17

3.5K 188 5
                                    

Henry’s Point of View

“So, what's your plan now? It looks Angel won't talk to you again, even tho you and him is working in the same company because of you and that Carlo’s childish argument.” Nakangising saad sa‘kin ni Philip habang prenteng nakaupo sa single sofa.

Ikinuwento ko kasi sa kanila ang mga nangyari noong last week, at ang mga reactions ng mga ‘to ay priceless, dahil puro lang sila tawa, except kay Louise dahil masinsinan itong nakikinig.

Anyway, ngayon ko lang nakwento sa kanila sapagkat ngayon lang naging free ang lahat except kay Jerald dahil hanggang ngayon hata ay ‘di pa na-aayos ang problema nila ni Caleb. Could you imagine that couple? I thought they're the perfect couple, but I was wrong. Sana maayos na kung ano man ang problema nila dahil sa tutuusin, sobrang sayang ng kanilang relasyon kung mag-hihiwalay sila.

Nandito pala kami ngayon sa bahay ni Hunter at Louise. As usual, halos ito na ang pangalawang bahay at tambayan naming mga magbabarkda lalo na’t ngayong sobrang daming mga nangyayaring mga bagay sa buhay namin.

“Shut up! I do have plan now and I'll do it now, so, I need to go, bye!” Iritableng saad ko sa kanila at tumayo na mula sa pagkakaupo sa sofa.

“Wow! Ang bilis naman magplano ng doctor natin?” Natatawang tanong naman sa‘kin ni Troy na ikinasagakgak ng lahat except kay Louise dahil seryoso lang itong nakatingin sa‘kin, ngunit hindi ko na ‘to pinansin pa at naglakad na patungo sa pinto ng bahay.

“Tsk!”

Nang makarating na ako sa pinto ay pipihitin ko na sana ang door knob nito, ngunit bigla akong napatingin sa kanila nang biglang sumigaw si Louise na ikinatigil ng barkada sa kakatawa...

“Tumahimik nga kayo sa kakatawa, kayo ang nagmumukhang isip-bata kaysa sa pag-aaway nila ng Carlo na ‘yun ‘e. Kaibigan natin siya, at kailangan niya ng suporta natin, lalo na kayo, dahil kilalang-kilala niyo ang isa’t-isa.” Seryosong pangangaral niya kina Hunter, Philip, at Troy na ngayon ay seryoso ng nakikinig kay Louise.

Bigla naman akong napangiti nang marinig ko kay Louise ‘yun. Mabuti pa siya ay naiintindihan niya ang sitwasyon ko, ngunit ang tatlong damuho ay ‘di ako naiintindihan, at pinagtatawanan pa ako.

“Thanks, Louise!”

“No problem, Henry. Basta nandito lang kami pag may kailangan ka. Anyway, mag-ingat ka lalo na’t sobrang gabi na.” Nakangiting saad nito sa‘kin. At ramdam ko talaga na sincere ito sa mga sinasabi niya.

“I will.”

Pagkatapos kong sabihin ‘yun ay lumabas na ako sa bahay nila at dumeretso na sa labas kung saan naka-parked ang kotse ko.

Nang makarating na ako sa kotse ko ay agad na akong sumakay kasabay nito ang pagsindi ko sa makina at pinaandar ito.

...

Nagbiyabiyahe na ako ngayon patungo sa bahay ni Angel. Kakatapos ko lang din bilhin ang mga ibibigay ko sa kanila.

Bumili ako ng isang bouquet of red roses and some chocolates and toys na nasa paper bags ngayon.

Ayoko naman kasing pumunta ako roon na walang dala-dala, minus pogi points kaya ‘yun at saka baka isipin niya pa na sobrang yaman ko ngunit hindi ako galante, or for short ay sobrang kuripot ko.

Anyway, ang plano ko ay ang mag-sorry sa kaniya about sa nangyari noong last week at sa panggugulo ko sa kaniya sa opisina pag may trabaho kami.

Mga ilang sandali pang pagbiyabiyahe ay nakarating na rin ako sa bahay ni Angel. Kaya naman dali-dali ko ng pinark ang kotse ko sa harap ng bahay nila, pagkatapos non ay bumaba na rin ako dala-dala ang aking mga ipinamili.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon