Angel’s Point of View
Habang nagbabasa ako ng mga reports ay bigla akong napatingin sa pinto nang biglang may kumatok...
‘Knock!’ ‘Knock!’ ‘Knock!’
“Come in!” Sigaw ko at muling tumingin sa mga reports na binabasa ko.
“Sir, good morning po.” Saad ng secretary ko na si Brenda.
“Good morning. What do you want? Bakit ka napunta here? Natapos mo na ba ang mga pinapagawa ko?” Sunod sunod na tanong ko sa kanya sabay closed sa mga reports na hawak ko at hinarap ito.
“Sir no po, hindi pa po tapos but I'm working on it na po.” Umiiling na saad nito.
Tinaasan ko naman ito ng kilay...
“Then what?!”
“Sir napunta lang po ako here because nakatanggap po ako ng tawag from lobby na may naghahanap po raw sa inyo, his named po is Mr. Louise Suarez - Caribbean. And nagpakilala po siya bilang kaibigan niyo, kilala mo po ba siya?” Mahabang saad nito na ikinagulat ko, ngunit hindi ko ‘yun pinahalata.
‘What the f*ck is he doing here?! May kailangan ba siya?’ Tanong ko sa sarili ko.
“Y-Yes, he's my friend. Papasukin mo siya.” Nag-aaalanganin kong saad sa kanya sabay bukas muli sa mga reports na hawak ko kanina.
“Noted po Sir. Thank you po!” Masiglang saad nito.
“Okay.” Simpleng saad ko lang. Pagkatapos non ay narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pinto and it means wala na siya dito, kaya naman muli kong isinara ang mga reports na hawak ko at ibinaba muli ang mga ito sa mesa ko.
I let out a heavy sigh at muli akong nag-isip kung bakit napunta dito ang asawa ni Hunter na si Louise.
‘May kailangan ba siya?’
‘May plano ba siya?’
‘May gusto ba siyang alamin?’
Argh! Sobrang daming mga katanungan ang mga umiikot sa ulo ko ngayon. Napaka-unusual kasi ang pagbisita niya, kasi naman, four years na ang nakakalipas at ngayon niya pa lang akong naisipang bisitahin?
Mga ilang sandali pa ay narinig ko ng bumukas ang pinto kaya naman agad akong napaupo ng maayos at napaayos din sa sarili ko. I don't know why bakit pati sarili ko inayos ko, dati wala naman akong paki kung pangit ang itsura ko sa harapan ng mga nakakasalamuha ko, but now, iba ang nararamdaman ko kaya siguro napaayos ako.
“Angel! I miss you! How are you?” Masayang pagbati nito saakin sabay upo sa upuan na nasa harap ng table ko.
Infairness, ang ganda niya pa rin kahit sobrang tagal na naming hindi nagkikita. Kung maganda siya noon, sobrang ganda niya naman ngayon. I wonder kung anong sikreto niya para gumanda? Para naman gumanda rin ako.
“Well, as usual. Ikaw kumusta kana? Long time no see, I guess.” Nahihiyang saad ko sa kanya.
“Okay lang naman, malaki laki na rin sina Sofie and Jacob.At saka anong I guess ka diyan! Talagang matagal na, buti nga nakabisita ako sa‘yo. Sorry dahil sobrang busy and sorry rin dahil kahapon ko lang nalaman ang name ng company mo kaya ngayon lang din kita nabisita.” Mahabang saad nito. Bigla naman akong nagulat sa sinabi niya na kahapon lang daw niya nalaman ang name ng company ko! Seriously?!
“Huh?! Four years na ang nakakalipas Louise, tapos ngayon mo pa lang nalaman ang name ng company ko?” Naguguluhang tanong ko sa kanya.
“No, I mean alam ko naman ang name ng company mo, but I didn't know na ikaw pala ang may ari, sinabi lang sa‘kin ni Hunter kahapon about sa company mo dahil talagang kinukulit ko siya, ayaw niya kasing sabihin sa‘kin noon pa. Baka raw sinong kitain ko dito or something na nakakabaliw!” Iritableng saad nito. Halatang stress na stress siya sa asawa niya.
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...