‘It’s amazing na panay kayo lalaking nakatira dito pero grabe ang linis at ayos ha. Daig pa ang may babaeng nag aasikaso. O baka meron naman talaga?” Dudang tanong ni Sarah. Nilakas ng konti para marinig ng mga kaibigan ni Gerald.
“Yang asawa mo ang maarte sa bahay, at dahil siya ang boss, siya ang nasusunod. Kailangan talaga malinis at maayos palagi ang bahay.” Sagot ni Fred na abalang inaayos ang kaka deliver lang na pagkaing inorder nila.
“Sweetheart gusto mong makita bedroom?” Pilyong ngiti ni Gerald.
“Kumain muna tayo baka pag naaya ka niyan sa taas, hindi ka na makababa.” Paalala naman ni Jalal.
Pangiti ngiti lang si Rayver. Natutuwa siya na at ease na uli ang samahan nila ni Sarah. Nagpapasalamat siya na napatawad na din siya ng dating girlfriend. Malaki laki din ang mga naging kasalanan niya dito pero dahil na rin sa talagang mabait ang dating kasintahan ay napatawad din siya nito matapos ang paghingi niya ng taos pusong paghingi ng tawad sa mga kalokohang nagawa niya.
Naalala niya ng makatanggap siya ng text galing kay Fred tungkol sa pagtatangkang paglaslas ng pulso ni Gerald. Sumugod agad ito sa bahay ni Gerald. Laging gulat niya ng madatnan niya duon si Sarah. Tulog pa rin si Gerald ng tumakbo siya sa kwarto nito. Hindi siya makapaniwalang gagawin yun ng kaibigan.
Nakaupo si Sarah sa couch sa may paanan ng bed ni Gerald. Nakayuko ito na parang nag iisip.
“Kumusta na siya?”Nag aalangang tanong ni Rayver.
Nagtaas ng tingin si Sarah. Dumilim ang tingin kay Rayver pero sinagot pa rin niya ang tanong nito.
“Out of danger naman na daw siya. Mabuti na lang at hindi naging malalim ang pagkakahiwa sa wrist niya. Sabi ng doctor sa sobra sigurong kalasingan kaya nabuwal ng maramdaman ang sakit ng ginawa niya.”
Sa nakitang itsura ng kabigan , mas duon na realized ni Rayver na mahal talaga nito si Sarah. Tinapunan niya ng tingin si Sarah na naglalakad ng palabas ng kwarto.
Naisip ni Rayver na yun na ang pagkakataon niya para humingi ng tawad at magpaliwanag sa dating kasintahan.
“Sars, pwedeng kang maka usap kahit sandali lang?” Nag aalangang tanong ni Rayver kay Sarah na pormal pa ring nakatingin lang sa kanya.
“May dapat pa ba tayong pag usapan? Hindi pa ba sapat ang mga ginawa ninyo sa akin? Hindi ko nga alam bakit nandito ako ngayon.” Malamig na tanong ni Sarah sa kanya. Humarap ang dalaga at tiningnan ang tulog na tulog pa ring si Gerald.
“Tutuong nag umpisa sa biruan at tuksuhan ang panliligaw niya saiyo pero hindi niya inaasahan na ma iin love siya saiyo ng todo. Inamin niya sa amin na iba ang pagmamahal na nararamdaman niya para saiyo. Mula ng ayaw mo na siyang kausapin, walang gabing hindi siya lasing. In a way sinisisi din niya ako sa pangyayari. Hindi ko daw ba nakikita o nararamdaman na mahal ka na niya talaga?”
“Masakit ang ginawa ninyo sa akin. Ni hindi ko maamin o maikuwento sa mga taong malalapit sa buhay ko. Pati ako nakakaramdam ng hiya sa sarili dahil napaglaruan ako ng mga taong gaya ninyo.” Tumutulo na ang luha sa pisngi ng dalaga.”
Lalo ng nakaramdam ng panglilit sa sarili si Rayver ng mga oras na yun. Ramdam na ramdam niya ang hinanakit sa boses ng dalaga.
“I am sorry, ng napag usapan namin yun, walang wala sa loob ko na masasaktan ka or si Gerald. Biruan lang namin. Alam mo yung isang araw nag iinuman kami. Pinag uusapan namin mga bagong projects ng isat isa. Tinanong ka nya sa akin, Kung ano ang ugali mo, kung tutuo bang napakahigpit ng parents mo etc. Tapos tuksuhan na baka ma in love din si Gerald saiyo. Baka isang araw kayo na. Sabi ko hindi papasa ang isang gaya niya saiyo. Iniisip ko kasi na hindi si Gerald ang tipo ng lalaking manliligaw at manunuyo sa babae. At hindi naman ikaw yung tipong magkakagusto sa isang gaya niya. Medyo nagkahamunan kaya nagkapustahan.”
“Hindi pa ba sapat yung sakit ng loob na binigay mo sa akin nuon? Bakit kailangang maging bahagi ka na naman ng panibagong sakit ng loob ko? Ano ba ginawa ko saiyo?”
Naalala ni Rayver na hindi niya natagalan ang lungkot at hinanakit sa boses ng dating girlfriend. Yayakapin sana niya ito pero umiwas ito at sinabing huwag na huwag siyang mahawakan nito.
“Tell me kung ano dapat kong gawin para matapawad mo na kami. Kung kailangan kong lumuhod sa harap mo gagawin ko. Mahal na mahal ka ni Gerald. Palagay mo ba gagawin niya yan kung hindi ka niya talaga mahal?”
“Baka gaya mo lang din , nakukunsensya.” Tumutulo ang luhang sagot ni Sarah.
“Please Sarah, hindi din kaya ng kunsensya ko na may mangyari sa kanya. Kahit hindi mo na ako kausapin o mapatawad, maniwala ka na mahal na mahal ka ni Gerald. Inamin niya sa amin na ngayon lang siya nagmahal ng gaya ng pagmamahal niya saiyo.Ang daming nabago sa pananaw niya sa buhay magmula ng mg maging malapit na kayo sa isat isa. Nakita namin yun at ngayon ilang linggo pa lang na hindi mo siya kinakausap, parang sirang sira na ang buhay niya.”
Napaupo uli si Sarah sa couch at umiyak na lang ito ng umiyak. Lumuhod sa harap niya si Rayver. Awang awa siya at sising sisi na nasaktan na naman niya ang babaeng minsan ay naging bahagi din ng buhay niya. Hijndi na umiwas uli si Sarah ng yakapin niya ito. Umiyak ito sa dibdib niya. Naiiyak na rin siya at lalo pang nakiusap na sana patawarin na sila nito.
Natigil lang sa pag iyak si Sarah ng marinig niya ang boses ni Gerald na tinatawag siya. Dali daling nilang nilapitan si Gerald na masama ang tingin kay Rayver.Pinipilit ni Gerald na bumangon ng makitang nagpupunas ng luha si Sarah bago lumapit sa may gilid ng bed. Nakalimutan na may bandage ang wrist nito. Naramdaman ang kirot, samahan pa ng matinding hang over. Gustuhin man nitong bumangon ay hindi niya nagawa.
“Huwag ka ng bumangon muna, sabihin mo na lang kung ano ang kailangan mo. Sabi ng doctor, pasalamat ka at hindi tumagos ang blade sa vein, sinusuwerte ka pa rin.” Pinipigil ni Sarah na huwag ng umiyak.
Nangingiti si Rayver na naalala na kahit na siguro may nararamdamang kirot si Gerald ay nanaig pa rin ang pag aalala na nakita niyang umiiyak si Sarah na nakayakap sa kanya.
“Ano na naman ginawa mo Bro, bakit na naman siya umiiyak” Natatandaan ni Rayver na tanong sa kanya ni Gerald. Kung kaya lang siguro nitong bumangon ay nasuntok na siya sa nakikita nitong galit sa mukha ng kaibigan.
“Bakit siya umiiyak Tingnan mo nga yang sarili mo? Yan ang dahilan kung bakit umiiyak siya. Sige na maiwan ko na kayo, siguradong marami kayong pag uusapan.”
