27

2.6K 124 3
                                    

Carlo's Point of View

Nagbiyabiyahe kami ngayon ni Spencer patungo sa bahay mg barkada ng p*nyetang Henry na ‘yun, nagbabakasakali kasi ako na alam nila kung nasaan si Angel at ang p*nyetang Henry na ‘yun. Kakagaling palang kasi namin sa bahay ni Angel, ngunit wala kaming nadatnan doon, at tila bang sobrang tagal nang walang tao roon sapagkat ang daming mga basura at mga sanga’t dahon ng mga puno ang nakakalat sa sahig, kaya naman napagdesisyonan namin pumunta sa bahay ni Henry, ngunit ni bakas ng kaniyang mga paa ay wala akong nakita. Kaya naman ngayon ay tutungo kami sa bahay ng barkada ni Henry, ngunit ang t*nginang Spencer na ‘to ay walang tigil sa pag-kuda’t pag-pigil sa‘kin.

“Sigurado ka na ba sa gagawin mo? Alam mo naman sigurong gugulpihin ka ng mga ‘yun lalo na’t kaibigan nila ang kinakalaban mo.” Mahinahong saad sa‘kin ni Spencer na lalong nagpa-inis sa‘kin.

“What the f*ck, Spencer?! Dati sinasabi mo sa‘kin na dapat mag sorry ako kay Angel dahil sa ginawa ko sa kaniyang pagbigla, tapos ngayon, pinipigilan mo ako? Ano ba talaga, huh?!” Galit na sigaw ko sa kaniya habang nakatutok pa rin sa daan patungo sa bahay ng barkada ng p*nyetang Henry.

“Iba naman ang sitwasyon ngayon, Carlo, ‘yung sinabi ko sa‘yo dati ay tama lang naman na mag-sorry ka kay Angel, pero wala akong sinabing puntahan mo ang barkada niya para kausapin sila!” Saad pa nito, kaya naman agad kong inihinto ang kotse sa may bandang gilid ng daan sabay suntok sa steering wheel at harap sa kaniya, napansin ko naman napaatras ‘to sa kaniyang kinauupuan at kita ko rin ang pamumutla niya, ngunit hindi ko na pinansin pa ‘yun.

Takot, salitang pinapakita sa‘kin ngayon ni Spencer. I already knew kung bakit ganito siya sobrang katakot sa‘kin, at ‘yun ang pagsakal ko sa kaniya noon, siguro akala niya sasaktan ko muli siya. Well, hindi ko nga ma-imagine ang sarili ko kung bakit ko nagawa sa kaniya noon ang ganoong bagay, pero siguro nagawa ko ang bagay na ‘yun sa kaniya ay dahil sa galit na nararamdaman ko. Pero ngayon, dahil nga may konsensya pa ako, hindi ko na gagawin ‘yun muli sa kaniya kahit sobrang galit ko pa.

“Tanga ka ba, Spencer?! Alam mo naman na kapupunta palang natin sa bahay ni Angel at sa bahay ng p*nyetang Henry na ‘yun, ngunit wala tayong nadatnan, kaya naman ngayon pupunta tayo sa barkada ng p*nyetang Henry na ‘yun, dahil alam kong sila lang ang may alam kung nasaan si Angel ngayon. At saka, umayos ka nga ng upo!” Galit kong sigaw sa kaniya, napansin ko naman na lalo ‘tong namutla, nakita ko rin ang pagtulo ng luha nito mula sa kaniyang mga mata, ngunit muli ay hindi ko ulit ‘to pinansin.

“S-Sorry...” Naiiyak na saad nito sabay ayos sa kaniyang sarili mula sa pagkakaupo, ako naman ay tumingin muli sa daan at pinaandar muli ang sasakyan na tila bang walang nangyari.

Habang nagbiyabiyahe kami patungo sa bahay ng barkada ni Henry, ay bigla kong naiisip ang pagtrato ko kay Spencer. I know simula nang humingi ako ng tulong sa kaniya ay pinapakita ko na ang pagiging isang masamang kaibigan sa kaniya, at ang halos pagtrato ko sa kaniya ay tila isang alipin at hindi kaibigan.

Ngunit kahit na ganoon, meron pa rin naman akong natitirang pagmamahal sa kaniya bilang isang kaibigan, pero hindi ko nga lamang ‘to pinapakita sapagkat baka mag-assume siya na meron akong gusto sa kaniya katulad ng nararamdaman niya sa‘kin; mahal.

Yes, I knew na mahal niya ako, at mapasahanggang ngayon. Kita ko kasi sa kaniyang mga galaw at kung paano niya ako alagaan, ngunit hindi ko lang pinapansin ang mga pinapakita nito, dahil alam ko sa sarili ko kapag pinansin ko ang mga ginagawa niya para sa‘kin ay lalo lang siyang masasaktan. Alam ko rin ang dahilan kung bakit niya ako tinutulungan, at dahil ‘yun sa kaniyang nararamdaman.

Mga ilang sandali pa ng aming pagbiyabiyahe ay nakarating na rin kami sa isa sa mga barkada ni Henry; Si Hunter Royal Caribbean. Dito kami pumunta dahil alam kong halos dito nagtatambay ang buong barkada nila. Pinark ko na ang kotse ko sa bandang gilid ng daan, pagkatapos non ay bumaba na rin kami.

“C-Carlo, sure ka ba talaga? Baka paaway ka pa...” Mahinahong saad muli sa‘kin ni Spencer habang nakayuko ‘to. Napa-buntong hininga naman ako dahil sa sinabi nito.

“Spencer, don't worry about me, kaya ko naman sarili ko kung mapa-away man ako, at saka magtatanong lang naman tayo ng mahinahon, ngunit kung hindi nila sasagutin ng maayos, makakatikim sila sa‘kin.” Blanko kong saad sa kaniya at nilaktawan ‘to at nagtungo sa gate ng bahay.

Pagkarating ko sa gate ng bahay ay dali-dali ko ng pinindot ang door bell...

‘Ding dong!’ ‘Ding dong!’ ‘Ding dong!’

Mga ilang sandali pa ay bumukas na ang pinto ng bahay at iniluwal nito si Hunter, halatang hindi pa siya nakakaligo sapagkat hanggang ngayon ay suot-suot pa rin niya ang kaniyang pantulog. Bigla naman napakunot ang noo nito nang makita niya ako, ngunit nginitian ko lang ‘to.

“Anong ginagawa mo rito?” Malamig na tanong nito sa‘kin habang tinitignan ako ng masama.

“Nasaan si Angel? Alam kong alam mo kung nasaan si Angel at ang p*tanginang Henry na ‘yun. Ilabas mo ang kaibigan ko!” May diin na saad ko sa kaniya, bigla naman umigting ang panga nito’t napangisi. 

“Hoy! T*ngina mong chinito ka, ‘wag kang umasatang ganiyan, huh?! Tandaan mo, wala ka sa lugar para maka-asta ka ng ganiyan.”

“C-Carlo, huminahon ka muna kasi. Sinabi ko na sa‘yo kanina pa ‘e. At saka tama naman ang sinabi niya, baka matawag pa tayong trespasser sa ginagawa mong ‘yan.” Bulong sa‘kin ni Spencer mula sa aking kanan, ramdam ko rin sa tono nito ang takot, ngunit pinabayaan ko lang ‘to.

“Hoy ka rin! T*ngina mong damuho ka, nagtatanong lang naman ako, huh?! Sabihin mo nalang kung nasaan ang si Angel?!”

Bigla naman akong napatingin sa kaliwang gilid ko nang biglang may magsalita...

“Hey, motherf*cker! Could you please shut up your f*cking mouth? Umalis na kayo ngayon din, dahil wala kayong makukuha kay Hunter, pati sa‘min!” May diin na saad sa‘kin ni Philip habang nakatingin naman ng masama sa‘kin mula sa kaniyang likod sina Troy at Jerald.

“Sinabing umalis na kayo ‘e!” Galit na sigaw naman sa‘kin ni Jerald habang nakahawak sa kaniyang tagiliran; baril.

“C-Carlo, umalis na tayo...” Natatakot na bulong na saad sa‘kin ni Spencer habang hinihila ako patungo sa kotse namin kung saan naka-park. Tila bang nakita niya ang baril na bubunutin ni Jerald mula sa kaniyang tagiliran.

“Hindi pa ‘to ang huling pagkikita natin, mga p*tanginang damuho!” Huling salita ko sa kanila at naglakad na patungo sa kotse, nakita ko naman na napatawa ang mga ‘to.

Sumakay na kami sa kotse ni Spencer at pinaandar ‘to pauwi sa bahay.

“Sabi ko naman kasi sa‘yo, Carlo, na huminahon ka muna, ‘yan tuloy, instead na makuha mo ang sagot na hinahanap mo naging bokya pa!” Biglang sermon naman sa‘kin ni Spencer na sobrang nagpa-init sa ulo ko.

“Will you shut up o itutulak kita?!” Galit na sigaw ko sa kaniya, bigla naman ‘tong tumahimik at inayos ang pagkakaupo.

‘Maghihiganti ako, gaganti ako! Tandaan niyo ‘yan!’

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon