"Are you ready for your trip to New York?" tanong ni Boss Vic kay Sarah. Nakaupo ang dalaga sa opisina ng manager habang nagititingin sa mga magazines na nakapatong sa table nito.
Ibinaba ni Sarah ang magazine na binabasa at tumingin kay Boss Vic.
"Opo naman. Ilang araw na lang pala yun at duon naman kami mag sho shooting. Excited na nga po ako."
"Mabuti naman, maganda na rin siguro na makaalis ka muna, para pagbalik mo hindi na masyadong mainit ang tungkol sainyo ni Gerald. "
"Oo nga po." Nakayukong pag sang ayon ni Sarah sa manager.
"Kumusta naman kayo ng mga mommy at daddy mo?"
"So far , ayos naman po. We learned to compromise para na rin sa ikatahimik ng lahat."
"You happy with that? What about your personal life?"
"Ok naman po, tanggap ko naman na po. Sabi nga po huwag ng ipilt. HIndi pa siguro panahon para talaga sa lovelife ko. Kailangan lang talaga tanggapin ko na hindi pa ako handa sa malalim na relasyon. Kailangan ihanda ko muna sarili ko. Matuto muna ako sa maraming bagay. Hindi lang pala sapat yung trabaho ka ng trabaho at hinahayaan mong ibang tao ang nagpapatakbo ng buhay mo. Kailangan pala may alam ka din kung paano talaga ang buhay. I don't want to offend you po and the rest ng entourage na nangangasiwa ng career ko. Ang ibig ko pong sabihin dapat may alam din ako, may desisyon din ako hindi lang yung pirma lang ng pirma."
"Naiintindihan ka naman namin iha, syempre nagkaka edad ka na rin. Tama lang din ang desisyon mong makialam na rin sa career mo and at the same time , ma enjoy mo din ang mga pinaghirapan mo. "
"Salamat po sa tiwala Boss Vic. Utang ko po sainyo lahat lahat ng nangyari at nangyayari sa career ko. Hindi ko po yun sasayangin. Yung mga ginawa ninyo para umangat ang career ko at kahit paano ay makilala. Kung hindi po sainyo walang Sarah Geronimo."
"Sa talent mo iha, kahit hindi ako ang manager mo, sisikat at sisikat ka pa rin. Tama ang sabi nila, nag iisa ka lang. Mahirap ng makahanap pa ng gaya mo. Sa industriya na to, mabibilang mo sa daliri ang gaya mo. Huwag ka lang magbabago, malayo pa ang mararating mo. Ikaw na siguro ang pinakabatang naka break ng mga records when it comes sa box office, sa album sales, sa concerts."
"Salamat po, lalo pa po akong magsisikap at sana marami akong matutunan para mas mapagbuti ko pa ang trabaho ko. Salamat din po na pinagbibigyan ninyo mga kahilingan kong pagbabago."
"Reasonable naman iha mga gusto mo. Mas maganda nga yun, mas involve ka at mukhang mas madali na ang pagdedesisyon kasi ikaw na mismo agad ang makakaalam kung pwede ka or hindi."
"Isasama ko din po si mommy sa mga out of town trips ko pag tungkol sa trabaho. Maganda na rin po siguro yun para hindi sila masyadong nag aalala."
"Good idea iha.Malaking bagay din naman na andiyan ang mommy at daddy mo na umaalalay saiyo."
"Oo nga po." Tumayo na si Sarah at nagpaalam sa manager, matapos iabot sa kanya kontrata na gustong ipabasa sa kanya bago sila mag set ng contract signing date.
"Sige iha, basahin mo yan , at kung may mga concerns ka, ask your parents or yung lawyer mo. Hindi naman madalian yan. Hindi mo pa naman kailangang pumirma. Gusto lang nilang makasiguro na hindi ka lilipat ng network at sa kanila ka pa rin."
"Tutuo po bang may offer ang ibang networks?"
"Bulong bulungan lang naman yun iha, wala pang formal na alok. Bakit kung sakali ,interesado ka bang malaman kung ano ang offer nila?"
"Hindi ko po alam , pero siyempre nag iisip din ako baka may better options pero tingnan po natin."
"Ok iha, will let you know right away pag may formal ng offer."