Tiningnan ni Rayver si Sarah bago siya tuluyang lumabas ng kwarto. Tumango ito sa kanya. Maluwag na ang loob niyang bumaba at ikinuwento sa ibang mga kaibigan ang naging pag uusap nila ni Sarah. Alam niya kahit na hindi sinabi ng diretsahan ni Sarah, pinatawad na sila nito.
Yun ang umpisa ng unti unting pagbabalik ng tiwala ni Sarah sa kanila. Pinagsikapan naman nilang patunayan na hindi naman sila masasamang kaibigan. Ipinangako din ni Rayver sa sarili na hinding hindi na niya sisirain uli ang pagkakakilala sa kanya ng dating kasintahan. Babawi siya dito at magiging isa siyang tunay na kaibigan ng mga ito.
“Hoy Ray, pangiti ngiti ka lang diyan, para kang si Jalal kanina, parang wala sa sarili.” Puna ni Sarah sa kanya habang kumukuha ng pagkain.
“Siguro gaya ko din na may naalala.” Nakangiting sagot ni Ray kay Sarah na nakatingin sa kanya.
“Ano naman ang naalala mo, pwede bang malaman?” Singit naman ni Fred.
“Huwag na, baka ma bad vibes pa kayo. Ako natutuwa lang ako sa nakikita ko sa dalawang yan. Tayo kaya kelan magmamahal ng gaya nila no?”
“Don’t tell me naiinggit ka ngayon na wala kang gaya ni Sarah?” Nadulas na tanong ni Fred.
Natigilan ang lahat. Napatingin kay Gerald na napatingin din kay Ray then kay Fred.
“Naman, ikaw Fred ha, nang iintriga ka. Palagay ko lahat naman tayo may isang tao na mamahalin natin ng todo todo no matter what. Hindi palang siguro ninyo natatagpuan yun. Tingnan nyo kami ni Ray, kala ko nuon pinakamasakit na yung ginawa niya, nuon pala, walang sinabi yun nung tong lalaki na to ang nagbigay ng sakit ng loob sa akin.” Sabay pitik sa tenga ni Gerald.
Sa sinabi na yun ni Sarah, nawala ang tension at nagkatawanan na lang. “Mapaglaro talaga minsan ang tadhana no?” Nasabi na lang ni Rayver.
“Ikaw Fred, kelan mo ipapakilala ang girlfriend mo?” tanong ni Sarah kay Fred na namumula ng sa kanya na ibaling ni Sarah ang pansin nito.
“May gusto akong ligawan nuon pero naudlot kasi naman naunahan na ako ni Gerald.”Biro nito.
“Huh?” Nabiglang tanong ni Sarah.
Kumunot din ang nuo ni Gerald. Napatingin din sina Rayver , Ali at Jalal kay Fred.
“What are you trying to say Bro. Don’t tell me dahil ikaw ang naging tulay ko kay Sarah, na in love ka rin sa asawa ko?” Hindi makapaniwalang tanong ni Gerald.
Natawa ng malakas si Fred. “Kako na nga yun ang iisipin ninyo eh. HIndi no. Hindi kay Sarah. Crush na crush ko dati yung ate niya.”
“Ahhhh kala ko naman, nasabi na lang ni Gerald.
“Malay mo hindi pa rin sila ng boyfriend niya.” Nasabi na lang ni Sarah.
“ Crush lang naman yun pero pag wala siyang boyfriend pwede ko kayang ligawan ang ate mo?”
“Hahahaha, pwede naman, bakit naman hindi pero dapat alert ka ha kasi hinihintay lang din yata ni Coco Martin na maging single uli ang ate ko eh.” Biro ni Sarah kay Fred. Alam naman niya na nagbibiro lang si Fred. Marami naman talagang nagkaka crush din sa Ate Shine niyang artista, gaya nga ni Coco na inamin mismo sa kanya na crush nito ang ate niya.
Duon na umikot ang tuksuhan nila. Si Fred ang napagtuunang asarin ng grupo.