Henry’s Point of View
I and my nephew Jacob was walking patungo sa toys section ng Mall na pagmamay-ari ng Daddy and Papa niya ‘The Royal L’. Yes, nandito kami ngayon sa Mall, ginawa kasi akong chaperone ng Daddy at Papa niya para samahan siyang mamasiyal at mamili na rin ng mga laruan, hindi kasi nila ito masasamahan dahil may mga urgent meeting sila sa mga company nila. Mabuti nalang hindi ako pumasok ngayon sa trabaho dahil kung hindi, wala itong kasama ngayon.
Habang naglalakad kami ay bigla itong nagsalita...
“Uncle Ry, bakit hindi po si Daddy at si Papa ang namamasyal sa‘kin ngayon para bumili ng laruan ko? They’d promise me po na sasamahan po ako today but hindi man po nila tinupad ang promise nila. ” Malungkot na saad saakin ni Jacob, kaya naman tumigil kami sa paglakalad sabay luhod upang mapantayan at maharap ito.
“Jacob look, they're so busy sa kanilang trabaho, kaya hindi ka nila nasamahan ngayon kaya sana maintindihan mo and one more thing, ayaw mo ba akong kasama? Ayaw mo bang may kasama kang gwapo at matinupunong Uncle?” Nakangiting saad ko sa kanya sabay flex sa braso ko, bigla naman itong natawa dahil sa inasal ko.
“Uncle Ry, may kapatid po ba kayong ceiling fan?” Biglang tanong nito.
Bigla naman kumunot ang noo ko sa tanong nito...
“Wala bakit? Mukha ba akong bagay?” Takang tanong ko sa kanya.
“Hindi naman po, sobrang hangin mo po kasi, nahiya pa nga po ang mga AC ng Mall namin!” Natatawang saad nito.
Aba! Loko ang batang ‘to, pati ako dinadamay niya sa kalokohan niya!
“Tsk! Loko kang bata ka, tara na nga para makabili na tayo ng laruan mo!” May diin na saad ko sa kanya, ngunit tinawanan niya lamang ito.
Tumayo na ako sa pagkakaluhod at muling hinawakan ang kamay nito upang alalayan sa paglalakad. Mas maganda na ang safe ‘no, baka mawala siya bigla sa paningin ko na dahilan para mapatay ako ni Hunter, magulo pa naman ang batang ‘to.
Habang naglalakad kami patungo sa toys section ay bigla akong nakaramadam ng kakaiba. Kinakabahan na may halong saya ang nararamdaman ko, tila bang mayroong mangyayari, ngunit hindi ko alam kung maganda ba ito o hindi.
Nang malapit na kami sa toys section ay bigla akong nakahagip ng isang pamilyar na bulto ng tao at may kasama itong bata, halatang paalis na rin ang mga ito, kaya naman minadali namin ang paglalakad ni Jacob upang maabutan pa namin ang mga ‘to.
Nang makalapit na kami sa entrance ng toys section ay sakto ring paglabas ng pamilyar na taong tinutukoy ko, kaya naman sabay kaming napatigil sa paglalakad at nagkatitigan, tanging gulat sa aming mga mukha ang nakapinta.
Tila bang huminto ang pag-ikot ng mundo ko nang makita kong muli ang taong tinutukoy ko, at tila bang bumilis muli ang tibok ng puso ko nang makita kong muli ang mahal ko... Si Angel.
Ito ba ang nararamdaman ko mula kaninang papunta kami dito? Ito ba ang kinakabahan na may halong saya? Dahil kung oo, tama nga, dahil ‘yan ngayon ang nararamdaman ko.
“A-Angel...” Muli kong banggit sa pangalan niya. Sa sobrang tagal ng hindi ko pagbanggit o pagtawag sa pangalan nito ay tila bang naging musika ito sa aking pandinig dahil sobrang sarap itong pakinggan at pakiramdaman.
Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang makita ko itong umiiyak...
“A-Angel...” Nag-aalalang pagtawag ko sa kanya, ngunit lalo lang itong humahagulgol.
Napatingin naman ako sa kaliwa niya, at nakita ko ang isang batang lalaki na sobrang kamukha ko, sinuri ko ito mula ulo hanggang paa.
‘Ito na ba ang anak natin?’ Katagang gusto kong itanong sa kanya ngayon, ngunit parang nalunok ko ang aking dila dahil sa mga nakikita ko ngayon.
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...