As expected ilang minuto lang matapos ang mga binitiwang salita ni Maja, na quote na siya sa mga social networks. Hindi pa man nakakaalis ang mga reporters sa set ng teleserye nila ay nabasa na ni Kim ang tweett ng isa sa mga reporters.
"Sarah is Gerald's love of his life according to Maja."
Tweet naman ng isa,"Kung meron man akong dapat paghingan ng dispensa, kay Sarah hindi sa kanya, sagot ni Maja kay Kim."
Sabi naman ng isa,"Maja, inaming hanggang barkada lang ang relasyon kay Gerald Anderson."
Namutla sa sobrang pagkabigla si Kim. Napatingin sa mga reporters na nagpapaalam kay Maja. Gusto man niyang kausapin ang mga reporters, tanungin, hindi siya nagkaroon ng pagkakataon dahil nagmamadali na ang mga itong umalis. Gusto nilang mahabol ang deadline sa kanya- kanyang mga tabloids and newspapers.
Si Maja naman ay tinawag na for her take. Binasa uli ni Kim ang timeline niya at hindi na siya nagtaka na trending na all over ang mga tweets ng tatlong reporters. Pati mga kapwa nila artista ay mga nagtweet na rin.
"Finally! True love talaga, mahirap itago," tweet ni KC.
"Kasi naman makita lang magkasama, nagliligawan, di ba pwedeng close friends lang talaga?" tweet naman ni Jed Madela.
"Bro, heto na ‘yung hinihintay mo," sabi naman ni Sam.
"Ge, heto na ‘yun oh, ingatan mo sister namin," galing naman kay Rachel Ann Go.
Ang mga fans naman halo-halo ang reactions pero wala nang iingay pa sa saya ng mga Ashrald sa social networks lalung-lalo na sa Ibon world.
Ang timeline ng mga reporters ay binaha ng mga tanong at comments pero sinabi lang ng mga ito na abangan ang full interview nila sa mga newspapers kung saan sila may mga sarili-silang column o nagsusulat.
Nasa last day ng taping ng blind auditions si Sarah kaya wala siyang kamalay-malay sa mga nangyayari. Nalaman naman agad ni Gerald kay Rayver noong nasa taping naman sila ng teleserye nilang “Bukas na Lang Kita Mamahalin.”
"Bro, trending kayo ni Sars sa mga social network. Nagsalita na si Ma,." bulong ni Rayver sa kaibigan. Iniabot ang phone niya para mabasa ni Gerald kung ano ibig niyang sabihin.
Dali-dali namang kinuha ni Gerald ang iniaabot na phone ng kaibigan at binasa ang mga tweets na sinasabi nito sa kanya.
"Bakit kaya bigla naman yata ito. Akala ko sa The Buzz siya magsasalita."
"Alam na ba ng asawa mo? Sabagay, hindi pa naman sinasabi diyan na kasal na kayo."
"Hindi pa siguro, kung alam na nun, nagtext na sana agad sa akin. Nasa taping siya ng ‘The Voice’ para sa blind auditions."
"Teka Bro, subukan kong tawagan pero kung hindi pa tapos ang taping nila, malabong sumagot ‘yun ng phone."
"Mukhang okey naman ang reaction ng mga fans. Parang biglang naiba ang trend. Marami na ang nagbago ng tingin kay Maja pero mas marami ang interesadong malaman kung ano ba talaga ang relasyon ninyo ni Sarah."
"Napansin ko nga din yan Bro, matutuwa si Sarah ‘pag nalaman niya ‘yan but then it’s too early to say kasi hindi pa rin naman nila alam ang buong katotohanan," sabi ni Gerald habang hinihintay kung sasagutin ba ni Sarah ang phone. "Naka-off ang phone niya, isang ring lang ay pumupunta na sa voicemail niya. Pabasa pa nga ng mga tweets Bro, para ‘pag ako na ambush interview ng mga reporters alam ko isasagot ko."