Chapter 46

9K 110 35
                                    

Sarah snuggles closer against Gerald. His arms tighten around her. Her face is pressed against his heart, beating loudly against her ear. It sounds like thrumming music that soothes her to sleep.

When she wakes up, Gerald is still asleep next to her. His arms are still tightly wrapped around her.Parang hindi man lang sila gumalaw the whole night.  She knows its time to get up but it feels so comfortable where she is at that moment In her husband’s arms.

She carefully extract herself from Gerald’s arms and crawl out of bed, padding to the bathroom.

Habang nasa shower siya ay naalala niya ang nangyari ng nakaraang gabi.Smiles at the memory. Ano nga kaya at mabuntis siya? Ano ang gagawin nila? She is not on pills and Gerald is not using any precaution. Handa na ba siya?

Hanggang sa makatapos siyang mag shower ay ang posibildad na mabuntis siya ang nasa isipan niya. Matatapos na nga ang SGL that week pero may mga kasunod na agad siyang projects. May movie pa siyang ginagawa with JLC na kahit na gustuhin nilang matapos na ang shooting as soon as possible, hindi magawa dahil madalas ay  hindi pwede si John Llyod.

Isa pa talagang gumugulo sa isip niya ay si Maja. Parang hindi siya makapaniwala sa mga naririnig niya tungkol sa dating kaibigan. Tutuo nga kayan yun? Tutuo nga kayang may gusto na si Maja sa asawa niya? Dapat siguro kausapin niya ito bago mahuli ang lahat. Sa ngayon nagagawa pa ng asawa niyang iwasan si Maja pero paano kung palagi silang pinagsasama ng management nila, naniniwala din siya na kahit na gaano ka santo ang lalaki pag babae na ang gumawa ng paraan , madalas sa hindi , natutukso na rin ang lalaki.

Alam niya mahal siya ng asawa niya pero maraming beses na ring nangyari na babae ang madalas nilang pag awayang mag asawa. Di nga ba at babae din ang dahilan kaya ilang buwan din silang nagkatikisan? Hindi dahil sa wala siyang tiwalakay Gerald  pero mas maganda na rin yung iwas tukso lalo na nga at nakikita naman niyang malambing din talaga si Maja kahit na kanino.

Paglabas ni Sarah ng banyo ay wala na si Gerald sa higaan. Binuksan niya ng konti ang pinto , naamoy niyang nagluluto na ito ng breakfast.

Ipinagpatuloy na ni Sarah ang pagbibihis. Binuo na sa isipan na kakausapin niya si Maja one of these days. Maganda na yung magkaliwanagan sila.

“Good morning sweetheart! Ang daya mo hindi mo ako ginising , di sana  sabay tayo uli nag shower.” He reaches to her and pinning her  against the counter.

Sarah smiled. “Kaya nga ni locked ko na pinto.”  She told him as she pressed her lips to his.

Gerald laughed, lifted Sarah up, sitting her on the counter. He stared at her then kissed her lightly. “I love you, sana araw araw ganito tayo.”

“I love you too, sana nga.” She kissed him again.

Text ko na si Kuya Don, in an hour andito na sila to pick me up. Work day na naman. Ikaw ano schedule mo ngayon?”,  kinagat ang isinusubong bacon sa kanya ni Gerald.

“As usual taping pero dadaan muna ako sa ABS CBN,  may pag uusapan daw kami ni Ate Nhila. “

“Kumusta na pala siya? Kindly say hi to her ha.”

“As far as I know , she is ok. Ewan ko lang kung ano naman pag uusapan namin today. Sana naman good news. Upo ka na sweetheart, ano gusto mo kape or orange juice?”

“Kape na lang muna. Mamaya na orange juice.”

Habang kumakain sila ay naririnig nila ang mga phones nilang panay ang mga rings at buzz.

Nagkakatinginan lang sila pero walang tumayo para tingnan. Usapan na nila yun, pag kumakain sila, walang titingin ng cell phones.

“Babe, alam ko sinabi ko na saiyo to, ano kaya kung kausapin ko si Maja.”

“Ikaw ang bahala pero kung ako lang masusunod , huwag na. Ako na lang. Baka mamaya maging masama pa ang dating mo sa kanya or sa kanila. Alam mo yun?”

“Nag aalala kasi ako sa mga naririnig ko. Baka mamaya ….” Hindi na naituloy ni Sarah ang sasabihin. Nag aalala siyang baka naman sabihin ng asawa na wala siyang tiwala dito.

Bumuntong hininga si Gerald.  “Sweetheart....”

“I know , natatakot lang ako. Alam ko naman na mahal mo ako pero sa dami ng babaeng may gusto saiyo.... nangyari na yan before , hindi lang isang beses. Paano kung hindi mo matanggihan...”

Biglang tumayo si Gerald. Itinayo ang asawa at siniil ng halik. Hindi niya ito hinintuan hanggang hindi siya ginagantihan ng halik ng asawa. And she did. When he raised his head, she slumped against him and laid her cheek on his chest.  

“I learnt my lesson sweetheart, trust me, I am not going to hell again!” Niyakap ng mahigpit ang asawa.

"Natatakot lang ako Babe, kasi naman... alam mo habang tumatagal, parang mas gusto ko na talagang huminto muna. Kaya ba natin? "

"As far as I know sweetheart, lahat kaya kong gawin basta kasama kita. Walang hindi mahirap gawin basta andiyan ka lalong lalo na kung alam kong magiging masaya ka. Mapangiti nga lang kita, todo na saya ko yun pa kayang mapatawa ?" 

Kinurot ni Sarah si Gerald. "Ang corny mo naman. Yang mga salitang yan ang dahilan kaya ka pinagkakaguluhan ng mga babae eh,pati nga yata lalaki."

"Isa lang naman ang gusto ko, at ikaw yun, " hinalikan uli ang asawa.  Duon nila narinig ang buzzer . 

"Si Kuya Don na yan. Paano Babe, mauna na ako. Let me know kung ano napag usapan ninyo ni Ate Nhila ha." 

"Syempre, ako pa. Alam mo namang hindi ako makakatagal na hindi maririnig ang boses mo sa maghapon. "

"Yan ang gusto ko saiyo eh , alam na alam mo kung paano ako mapapangiti. Sige na, sorry hindi na kita matutulungan magligpit dito sa kusina. Kakahiya na maghintay sina Kuya Don at Manang." Hinalikan sa pisngi ang asawa ,kinuha ang bag at lalabas na sana ng unit ng pigilan siya ni Gerald. 

"Teka , ihahatid kita sa baba."

'Huwag na, mahirap na baka may makakita pa sa atin. Mahirap ng ipaliwanag yun. Alam mo naman , araw ngayon mas maraming taon lalo na sa harap ako lalabas. Pag galing sa garahe, pwede pang magkasama tayo, pero pag dadaan sa lobby, hirap na Babe."

"Hay, sige na nga , ingat ka ha." Hinalikan sa noo ang asawa. HInayaan ng makalabas. 

Nag-iisang IkawTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon