Chapter 31

8.3K 93 42
                                    

Habang lumalapit ang opening ng show ni Sarah, mas nararamdaman niya ang lungkot.Nakatayo ito sa gilid ng stage habang hinihintay ang final intruction sa opening. Tutuong siya ang nagdesisyong mag end na ang show pero mami miss niya ng sobra ang mga taong involved sa show. Para na silang isang buong pamilya. Kahit hindi pinag usapan, may common courtesy ang bawat isa lalong lalo na yung pangangalaga nila sa privacy niya. Isang taon na ang show, parang kelan lang. Nalulungkot siya pero mas gusto na niya mag end kesa maging boring na ang dating ng show. May kapalit naman agad, hindi din naman siya totally ma mi miss ng mga fans niya.

Katatapos lang nilang nag usap ni Gerald sa phone . Sinabihan niyang huwag na itong pumunta sa studio. Mas masama ang magiging tingin sa kanya ng ibang mga fans kung lalabas na nakita sila ni Maja tapos after few hours makikita naman siya sa SGL studio. Nakumbinsi naman niya ang binata at sinabing duon na lang siya tutuloy sa Makati , duon na lang siya manunuod. Sinabi niya kay Gerald na yung opening song ang pinaka statement song niya.

Ikiniwento na rin ni Gerald ang nangyari sa jogging kuno nila sa UP. Kasama daw nila si Nhila, si Maja naman ay ang handler nito. Sandali lang daw sila duon pero as usual sinabi na nito kay Sarah ang posibleng mabasa niya or makarating sa kanya.

Napapikit na lang si Sarah. Sa mga pinagdadaanan nila ngayon ni Gerald, sino nga ba talaga makakaintindi sa mga tunay na nararamdaman nila. Paano nga ba nilang ipapaliwanag na , tingin lang ng bawat isa, nagkakakaintindihan na sila kahit na hindi sila nag uusap. Kahit na mata lang nila ang nag uusap, alam na nila kung ano mga gusto nilang sabihin sa isat isa.

Napangiti si Sarah ng marinig ang sigaw ng mga fans niya ng we love you Sarah. Kumaway si Sarah sa mga ito. Gaya niya baka naiinip na rin sa pag uumpisa ng show. Medyo natagalan kasi sa pag set up ng stage. Naisip niyang kantahan ang mga ito habang naghihintay na ikinatuwa ng mga fans. May mga kinilig din lalo na ang mga fans nila ni Gerald dahil isa yun sa mga kantang kinakanta din ni Gerald. Todo sa pagkanta si Sarah lalo na sa part na:

All day long I can hear;People talking out loud (oooh).
But when you hold me near ,You drown out the crowd

Try as they may, they can never define
What's been said between your heart and mine.

*****

"Swerte naman niya, kitang kita na kahit ano pa ang lumalabas na balita tungkol sa kanya. siya pa rin ang mahal mo." Bulong ni Piolo kay Sarah na guest niya that night.

Ngumiti lang si Sarah. Hindi niya kayang ipagkaila yun ng harap harapan.

"Malalampasan din ninyo yan. Be patient and trust in Him. Basta buo ang pagmamahal ninyo sa isat isa. Will pray na sana malagpasan ninyo mga pinag dadaanan ninyo. Kahit hindi pa naman talaga kami close ni Gerald. halata naman na ikaw ang mahal niya. Yung sa kanila ni Maja, isipin mo na lang na nakakatulong sa career ng isang nangangailangan pero I doubt na nakatulong nga. This time I will say, it's a career suicide ang naging desisyon nila but who am I to say. I had the same mistakes before." Nakangiti pero may lungkot sa mga mata ng kilalang ultimate crush ng bayan.

Naalala ni Sarah ang sinabi ng ni Judy Ann Santos nuon sa kanya. Si Judy Ann ang isa sa tintuturing na pinakamalapit na kaibigan ni Sarah sa showbiz. Pag naguguluhan siya at gusto niyang magpalipas ng sama ng loob at kailangan ng kausap na hindi siya pagagalitan or sisihin or huhusgahan, kay Ate Juday niya siya pumupunta.

"Hindi naman kasama ang puso sa kontrata. Kahit ano pa gawin nila sa career mo, hindi nila dapat isinasama ang puso sa kontrata. Unfair naman yun unless willing kang isacrifice ang puso mo in favor sa career mo. At pag nangyari yun, huwag ka ng magtaka kung in the end , maaapektuhan din ang career mo , kasi hindi ka masaya."

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon