5

5.5K 262 17
                                    

Angel’s Point of View

“Hansy baby, please wake up! Handa na ang almusal!” Sigaw ko mula sa labas ng kwarto ng anak ko na si Hansy sabay katok ng tatlong beses...

‘Knock!’ ‘Knock!’ ‘Knock!’

“Argh!” I heard him growl.

“Hansy, I know you're already awake, kaya naman bumangon kana diyan para makakain na tayo! I did cooked your favorite meal!” Masayang sigaw ko.

“Papa! I don't want to eat, po, because I am not starving!” Sigaw naman nito mula sa loob ng kwarto niya, ramdam ko sa tono nito na parang wala siyang gana; walang ganang makipag-usap saakin.

Bigla naman akong nagtaka sa sinagot nito, sobrang unusual kasi ang sinabi niya, dati kasi pag-niluto ko ang mga paborito niyang breakfast meal which is bacon and egg rice ay kakaripas na siya ng takbo patungo sa kusina.

“Bakit ‘di ka nagugutom huh? Wala ka naman kinain kagabi. May sakit ka ba baby? May nangyari ba? Buksan mo nga itong pinto para makapag-usap tayo.”

“No! Wala pong nangyari and I'm not sick, ayaw ko lang po talagang kumain. And kumain po ako kagabi, you just didn't know because wala ka naman po dito last night.” Malamig na sigaw nito sa‘kin, bigla naman kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

“Wait... What? Sinong nagpakain sa‘yo? Wala naman tayong katulong para magapakain sa‘yo because you hate it pagkumukuha ako, tapos hindi naman pwede ang kapit bahay dahil hindi naman natin sila kakilala. So, sino ang nagpakain sa‘yo?” Takang tanong ko sa kanya.

Hell yes, ayaw niya ang may maid kami dito sa bahay dahil sayang lang daw ang pera na ipapasweldo sa maid na kukunin ko, but sinabi ko naman sa kanya na marami kaming pera para ipasweldo sa maid na kukunin ko, but he insisted na ‘wag na kaming kumuha ng maid dahil nga dadalawa lang daw kami, pero sinabi ko rin naman sa kanya na kailangan namin ng maid para if ever man na aalis ako na hindi siya kasama may taong magbabantay sa kanya, but he insisted talaga na ‘wag na kaming kumuha ng maid and sinabi pa nito na malaki na raw siya, kaya naman hindi na namin kailangan ng maid. And you know what, kahit sobrang haba pa ng alitan na ginawa namin ng anak ko, ako pa rin ang talo sa huli, kaya wala kaming maid ngayon.

“Wala pong nagpakain sa‘kin, kumain po ako ng mag-isa, kahit na three years old palang po ako I already know how to feed myself!” Iritableng saad nito.

Napangiti naman ako sa sinabi nito. Alam ko na kung bakit ayaw niyang kumain at bakit sobrang lamig ang pakikitungo niya sa‘kin ngayon. He's mad.

He's mad at me dahil umuwi ako sobrang oras na kagabi na dahilan para hindi ko siya mapakain, and that was my first time na hindi siya mapakain. Nakauwi na kasi ako sa bahay kagabi ng 11:00 PM, sobrang traffic kasi sa dinaan ko, tila bang rush hour kahit sobrang oras na.

“Hansy, buksan mo na ang pinto please, I know you're mad and I'm so sorry.” Malambing na saad ko sa kanya.

“I'm not mad!” Inis na sigaw nito.

Natawa naman ako ng mahina sa inasal nito. Minsan lang kasi maging ganito si Hansy saakin, and I'm really happy dahil nagiging ganito siya. I know sobrang unusual bilang parent na matatawa sa anak na nagagalit sa parent, pero ibahin niyo ako because I know that he just need more attention from me kaya nagkakaganito siya.

“Hansy, could you please open the door, ‘wag mong hintayin ako ang magalit sa‘yo. Dahil if ever man na magalit ako sa‘yo, ‘di kita papansinin, at lalong lalo na ‘di kita hahalikan pag-umaga’t gabi at yayapusan.” May diin kong saad sa kanya habang pinpigilang mapangiti at matawa.

Mga ilang sandali pa ay biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito ang anak ko na namamaga ang mga mata, tila bang galing ito sa pag-iyak, kaya naman agad akong lumuhod upang mapantayan ito.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon