Angel’s Point of View
“Hansy, huwag kang tumakbo at dahan-dahan ka lang sa paglalakad. Gusto mo bang bumalik sa Hospital, huh?” Pangangaral ko sa anak ko. Napatigil naman ‘to sa kaniyang pagtakbo sabay harap sa‘kin. Nakasimangot naman ‘tong umiling sa pananakot na tanong ko sa kaniya.
“Hindi naman pala, ‘e. Kaya naman ‘wag matigas ang ulo mo, okay?” Nakangiti kong saad sa kaniya at dali-dali naman ‘tong tumango.
Bigla naman akong napatingin nang may pagtataka kay Henry nang bigla ako nitong hawakan sa balikat...
“Babe, calm down. Okay lang kahit tumakbo pa siya ng tumakbo, pabayaan muna natin si Hansy, alam naman natin na ilang weeks na siyang nasa Hospital, ‘e. Kaya naman talagang magkakaganiyan ‘yan.” Mahinahong saad nito na biglang nagpa-inis sa‘kin, kaya naman agad ko ‘tong pinalo sa kaniyang balikat na dahilan upang mapa-daing ‘to.
“Ouch!”
“Isa ka pa, susulsulan mo pa talaga ang anak natin, huh? Ikaw, doctor ka kaya alam mo ang bawal at hindi, sapakin kita riyan, ‘e.” Iritableng saad ko sa kaniya sabay lakad patungo sa kwarto namin. Napansin ko naman na napa-awang ang labi nito habang hinihimas ang palo ko sa kaniya.
Sa isang linggong nakalipas ay ngayon palang kami naka-uwi galing sa Hospital. Nang magising kasi si Hansy nang nakaraang linggo ay hindi muna namin ‘to inuwi kahit pwede na sapagkat sinisigurado ko pa rin na 100% na bang ligtas ang anak ko, baka kasi bigla siyang mabinat kung inuwi namin siya ng maaga.
Nag-pagawa rin ako ng maraming test kina Henry at Dr. Pj, para masigurado ang kaligtasan ng anak ko. At natuwa naman ako sapagkat halos normal naman ang mga lumabas na resulta, kaya naman ngayong 5:30 ng hapon ay napagdesisyunan na naming iuwi na si Hansy galing sa Hospital.
Nang makarating na ako sa kwarto namin dito sa bahay ni Henry ay agad-agad na akong pumasok sabay higa sa malambot at komportableng kama na dahilan upang mapaungol ako.
“Ahhhh~ Sarap!”
Habang nakahiga ako ay hindi ko mapigilang mapapikit at maisip ang mga nangyari sa mga nagdaang araw. Hindi ko mawari sa aking isipa’t puso na mangyayari lahat ang mga bagay na ‘yun.
Anyway, nakulong na pala sina Spencer at sina Carlo. Hindi ko nga lang alam kung anong kaso ang ipinataw sa kanila ni Henry.
Awang-awa non ako kay Spencer sapagkat grabe ang iyak niya, nagmamakaawa rin ‘to na pakawalan na siya ng mga pulis. Ngunit kung awang-awa ako kay Spencer ay mas awang-awa naman ako kay Carlo, sapagkat nang makita ko siya nang idala siya ni Jerald sa Hospital ay ako agad ang kaniyang tinignan deretso sa aking mga mata; nagkatitigan kami at kita ko sa kaniyang mga mata ang sakit, kaya naman agad akong napaiwas nang tingin noon sapagkat hindi ko kaya, bagkus tinignan ko nalang ang katawan nito na puno ng mga sugat, bugbog, at kumalat na mga dugo. Napansin ko rin na pumayat ito.
Mga ilang sandali pa ay napamulat ako nang bigla akong nakaramdam ng presensya ng tao mula sa gilid ko, kaya naman agad ko ‘tong hinarap at bumungad sa‘kin ang gwapo’t mistisong mukha ni Henry.
“You okay?” Nakangiting tanong nito na dali-dali ko naman tinanguan sabay harap sa ceiling.
“Angel, may problema ba? Bakit sobrang lalim naman hata ng iniisip mo?”
“Wala; walang problema. Iniisip ko lang ‘yung mga nangayari nang nakaraang linggo.” Monotonous kong saad sa kaniya, bigla naman ‘tong napabuntong hininga.
“Huwag mo nang isipin pa ang mga ‘yun, Angel, dahil ang mga nangyaring ‘yun ay kailangan nang mabura sa ating isipan, at saka, alam naman natin sa ating mga sarili na masamang bangungot ang mga nangyari. Kaya naman ang isipin mo nalang ay ang ngayon at ang magiging future natin.” Saad nito, kahit hindi kami magkaharapan ngayon ay ramdam ko pa rin na malawak ang ngiti nito.
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...