Kinabukasan mas lalo pa silang pinag usapan ng lumabas na sa mga newspapers and tabloids ang buong interview kay Maja ng mga reporters. Hindi lang sa apat na sulok ng showbiz sila naging trending topic, naging usap usapan din sila sa mga opisina, sa mga schools, maging sa mga sasakyan lalong lalo na nga at dinudumog pa rin ang movie ni Sarah at John Lloyd. Hindi na kataka takang marami ang mas naging interesadong mapanood ang movie dahil na rin sa rebelasyon ni Maja.
Maging ang mga kalabang tv stations ng network ng dalawa ay headline din sila sa mga showbiz news nila. Kanya kanyang speculation , kanya kanyang opinion. Unang bukas pa lang nila ng tv ay nakita na nila mga sarili nila sa screen. Nasa Umagang Kay Ganda ang balita tungkol sa kanila. Nabanggit din sila sa Kris TV.
“Kinakababahan ako Babe, heto na talaga yun. Parang ayaw kong magbukas ng twitter account ko.”
“It will all work out ok sweetheart , don’t worry too much.” Lalo pang hinapit ni Gerald palapit sa kanya ang asawa. Nakahiga pa rin sila. Naghihintay pareho ng tawag galing sa mga namamahala ng career nila. Sinabihan na silang huwag muna silang lumabas at sumagot sa mga tanong ng mga fans sa social networks. Pinayuhan nga sila na huwag munang magbukas ng mga account nila lalong lalo na si Sarah.
“Breakfast na tayo sweetheart. Nagugutom na ako.” Bulong ni Sarah sa asawa.
Hinalikan ni Gerald ang nuo ng asawa. “Sige sweetheart, ako na lang mag handa ng breakfast natin.” Nag umpisa ng bumangon pero sinabayan na rin siya ng bangon ni Sarah.
“Tulungan na kita, kung iiwanan mo ako dito baka ma tempt pa akong magbukas ng account ko sa twitter, tapos alam mo na may mabasa akong hindi ko gusto , masira pa ang araw natin o kaya ay makasagot ako ng wala sa oras.”
“Ok, ikaw ang bahala.” Tiningnan ang phone niya kung may message na ang handler niya. Ganoon din ang ginawa ni Sarah.
“Wala pa bang message si Ate Nhila saiyo? Wala pa ring message kahit na sino sa Viva. Karamihan ng mga messages ay galing sa mga friends natin. Ikaw ba?”
“Wala pa nga eh, why do I have a feeling na sila muna ang nag me meeting kaya dapat tayong dalawa ay relax lang , lalong lalo na ikaw. Pag gutom ka , gutom din baby natin kaya let’s go, let’s find something to eat.” Inakbayan ang asawa, sabay kuha sa phone na hawak nito. “Kalimutan muna natin tong mga phones natin, kain muna tayo.”
“Yan ang gusto ko saiyo eh, little things pero ang dating sa akin, napaka sweet.” Biro ni Sarah na yumakap sa bewang ni Gerald habang palabas sila ng kwarto.
Masayang kumakain ng brunch nila ang dalawa ng mag ring ang phone ni Gerald. Nagkatinginan ang dalawa. “Hello Ate Nhila, please make it a good news.”
“Nabasa na ba ninyo yung full interview kay Maja? Nasa abante at Philippine Inquirer ah, basahin ninyo on line para may idea naman kayo. Guest siya mamaya sa Bandila. Abangan ninyo. At huwag muna kayong papakita sa mga reporters kaya mas maganda na diyan muna kayo sa condo nyo.”
“Ok lang kami dito Ate, mas gusto ko to, solong solo ko ang asawa ko.” Nakangiting nakatingin kay Sarah na dinidilaan siya ng marinig ang sinabi sa handler niya.
“Sa ngayon inaayos pa, ang plano you will have an exclusive interview sa The Buzz, may lunch meeting sina Boss Vic at Mr. M with Kuya Boy , tawagan uli kita kung ano napag usapan nila.”
“Please Ate, let us know as soon as possible para naman hindi masyadong nag aalala ang asawa ko. Gustong gusto na ngang buksan ang twitter account niya at ng makabalita na kung ano na ang nangyayari, kung ano na sinasabi ng mga fans niya.”
“Sabihin mo sa kanya huwag siyang masyadong mag aalala, positive naman ang reaction ng mga fans niya. Marami nagsasabi na kung sino mahal niya , mamahalin din nila at kung ikaw yun, mamahalin ka rin nila basta tutuo ang pagmamahal mo kay Sarah. Syempre hindi mawawala yung mga bitter at bashers.