi na na ako maglilihim saiyo. Napatunayan ko, lalo lang akong napapahamak dahil sa mga paglilihim ko pero sana maintindihan mo din na nagagawa ko lang yun dahil ayaw ko na ring madamay ka pa o siya mo pang iniiisip."
"Nasabi mo na sa kanila, sasabihin mo na rin lahat sa akin? Yung tungkol sainyo ni Maja?" Yung tungkol sa iba pang mga babae na hindi mo nasabi sa akin nuon?"
"Oo sweetheart, marami tayong pag uusapan pero dahil napakarami nuon, kumain ka muna, tapusin mo muna breakfast mo para makalabas na tayo?"
"Saan tayo pupunta?"
"Day off natin di ba? As usual , bikeriding then sa condo. Bonding all day di ba? "
"Dito na lang tayo, mas safe pa."
"Mas masarap ang feeling pag duon di ba? Please." Parang batang nakikiusap si Gerald.
Natawa si Sarah at isinubo kay Gerald ang bacon na sana ay isusubo na niya.
"Pag pinaiyak mo uli ako, ewan ko na lang saiyo. Talagang hiwalay na tayo."
"Promise, hinding hindi na. Pag nangyari yun, pakamatay na lang ako."
Hinampas ni Sarah si Gerald sa narinig. "Yan ang huwag na huwag mong gagawin. Huwag mo na uling uulitin yung ginawa mo nuon. Papatayin mo rin ako pag nagkataon." Seryosong sabi ni Sarah. Huminto na sa pagkain. Hinawakan sa pagitan ng dalawang kamay ang mukha ni Gerald. Hinalikan sa labi.
"Promise me, we will try our best to work it out this time. At huwag na huwag mong sasabihin uli sa akin yan," hinawakan at tiningnan ang right wrist ni Gerald. Hinalikan ito. We will be both strong for each other right?"
"Oo sweetheart, kaya kung tapos ka na, either you take a shower na or we can just take it at our place."
"Sabi mo will go bikeriding muna, di kailangan kong magbihis ."
"Bihis ka na lang, wala namang makakakilala saiyo with the helmet on."
"So ibig mong sabihin nakaalis na sina mommy?"
"Yap, wala na sina sina Ate Cheng at Gab."
"Dito na lang tayo, tayo lang pala nandito eh. Huwag na tayong umalis."
"Mas gusto ko duon tayo. kasi tayong dalawa lang talaga. Nakakahiya namang maghapon lang tayo dito sa kwarto . Duon pwedeng kahit saan tayong part ng ng unit may privacy. Ang tagal ko kayang naghintay ng araw na to. Parang gusto kong matupad yung hula nila na mabubuntis ka this year or early next year."
Pinong kurot ang natikman ni Gerald galing kay Sarah matapos sabihin nito ang tungkol sa hulang pagbubuntis.
"Pwede naman di ba? Baka sakaling mas may time ka na sa akin ngayon kasi mawawala na ang SGL."
"Babe, baka mas demanding pa ang kapalit na projects duon pero yun nga lang hindi masyadong nakakapagod gaya ng SGL lalo na yung sa oras mismo ng show. "
"So ayaw mo pang matupad yung hula?" Nagtatampo kunwaring tanong ni Gerald.
"May problema pa nga tayo eh, paano natin ipagtatapat sa mga fans natin at sa publiko na Mrs. Anderson na ako."
Tumayo si Gerald at inalalayan si Sarah na makakababa ng bed. "Let's get ready na para makarami. Mamaya na natin pag usapan yan.For now, gusto ko munang maramdaman uli na mrs ko na si Sarah Geronimo. Gusto kong maramdaman kahit paminsan minsan lang na malaya ko siyang yakapin, halikan at sabihin kung gaano ko siya kamahal."
"Gusto ko din yan, maramdaman uli na ako lang ang mahal mo , walang iba."
"Wala naman talaga akong ibang minahal , ikaw lang. Ikaw lang ang dahilan kung bakit nagsisikap ako, yung kahit na konti makapantay ako saiyo para hindi naman masyadong mababa ang tingn sa akin ng ilang tao sa paligid mo. " May pait sa boses ni Gerald.
"Senti ka na naman, akala ko ba positive vibes lang tayo ngayon."
"Oo nga pala, sige na bihis ka na para makaalis na tayo."
Habang nagbibihis si Sarah, napansin niyang nakatitig lang si Gerald sa kanya. Nginitian niya ito.
"Kinakabahan ako when you are gazing at me like that. That glint in your eyes, naku, magtigil ka baka mamaya hindi na tayo tuluyang makaalis. "
"You are so beautiful," he said. He walked towards her, his gaze never left her, "Change of plan BabyGirl. Can't wait any longer."
She touched his cheek, could not hide her smile. He brushed his fingers across her lips.
"You have such a beutiful open smile. When you smile, it lights up your entire face."
"For the longest time, they simply stared at one another, their gazes locked as if each was searching deep into each other's soul.
Finally, he put both hands to her face and held her as he lowered his lips to hers. Sarah sighed into his mouth feeling his gentle kiss. She readily complied parting her lips when his tongue tentative at first coaxing her to open to his. He groaned. Her taste was familiar to him yet each time was like the first. Exciting and electrifying.
"I missed you so much." He whispered as he brushed her cheeks. I hope you missed me even just a quarter of how much I did."
"I missed you too more than you know."
Hindi na napigilan ni Sarah, umiyak na ito sa dibdib ni Gerald.
"I love you Baby Girl, don't stay away too long again."
Ang planong pagbibihis ni Sarah ay hindi na natuloy. Before long both of their clothes were on the floor. The plan of bikeriding has been postpone for another time as the two were back in bed showing how much they missed each other.