16

3.6K 186 4
                                    

Angel's Point of View

“Papa, bakit hindi na po bumubisita dito, si Dy Carlo? At saka akala ko po ba manonood tayo ng disney movie sa bahay niya po? Ang tagal na po non ngunit hanggang ngayon hinihintay ko pa rin ang pag-punta natin sa kanila. Papa, I miss Dy Carlo po.” Biglang saad sa akin ng anak ko na si Hansy, kaya naman hinarap ko ito...

“I don't know, baby; kung kailan siya muli bibisita rito, but baka hindi na siya bumisita pa rito. And anyway, ‘wag mo ng isipin ‘yung disney movie na gagawin natin because hindi na matutuloy ang bagay na ‘yun.” Seryosong saad ko sa kaniya at muling uminom ng alak.

It was 6:00 pm and nandito kami ngayon sa kusina ng bahay ko, at umiinom ng mag-isa habang nasa tabi ko si Hansy na naglalaro ng kaniyang iPad. Pagkatapos kasi ng pag-uusap or should I say pagtatalo namin ni Carlo kanina ay agad-agad na akong dumeretso a bahay upang uminom ng alak, para kahit konti man lang ay maintindihan ko ang mga sinabi nitong katagang:

Kasi gusto kita! Gusto kita, Angel, matagal na!’

Hindi ko alam kung bakit niya nasabi ang mga katagang ‘yun sa akin, at hindi ko rin alam kung totoo ba ang sinabi nito o nagloloko lang siya, kasi naman nakakapagtaka kasi ang sinasabi nito.

Hindi ko naman kasi akalain na ang dati kong kaibigan ay may gusto pala sa akin, kaya naman nang marinig ko sa kaniya ang mga katagang ‘yun ay umalis na ako kaagad sa condo nito without bothering to looked at him even tho he was calling my name dahil ayoko ng marinig pa ang karugtong ng sasabihin nito.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang muling magsalita ang anak ko, kaya naman muli ko itong hinarap...

“Papa, may problema po ba kayo ni Dy Carlo?” Mahinang tanong nito habang nakatingin sa aking mga mata.

“Nah, we don't have, just a little bit misunderstanding.” Pag-sisingualing ko sa kaniya.

I don't wanna hurt my son’s feeling, dahil alam kong masasaktan siya pag-sinabi ko sa kaniya ang totoong dahilan, sa tagal ba naman ng pagiging magkaibigan namin ni Carlo ay alam kong maghihinayang at masasaktan ito kung sinabi ko man ang totoong dahilan, lalo na’t mag-ama na ang turingan nila sa isa’t-isa.

Anyway, don't get me wrong people, Carlo and I ay hindi pa friendship over. Wala naman kasi kaming pinag-usapan tungkol sa pagtatapos ng pagiging magkaibigan namjn lalo na't umalis ako kaagad sa condo niya kanina. Well, kung tatapusin niya man ang pagiging magkaibigan namin ay okay lang, desisyon niya ‘yun at kailangan ko ‘yun respetuhin, ngunit kahit na tinapos niya na, hindi pa rin mag-iiba ang turing ko sa kaniya.

“Okay po, Papa, but I hope na maayos na po ang misunderstanding niyo po kasi miss na miss ko na po ulit na maka-bonding si Dy Carlo.” Nakangiting saad ng anak ko at bumalik na sa kaniyang ginagawa.

Mga dalawang segundo lang ang lumipas ay nagulat ako nang biglang may magsalita mula sa door way ng kusina namin, kaya sabay kami ng anak kong napatingin doon, at nagulat nalang ako kung sino ito...

“Gusto mo lang ba ang Dy Carlo mo? And me? Ayaw mo ba akong ka-bonding, kiddo?” Seryosong saad ni Henry habang naglalakad patungo sa amin na may dala-dalang mga paper bags at isang boquet of red flowers sa kaniyang mga kamay.

“Hoy! Paano ka nakapasok dito?! Trespasser ka huh! Gusto mo bang tumawag ako ng pulis?!” Nakakunot noo kong sigaw sa kaniya, ngunit instead na pakinggan ako nito ay bigla lang itong napangisi at nagpatuloy lang sa kaniyang paglakad patungo sa amin.

Ano kaya ang kailangan ng lalaking ‘to?! Bakit siya naririto? At paano siya nakapasok sa pamamahay ko na naka lock naman ang pinto sa harap.

“Papa, ‘di ba po siya ‘yung guy na kasama natin nang kumain po tayo sa labas and at the same time po nakaaway ni Dy Carlo? At naalala ko po na siya rin ‘yung kayakapan mo po sa daan non?” Sunod-sunod na mahinang tanong sa akin ng anak ko.

Tila bang bigla naman akong pinamulahan sa huling tanong nito, kaya naman bigla akong napaiwas ng tingin sa kaniya, tila bang naalala kong muli ang mga nangyari at naramdaman ko sa araw na ‘yun, at hanggang ngayon ay nakatatak pa rin sa aking puso.

“Y-Yes, baby. But forget kung ano man ang nakita mo sa daan non. Okay?”

“Okay po, Papa.” Pag-sangayon nito, kaya naman muli akong tumingin kay Henry na  ngayon ay nasa harapan na namin.

“Paano ka nakapasok dito huh?! Dati ka bang magnanakaw?” Iritableng saad ko sa kaniya na dahilan upang kumot ang noo nito...

“Grabe ka naman sa‘kin, Angel. Hindi naman ako magnanakaw, sa gwapo’t  yaman kong ‘to magnanakaw? At saka, nakabukas ang pinto kaya pumasok ako, akala ko kasi merong namasok dito sa inyo, lalo na’t sobrang dilim na ng gabi.” Seryosong paliwanag nito.

Bigla naman akong napa-isip sa sinabi nito. Alam ko kanina na sinara ko ang pinto pagkapasok ko palang sa bahay, or kung nakabukas man ang pinto ay ibig sabihin nito ay hindi ko nasara ng maayos kanina.

Tama ‘yun nga!

Mga ilang sandali pa ay nagulat nalang ako nang biglang niyang ini-abot sa aking harapan ang isang boquet ng red roses.

“Flowers for you, babe.” Nakangising saad nito kasabay nito ang pagtaas-baba ng kaniyang katamtamang kapal na mga kilay.

Bigla naman napakunot ang aking noo sa sinabi nito...

“H-Hoy! Damuho ka, sinabi ko na sa‘yo na ‘wag na ‘wag mo akong tatawaging ganiyan!” Iritableng saad ko sa kaniya, ngunit lalo lang lumaki ang nakaguhit na ngisi sa kaniyang maninipis na labi.

“Tsk! Pabebe pa, tatawagin mo rin naman ako ng ganiyan pag naging tayo na muli. And I'll assure you that you're just going to say that when you're begging for something. Something like...” Pagtigil nito habang binibigyan niya ako ng nakakalokong tingin at ngiti, mga ilang sandali lang ay bigla nitong ibinaba ang hawak nitong boquet at kasabay nito ang paglapit ng kaniyang mukha sa tenga ko...

“Pleasure.” Mahina ngunit husky na saad nito, at ramdam ko talaga ang init ng hangin na binubuga ng kaniyang bibig, at sobrang bango pa nito.

Mga ilang sandali pa ay napitlag ako sa kakaisip nang biglang magsalita ang aking anak mula sa gilid namin...

“Ehem po! Nandito pa po ako, Papa. Ikaw manong ‘wag ka nga ng dikit ng dikit sa Papa ko!” Cute na sigaw nito habang naka-cross armed.

Dali-dali ko naman itinulak si Henry na dahilan upang mapalayo ito ng konti sa akin.

“I like you, kiddo. Nagmana ka nga talaga sa‘kin.” Nakangising saad nito sa aking anak sabay abot sa mga paper bags sa kaniya, ngunit ang huling sinabi nito ay hindi ko masyadong narinig sapagkat bigla nitong inihina ang kaniyang boses.

“Here, take it.” Nakangiting saad nito kay Hansy habang iniabot sa kaniya ang mga paper bags na dala-dala nito. Kita ko naman sa mga ngiti nito na sobrang genuine.

Bigla naman napatingin sa‘kin si Hansy, at tila bang humihingi ito ng permiso kung tatanggapin niya ba ang mga paper bags na ini-aabot sa kaniya ni Henry, kaya naman dali-dali akong tumango bilang pag-sangayon na ikinangiti naman nito at sabay kuha sa mga paper bags.

“Thank you po, Manong!”

“Nah, you're welcome, kiddo. But don't call me again manong because my name is Henry. Just call me Daddy Henry.” Nakangiting saad nito sa anak ko.

Bigla naman bumilis ang tibok ng puso ko nang sabihin niya ang huling katagang ‘yun. Samo’t sari rin ang aking mga nararamdaman. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako o sadiyang normal lang ang ganitong bilis ng pagtibok ng aking puso. Argh! Ewan!

“Okay po, D-Daddy Henry.” Rinig kong pagpapasalamat ni Hansy kay Henry, ngunit ramdam ko sa pagbigkas nito sa parteng daddy ay tila bang na-awkwardan ito.

Well, siguro ‘di na bago ‘yun, kasi si Carlo lang ang tinatawag niyang Daddy or for short Dy. At sa buong buhay niya ay tinuring ng anak ko na ama si Carlo, and kaya siguro na-awkwardan din ito sa pagtawag ng salitang daddy kay Henry, dahil bago palang ito sa kaniya; sa ibang tao.

Mga ilang sandali pa ay nabalik muli ako sa ulirat nang biglang may magsalita mula sa aking harapan...

“Angel, can we talk?” Seryosong tanong nito na sobrang ikinabigla ko.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon