Henry’s Point of View
“Henry, ano ba? Nakikita mo nang nagluluto ako ng almusal ‘e. Mabuti pa’t umalis ka rito sa harapan ko’t pumunta ka sa taas upang maka-ligo na, ang baho-baho mo kaya. At saka alam mo ng may trabaho ka pero hanggang ngayon ‘di ka pa naka-handa!” Iritableng saad ko sa kaniya habang bising-bisi sa kaniyang mga ginagawa, ako naman ay hindi nalang pinansin ang mga sinabi nito, bagkus ay lalo ko pang hinigpitan ang pagkakayakap na binibigay ko sa kaniya mula sa kaniyang likod.
Mag-iisang linggo na simula nang tumira si Angel kasama ang anak namin na si Hansy, at masasabi ko naman na sobrang daming mga nagbago sa relasyon namin, hindi lang kay Hansy kundi na rin kay Angel, sapagkat kung sa mga nakaraang araw ay panay ang iwas nito na tila bang may malala akong sakit, kasabay din nito ang hindi pag-usap saakin ng matino, ngunit ibahin naman natin ngayon dahil hindi na niya ako iniiwasan, bagkus ay siya pa ang unang kumakausap at lumalapit sa‘kin na sobrang ikinatuwa ko naman.
Mag-iisang linggo na rin simula nang mangayari ang celebration na ginawa namin kasama ang barakada dito sa bahay, kasabay naman nang celebration na ‘yun ay ang pag payag ni Angel na sabihin na kay Hansy ang totoo na sobrang ikinatuwa ko.
Ngunit kahit na pumayag na si Angel na sabihin na kay Hansy ang totoo ay mapasahanggang ngayon ay hindi ko pa rin nasasabi sa kaniya, tila bang naduduwag akong mareject sa sarili kong anak, at ‘yun ang sobra kong kinakatakot.
Pero ngayon; ngayong araw na ‘to ay napagdesisyunan ko ng sabihin kay Hansy ang totoo, naghanda pa nga ako ng mga supresa para sa kaniya upang hindi siya mabigla, at saka naisip ko rin na pwedeng makatulong ang hinanda kong surpresa upang lalo niya akong tanggapin, ngunit alam ko naman sa sarili ko na ang anak namin na si Hansy ay hindi siya mabibili sa pamamagitan lang ng mga bagay-bagay o makamundong kasiyahan, kaya naman bukod sa mga surpresang inihanda ko sa kaniya, inihanda ko rin ang puso ko na punong-puno ng pagmamahal.
Anyway, nandito kami ngayon sa kusina ni Angel upang mag-luto ng almusal or should I say nandito kami ngayon sa kusina upang siya ay magluto ng almusal at ako naman ay chumansing sa kaniya lol!
“Alam mo, babe, kahit ano pang sabihin mo upang mapa-alis ako sa pagkakayakap sa mabango at masarap mong katawan, ay hindi ko gagawin ‘yun. At saka, don't worry, babe, ako naman ang boss sa hospital ko kaya naman pwede akong pumasok kahit kailan o oras ko gusto.” Nakangising bulong ko sa kaniyang tenga habang inaamoy-amoy ang mabango nitong balat mula sa kaniyang leeg.
T*ngina! Hindi talaga nakakasawa ang amoy niya, nakaka-adik at nakaka-sira ng ulo!
“W-What the f*ck are you sayin’, Henry? N-Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo? A-At saka wala naman akong sinabing pinapaalis kita sa pagkakayakap mo...” Naguguluhang saad nito, tila bang hindi niya inaasahan ang mga sinabi kong pag-described sa kaniya, ngunit tila bang ako ang nabigla dahil sa mga huling sinabi.
Hindi ko inaasahan ang narinig ko sa kaniya, hindi ko rin inaasahan na masasabi niya ang mga katagang ‘yun, ngunit may ibang parte sa‘kin na tila bang nagustuhan ko ang sinabi nito, kaya naman bigla nalang akong napangisi.
“Wait, what? So gusto mo rin ang pagkakayakap ko sa‘yo? Naku, babe, you're being naughty sometimes and I like it or should I say I love it.” Husky na bulong ko sa kaniyang tenga.
“S-Shut up, Henry, iniiba mo na naman ang usapanan. Umalis kana nga rito at mag-handa kana para sa trabaho mo, nakakairita!” Inis na saad nito, ngunit bakas pa rin ang kilig sa kaniyang tono.
Pagkatapos niyang sabihin ang mga katagang ‘yun ay hindi ko na pinansin o sinagot pa ang mga sinabi nito, bagkus ay inilibot ko nalang ang aking mga kamay sa kaniyang katawan habang inaamoy ang kaniyang leeg.
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...