26

2.6K 127 2
                                    

Angel's Point of View

“Hansy, ‘wag ka ng matutulog dahil malapit na tayo sa pinagtatrabauhan ng Daddy mo.” Nakangiti kong saad sa anak ko na dali-dali naman niyang tinanguan.

I and my son’s Hansy was driving papunta sa Hospital; kung saan nagtatrabaho si Henry. Hahatid kasi namin ang pagkain for his lunch, sobrang aga kasi nitong pumasok kaninang umaga kaya naman hindi na ‘to nakapag-almusal.

Kaya naman napagdesisyonan kong ipaghanda ‘to ng lunch para naman kahit papaano ay magkaroon ng laman ang kaniyang tiyan at saka para na rin maging healthy ang kinakain niya kahit ngayon lang, nang unang punta kasi namin doon noong last week, ay nadatnan namin ‘tong kumakain ng spicy cup noodles, sabi ko pa nga non sa sarili ko, “Doctor siya, pero ‘yung mga kinakain niya pang tambay.”, kaya naman pinaghanda ko siya ng one of his favorites meals sa mga luto ko, at ‘yun ay ang ‘Spicy Turkey Stuffed Zucchini Boats’. And I really hope that he'll like it, sobrang tagal ko na rin kasi simula nang iluto ko ang recipe na ‘to para sa kaniya, kaya naman baka o siguro hindi na rin siya pamilyar sa lasa nito. 

Anyway, hindi niya rin alam na pupunta kami ngayon sa trabaho niya, kaya naman magiging surprise ‘tong pagpunta namin doon.

Month has past simula nang magkaayos-ayos ang lahat, like ‘yung nabigyan ako ng kaliwanagan about sa pambabae ni Henry, ‘yung pagkaka-ayos namin ni Louise dahil sa maliit na away, ‘yung alam na ni Hansy ang totoong ama nito at ‘yun ay si Henry. Sobrang laki ng pasasalamat ko sa Diyos dahil kahit sobrang dami ng mga suliraning dumaan sa buhay namin ay mapasahanggang ngayon ay ginagabayan pa rin niya kami.

Kung tatanungin niyo naman kung ano na ang status namin ni Henry ngayon, ang sagot diyan ay wala pa. Pero, malapit na rin naman mabigyan ulit dahil na rin sa ginagawang mga moves nito na lalong nagpapahulog sa‘kin patungo sa kaniya.

Mga ilang sandali pa ng pagbiyabiyahe namin ay nakarating na rin kami sa Hospital ni Henry, kaya naman agad-agad ko ng pinark ang kotse ko sa parking lot, pagkatapos non ay bumaba na kami sa kotse habang dala-dala ang lunchbox para kay Henry.

“Papa, bilisan mo po, gusto ko ng makita si Daddy, ‘e!” Masiglang saad sa‘kin ni Hansy na biglang napatawa sa‘kin.

“Ganiyan mo na ba talaga ka-miss ang Daddy mo?” Nakangiting tanong ko sa kaniya.

“Opo!”

Hinawakan ko na ang kanan kamay ni Hansy habang hawak-hawak nito ang kaniyang iPad mula sa kaniyang kaliwang kamay at nagsimula na kami maglakad papunta sa entrance ng Hospital.

Habang naglalakad kami patungo sa entrance ng Hospital ay hindi ko maiwasang mapayuko dahil sa ginagawa ng mga nadaraan naming mga tao. Kapag kasing nakikita o nadaraan nila kami ay panay ang mga ngiti ng mga ‘to sa‘min, pero mostly sa‘kin, kaya naman sobrang nahihiya ako and at the same time nagtataka ako. Nang unang punta kasi namin dito ay tila isang ordinaryong bisita lang kami rito, ngunit ngayon, sobrang kakaiba na tila bang kilala nila kami upang ngitian.

“Papa, bakit po sobrang weird ng mga tao ngayon?” Biglang tanong sa‘kin ni Hansy na nagpagulat sa‘kin, kaya naman agad akong yumuko upang tignan ‘to na ngayon ay sobrang kunot na ng kaniyang noo.

“Hansy, sa susunod huwag mo ng sasabihin ang salitang weird, ah? Baka kasi marinig ng ibang tao’t iba pa ang isipin nila. Okay?” Pangangaral ko sa kaniya na dahilan upang lumungkot ang expression nito’t mapayuko.

Iba na kasi ang ikot ng isip ng mga tao ngayon, kahit simpleng bagay o salita na hindi naman ka-offend-offend ay nagiging big deal na sa kanila, kaya naman ngayon, kung may sasabihin man tayong alam na nating ma-ooffend sila, kailangang tayo na ang mag-adjust upang hindi na tayo makasakit pa ng ibang tao, at saka para iwas na rin sa gulo.

“Sorry po, Papa.”

“It's okay, baby. Anyway, hindi ko rin alam kung bakit nginingitian tayo ng mga tao ngayon. Pero siguro dahil sa‘yo, sobrang cute mo kaya ngayon!” Masiglang saad ko sa kaniya sabay hawak sa kaniyang pisngi’t kinurot ‘yun na dahilan upang mapatawa ‘to.

Pinagpatuloy na namin ang paglalakad mula sa entrance. Nang makarating na kami sa entrance ay agad kaming binati ni manong guard...

“Good afternoon po, Mrs. Sylvester and young master!” Masiglang bati nito sa‘min na sobrang ikinagulat ko.

What the f*ck?! Kaya siguro simula kanina ay sobrang kakaiba na ng mga tao rito dahil sa kalokohan ng p*nyetang Henry na ‘yun! Pag-talagang nakapunta na kami sa office niya ay talagang pagsasabihan ko siya.

“G-Good a-afternoon din po.” Nahihiyang saad ko sa kaniya sabay pasok na sa loob ng Hospital.

“Humanda ka talaga, Henry. P*nyeta ka!” Mahinang bulong ko at pinagpatuloy na ang paglalakad patungo sa office nito.
...

“Ikaw, wala ka bang magawa kaya naman gumawa ka ng bagong kalokohan?!” Iritableng sigaw ko kay Henry habang inihahanda ang pagkain na dala-dala namin kanina para sa kaniya na ngayon ay prenteng nakaupo sa sofa sa kaniyang office habang suot-suot pa rin ang kaniyang white coat na lalong nagpapagwapo at nagpapa-hot sa kaniya.

“Anong problema roon? Sinabi ko lang naman kung sino ang pagmamay-ari ko at sino ang mga nagmamay-ari sa‘kin. Ikaw ba, baby, meron bang problema roon?” Nakangising saad nito sa‘min ng anak niya, na sobrang ikinagulat ko.

“Wala po, Daddy, ang cool nga po ‘e!” Masiglang saad naman ng anak ko na ngayon ay nakakandong sa dalawang hita ng ni Henry habang naglalaro sa kaniyang iPad.

“Oh, tignan mo, wala naman problema, eh. Ikaw lang talaga ang namomroblema, at saka ano bang magagawa mo kung pagmamalaki ko ang ko kayo sa ibang tao? Wala naman, kay naman manahimik ka nalang diyan at pakainin mo nalang ako.” Mala-boss na saad nito na lalong nagapainis sa‘kin, ngunit hindi ko nalang pinansin ang sinabi nito’t hindi rin nilabas ang pagkainis ko sapagkat ayokong mapahaba pa ang gulo.

Naglakad na ako patungo sa kinaroroonan nila habang dala-dala ang plato ng inihanda kong pagkain. Pagkarating ko roon ay umupo na ako sa upuan kung saan ay katabi nila...

“Say ah!” Nakangangang saad ko kay Henry habang hawak-hawak ang kutsarang puno ng pagkain, mga ilang sandali pa ay ngumanga na rin ito’t sinubo ang pagkain.

T*ngina! Susubo lang siya sobrang sexy at hot pa niya. Ganoon ba talaga siya kumain or he just trying to seduce me?

“Mmm... Ang sarap talaga ng luto mo, babe, mabuti nalang naisipan mong iluto ang favorite ko ngayon? Miss na miss ko ‘to! At saka, mabuti nalang napunta kayo rito?” Sunod-sunod na mga tanong nito habang nakapikit at umuungol pa ng konti, tila bang sarap na sarap ‘to na lalong nagpangiti sa‘kin.

“A-Ahmm, una naisipan kong magluto kasi nga sobrang tagal ko ng hindi naluluto itong recipe na ‘to, pangalawa nagluto ako dahil alam kong paborito mo ‘to, pangatlo dahil hindi ka pa kumain, sobrang aga mo kayang umalis kanina.” Simpleng saad ko sa kaniya, nagulat naman ako nang biglang gumuhit ang isang nakakalokong ngiti sa kaniyang maninipis na labi habang tinitignan ako nito ng nakakaloko, tinaas-taas pa nito ang kaniyang makakapal na kilay.

“So, nag-aalala ka pala sa‘kin dahil hindi pa ako kumakain simula kanina, kaya naman nagluto’t pumunta ka rito upang pagdala ako ng pagkain?”

“H-Hindi ‘no?! A-Anong p-pinagsasabi mo? K-Kumain ka na nga lang diyan, ang dami mo pang sinasabi!” Nabubulol kong saad sa kaniya sabay harap sa bibig niya ang kutsarang puno ng pagkain, sinubo niya naman ‘to. Ngunit hindi pa rin niya tinatanggal ang nakakalokong tingin at ngisi na binibigay nito sa‘kin na lalong nagpapangiti sa‘kin.

T*ngina! Kilig ‘yarn?!

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon