Pagpasok pa lang ni Sarah sa dressing room niya ay nakita na niya agad ang bulaklak na nakapatong sa harap salamin. Napatingin mga taong dinatnan niya duon . Alam na niya kung kanino galing yun kahit hindi pa man niya nababasa ang card.
"Mukhang lahat kayo ay gustong malaman kung kanino galing yang bulaklak ah?" Nasabi na lang ni Mommy Divine.
"Oo nga Tita, ang ganda ganda naman kasi. Halatang super special at punong puno ng pagmamahal." Sagot ni Evelyn.
Mixed emotions si Sarah. Hindi niya alam kung matutuwa siya or lalong maiinis. Lumapit sa bulaklak at kinuha ang card, binasa.
"I'm not supposed to love you, I'm not supposed to care, I'm not supposed to live my life wishing you were there, I'm not supposed to wonder where you are or what you do..... I am sorry, I am in love with you. I will love you untill it kills me , and even then, you will be in my heart."
Napakagat labi si Sarah. Pinipigil niya ang maiyak pero tumulo pa rin ang mga luha ng dalaga.
Hindi na nagtanong uli ang mga tao sa dressing room ng makita ang expression ni Sarah pagkatapos mabasa ang card. Alam na nila kung kanino ito galing. Tama ang speculations nila.
Narinig nila ang malalim na buntong hininga ni Mommy Divine. Nagpunas ng luha si Sarah at umupo na sa harap ng salamin. Nagbalik naman na ang mga kasamahan sa kwarto sa kani kanilang trabaho.
May narinig silang marahang katok sa pinto.
Ng buksan ni Evelyn at pumasok ang kumatok ay isa isang naglabasan mga kasama ni Sarah. Nagsipagpunta sa waiting room. Bumeso ito kay Mommy Divine na nakatingin lang sa pumasok.
"Sandali lang po Tita, gusto ko lang po talaga siyang makausap , pwede po ba?" Nakikiusap ang boses ni Gerald.
Tumango lang mommy ni Sarah pumunta na ito sa waiting room. Naiwan ang dalawa. Nakatingin ng diretso si Sarah sa salamin.
Lumuhod sa may tagiliran ni Sarah si Gerald. HInawakan ang dalawang kamay nito , hinalikan then tumingin kay Sarah, "konting panahon na lang sweetheart please."
Hindi agad nakakibo si Sarah. Tumulo na lang ang luha nito. "Hirap na hirap na ako, hindi ko na din alam kung bakit nagpapakatanga ako saiyo."
"I am so sorry," tumayo si Gerald, pinunasan ang luha sa pisngi ni Sarah.
Hinid na napigil ni Sarah ang sarili at yumakap na rin ito sa bewang ni Gerald. Umiiyak na sinabi nito na hindi siya tatagal sa ganoong sitwasyon.
"Kung gusto mo talagang maging tayo pa rin, we really have to talk. You really have to tell me what is really going on. Kahit ano pa yan, kahit gaano pa kasakit. Let me decide kung tama ba na yang ginagawa mo ay way ng pagprotekta mo sa akin or way lang para tuluyan tayong magkalayo? Or to protect yourself and your career?" Sunod na sunod na sabi ni Sarah. Alam niya masakit ang mga sinabi niya pero kailangan.
"Pagkatapos ng ASAP, saan tayo pwedeng mag usap?"
"Hindi pwede after ng ASAP, may rehearsal pa ako ng SGL."
Napansin ni Gerald na lalong lumungkot ang mukha ni Sarah.
Kinabahan ito. "Bakit BabyGirl , parang lalo kang lumungkot ng mabanggit ang show mo?"
"Baka last two shows na lang ang kami." Tumulo na naman ang luha nito. Sorry, gulong gulo lang talaga ang utak ko."
"That is not right! Malakas na sabi ni Gerald. They told me they wont do it. That is one of the conditions. They won't touch your show!"
Nagulat si Sarah. Napatitig ito kay Gerald. "What do you mean?"
"I agree to their conditions when I heard they were planning to end your show after Christmas. I told them I will do whatever they want. I know how important SGL is to you."