Chapter 27

7.6K 85 19
                                    

Magkatabi sa upuan sa bus pabalik sa Manila sina Christian at Sarah. Once a week lang ang flight pabalik ng Manila galing ng Isabela kaya sa isang tour bus na lang sila sumakay.

"Mahaba haba ding biyahe to ah. Sana lang makatulog tayo no?" Bungad ni Christian kay Sarah.

"Oo nga, ngayon lang uli ako makakasakay ng ganitio katagal sa bus." Medyo excited pa ang boses ni Sarah.

"Ako din , tagal na nga. Balita ko may lugar daw sa gitna ng bundok na masyadong delikado ang daan , daig pa daw yung papuntang Baguio.

"Sabi nga nila pero for sure kayang kaya yan ng driver natin. Saka baka bago tayo dumating sa part na yun ng bundok , tulog na tayo. Kailangang makatulog sa biyahe. Pagdating ng Manila, rehearsal na naman tayo. May production number tayo sa ASAP, guest ako kasama ako sa Champions. "

"Exciting yan, sayang hindi na tayo kumpleto. Masaya sana kung nanduon din sina Shin at Mark."

"Sayang nga, kelan uli tayo magkikita kita? Kaninong bahay ang susunod na bonding dinner?"

"Sa place ko. Sigure 2 weeks from now, medyo maluwag ang schedule ko by then."

"Uuuyy tagal ko ng hindi napupunta sa place mo. Last yata nung kayo pa ni Ate Shin." May panunukso ang boses ni Sarah. Naalala niya nuong mag on pa sina Christian ang Rachelle Ann.

"Ikaw Sars ha, may ibig sabihin yang mga smiles mo na yan."

"Wala ah, naalala ko lang yung mga panahon na yun. Inggit na inggit ako sainyo. Akala ko talaga kayo na. Hindi pa rin pala." Malungkot na sabi ni Sarah.

"At least magkaibigan pa rin kami. Kayo ba magkaibigan pa rin?"

"Huh? Sino?" Kunwari ay hindi nakuha ni Sarah ang tanong ni Christian.

"Echos mo diyan, alam na alam mo naman kung sino tinutukoy ko , kunyari ka pa."

"Sino nga?"

"Si Gerald." Bulong ni Christian na halos idikit na ang bibig sa tenga ng kaibigan.

"Ahhh siya ba? Oo naman, magkaibigan naman kami. Hindi nga lang siguro kagaya ninyo ngayon ni Ate Shin."

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala na wala na kayo. Yung sinasabi nila about him and Maja, kahit na galing na mismo sa bibig niya, feeling ko sinasabi lang niya yun."

"Ikaw Kuya Christian ha, nang iintriga ka. Mamaya may makarinig saiyo , sige ka. "

"Kung wala lang dito sa bus sina Tita at Tito , tatayo ako dito at tatanungin ko sila kung sino ang naniniwala na mahal ka pa rin ni Gerald. Baka lang mapektusan ako ni Tita pag ginawa ko yun eh."

"Hindi ka lang kay mommy may pektos , sa akin din." Hampas ni Sarah kay Christian.

"Hindi nga, kumusta kayo?"

"Ok naman, nag papalitan pa rin kami ng text messages. Minsan nag uusap pero hindi alam nina Mommy. Hindi na nila ako masyadong pinakikialaman sa personal ko."

"Napansin ko nga , pati mga damit mo medyo nagiging daring na rin. Nagpapakita ka na rin ng cleavage no?"

Nahampas na naman ni Sarah si Christian sa panunukso nito sa kanya.

"Bakit mo naman nasabi na parang hindi tutuo yung sa kanila ni Maja?"

May boyfriend si Maja, architect di ba? Isinama na niya yun minsan nung dumaan siya sa get together natin di ba? Pangalawa, bigla bigla naman na sila na?" Dati rati ni hindi sila nag uusap. Bago pa sumabog yung interview kay Kim about Gerald and Maja, kinumusta ka pa sa amin ni Gerald. Tanungin mo pa si Eric at Jed."

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon