24

2.8K 149 8
                                    

Angel’s Point of View

Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko si Henry dahil nga lumabas ito upang tignan kung sino ang tao sa labas, ay bigla nalang akong napasalamukot ng mukha at napabuntong ng hininga.

Hindi ako makapaniwalang nagawa namin ang bagay na ‘yun, hindi rin ako makapaniwalang agad bumigay ang katawan ko sa mainit at makalamang binibigay nito sa‘kin.

Aaminin ko man o hindi, pero may parte sa aking katawan at sa aking puso na nagustuhan ko ang bagay na ‘yun, kaya naman may parte saakin ang sobrang pagkabitin, dahil nga sa sobrang init na ng aking katawan kanina na siya ang dahilan, ay hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapa-ungol at mapasabay sa ginagawa nito.

Ngunit may parte sa‘kin na hindi ako nagsisi dahil sa hindi pag-katuloy ng ginagawang makalaman namin ni Henry, dahil kung hindi, alam kong hindi na naman ako makakalakad ng maayos sa buong linggo, maliban doon, I think hindi ko pa talaga kayang tumanggap muli ng ganoon or for short hindi pa ako handa.

Anyway, mag-iisang linggo na simula nang sumama kami sa kaniya at tumira rito sa kaniyang bahay or should I say mansion. Sa mag-iisang linggong ‘yun ay hindi ko naman masasabi na sinasanay pa rin namin ang mga sarili namin sa presensya ng mansion nito, dahil sa totoo lang, noong unang pumunta kami rito ng anak ko ay hindi talaga ako komportable sa atsmosphere ng mansion niya, maliban doon hindi rin ako sanay o komportable sa presensya niya dahil palagi nalang ‘to nasa gilid namin, at halos hindi na rin ‘to pumasok sa kaniyang trabaho bagkus ay binabantayan niya kami, tila bang natatakot o nagsususpetya itong tatakas kami mula sa kaniya and I really find it annoying dahil sa pagbabantay niya.

Kaya naman napag-isipan kong hindi nalang ‘tong kausapin at pansinin, ngunit ilang araw ko palang ‘tong hindi pinapansin at kinakausap ay tila bang nakokonsensya’t naawa ako dahil sa pagtrato ko sa kaniya, kaya naman noong isang araw ay napagdesisyunan kong kausapin at pansinin na ‘to na sobrang ikinatuwa niya.

Pagkatapos ko ‘tong pansinin at kausapin ay bigla kong naramdaman sa sarili ko ang kakaibang feelings, at hindi ko alam kung ano ‘yun, pero napapansin ko nalang sa sarili ko na sobrang lapit ko na sa kaniya na tila bang sobrang gaan na ng aking pakiramdam.

Mga ilang sandali pa ay bigla akong nabalik sa ulirat nang biglang tumunog ang cellphone ko, ‘Ting!’, na senyales na meron akong message. Kaya naman dali-dali ko ‘tong kinuha mula sa countertop at binuksan ito upang tignan ang nag-pop na message.

“Sino naman kaya ‘tong magsesend ng messsage ng ganitong oras? Siguro si Lily, pero ang pagkakaalam ko nagpaalam naman na ako sa kaniya na magleleave muna ako ng panasamantala.” Mahinang bulong ko sa aking sarili.

Nang makita ko ang nagsend ng message sa‘kin ay bigla akong napakunot ng noo sapagkat unknown number ‘to, kaya naman agad ko ‘tong binuksan at tila bang binuhusan ako ng malamig na tubig nang makita ko ang message na ‘yun...

From: Anonymous

Hey, b*tch na baklitang Angel! Mag-ingat at mag-tago kana sapagkat paparating na ako’t papatayin kita, kasama ang p*nyeta mong anak!’

Nang matapos kong basahin ang message na ‘yun ay bigla nalang akong kinabahan at bumilis ang tibok ng aking puso. Napansin ko naman sa bandang ibaba ng message ay may isang litrato na kalakip nito, kaya naman dahil sa curiosity ay agad ko ‘tong pinindot.

Bigla naman nanghina ang aking mga tuhod at napaluhod sa sahig, kasabay nito ang aking pagyuko’t pagtulo ng aking masasaganang mga luha nang makita ko ang litratong ‘yun. Ako at ang anak ko na si Hansy ang nasa litratong ‘yun, at sa litrato naming ‘yun ay napapaligiran kami ng maraming dugo’t mga nakakadiring insekto.

“HENRY!” Humahagulgol kong sigaw sabay bato sa aking cellphone sa wall dito sa kusina na dahilan upang gumawa ng ingay...

Plask!’

“Angel, anong nangyari! Babe!” Rinig kong sigaw ni Herny, at bakas sa tono nito ang matinding pag-aalala.

Mga ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang ang presensya nito mula sa aking harapan. Naramdaman ko naman lumuhod ito upang pantayan ako, kasabay naman ng kaniyang pagluhod ang paghawak niya ng dahan-dahan sa aking magkabilang pisngi na dahilan upang matingala’t mapatingin ako sa kaniyang gwapong mukha...

“A-Angel...”

“A-Angel, w-what happened? May masakit ba sa‘yo? B-Bakit ka umiiyak? Bakit bigla ka nalang sumigaw?” Nag-aalalang mga tanong nito, ngunit instead na sagutin ang kaniyang mga katanungan, ay dali-dali ko nalang ‘tong niyakap ng mahigpit at binuhos lahat ang mga masasagana kong mga luha, naramdaman ko naman na niyakap din ako nito ng pabalik.

“H-Henry, n-natatakot ako.” Humahagulgol kong saad kay Henry, siya naman ay hinagod lang ang aking likod na sobrang nagpagaan sa‘kin. Ewan ko ba, pero simula nang kausapin ko siya noong isang araw ay palagi kong nararamdam na safe kami sa kaniya.

“What do you mean natatakot ka? Saan ka natatakot? Meron bang nagtatangka sa‘yo, babe?” Naguguluhang tanong nito at ramdam ko sa kaniyang tono ang galit at pag-pipigil.

“O-Oo...”

Mga ilang sandali pa ay bigla akong napakalas sa yakapan namin ni Henry, nang biglang may magsalita, kaya naman napatingin ako sa bandang ‘yun...

“Ahm... I think, Henry, nakita na ni Angel ang text message, pero magkaiba nga lang ang message na nasend saamin. ‘Yung sa kaniya halos straight forward ‘yung message, ‘yung nasend saamin ay parang may pa-keme-keme pa.” Seryosong saad ni Louise habang hawak-hawak at seryosong nakatingin sa aking cellphone.

Bigla naman kumunot ang aking noo nang marinig ko ‘yun sa kaniya, kaya naman agad akong napatingin kay Henry...

“W-What did he mean? So, p-pati kayo nasendan din ng death threat?” Nakakunot noo kong tanong sa kaniya.

“Yes, but apparently, kayo lang dalawang mag-ama ang target, which is you and your son Hansy.” Pagsabat naman ni Troy mula sa gilid ni Louise, kaya naman lalo akong napakunot ng noo’t kasabay nito ang aking paghagulgol muli...

“H-Henry, natatakot ako. Natatakot ako na bigla nalang mawala sa‘kin si Hansy, at ‘yun ang pinaka-ayaw ko. Kahit ako nalang ang mawala huwag lang ang anak ko, kasi hindi ko kakayanin!” Humahagulgol kong saad sa kaniya, siya naman ay bigla akong tinignan ng seryoso.

“Angel, naririnig mo ba ang sinasabi mo? Kung mawawala ang anak natin lalo na ikaw ay magiging walang saysay ang buhay ko. Kaya naman walang mawawala sa inyo, walang mapapahamak sa inyo, dahil kahit anong mangyari, poprotektahan ko kayo.” Seryosong saad nito na puno ng sinseridad, kasabay non ang muling pagyakap nito sa‘kin, niyakap ko naman ito ng pabalik.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon