21

3.4K 147 15
                                    

Spencer’s Point of View

“Why don't you say sorry to him? Mag-apologize ka sa kaniya, siguro sa ganoong paraan mababalik muli ang pagkakaibigan niyo.” Mahinahong saad ko kay Carlo sabay harap sa kaniya at the same time naman ay pagharap din nito sa‘kin sabay tingin sa aking mga mata.

Puno ng emosyon ang tinatapong tingin nito sa‘kin. Nakikita ko rin sa mga luhaang mga mata nito ang sakit at galit, na sobrang ikinaaawa ko sa kaniya.

“S-Sa tingin mo magagawa ko pa ang sinasabi mo? Gugustuhin ko man mag-apologize sa kaniya pero hindi ko magawa, dahil alam ko sa sarili ko na babakuran na siya ng Henry na ‘yun! At saka bakit ko kailangang humingi ng tawad kay, Angel? Bakit meron ba akong nagawang kasalanan? Wala naman ‘di ba? Ang tanging ginawa ko lang naman sa kaniya ay ang sabihin ang nararamdaman ko sa kaniya, at ‘yun ang pagmamahal ko.” Humahagulgol na saad nito sabay inom ng isang basong alak.

“I-I know, Carlo. I know that wala kang ginawa sa kaniya pero you need to apologize to him dahil baka nabigla siya sa sinabi mo.” Pilit ko pa sa kaniya, ngunit mga ilang sandali pa ay nabigla ako nang bigla itong humarap sa‘kin kasabay nito ang biglaan niyang pag-sakal sa aking leeg gamit ang kaniyang dalawang malalaking kamay ng puno ng pwersa at higpit na dahilan upang hindi ako makahinga ng maayos... 

“A-Ackk!”

“T*ngina naman, Spencer! Mali ba ang ginawa ko? Mali ba na sabihin ko sa kaniya ang nararamdaman ko? Mali ba na mag-mahal ako?!” Humahagulgol nitong saad sa‘kin, ngunit puno ‘yun ng galit at poot.

“A-Ackk!” Daing ko pa, kasabay nito ang pagtagos ng masasagana kong mga luha. Tumagos ang luha ko hindi dahil malapit na akong mamatay, kundi dahil sa nangyayari ngayon kay Carlo, alam kong hindi siya ang dating kaibigan ko, alam kong nabubulag lang siya ngayon, alam kong wala lang siya sa sarili ngayon dahil alam ko na naging ganito lamang siya dahil sa pagmamahal niya sa walang kwentang baklang ‘yun. 

Mga ilang sandali pa ay naramdaman ko na lang pagluwag ng pagkakasakal nito, na dahilan upang mapangiti ako. Alam ko na masakit ang ginawa nito, ngunit alam ko na wala lang ‘to sa kaniyang sarili kaya nagawa niya ‘yun, nasa mabigat siyang pagsubok ngayon kaya naman dapat ko muna siyang intindihin.

Nang tuluyan na nitong matanggal ang pagkakasakal niya ay dali-dali na akong uminom ng tubig at nag-adjust sa paghinga ko, siya naman ay muli itong umupo sa kaniyang upuan at tila bang wala man nangyari. Pagkatapos non ay pinunasan ko ang mga luhang kumalat sa aking mukha at muling umupo sa aking upuan sabay harap sa kaniya...

“C-Carlo, I am so sorry, hindi ko naman intention sabihin ang bagay na ‘yun. And please, kumalma ka muna.” Nakangiti kong saad sa kaniya, nagulat naman ako nang bigla itong sumigaw...

“Paano ako kakalma kung ang nararamdaman ko pala kay Angel ay sobrang mali!” Sigaw nito sa‘kin habang tinatapunan niya ako mg masamang tingin.

“Carlo, I didn't say na mali ang mahalin si Angel. Sinabi ko lang na kailangan mo pa rin mag-sorry sa kaniya dahil baka nabigla siya nang mag-confessed ka sa kaniya.”

Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang ‘yun ay hindi na ako nito pinansin, bagkus tinuon nalang nito ang kaniyang pansin sa iniinom nitong alak.

Nandito kami ngayon sa isang sikat na pub, ang P'pub na pagmamay-ari ni Philip Tanjuakio. Nandito ako ulit ngayon upang samahan si Carlo na makalimot. Gusto na kasi raw nitong kalimutan si Angel, ang first love niya. Siyempre dahil nga kaibigan niya ako, susuportahan ko nalang siya.

Halos araw-araw na rin ang gawi namin dito at halos ulit-ulit na rin ang mga nangyayari, like pupunta kami rito na dala-dala ang mabigat na atmosphere, tapos iiyak siya at sasabihin niya ulit ang mga past nila ng Angel na ‘yun, pagkatapos non ay malalasing siya, and then pagna-knock out na siya ay hahatid ko na naman ito sa condo niya.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon