Angel’s Point of View
“Angel, kaya mo ‘to. Just say sorry to him and it'll be fixed. And babalik na muli ang dati.” I nervously said to myself and I did an inhale and exhale.
Nandito ako ngayon sa harap ng pinto ng condo ni Carlo. Well, hihingi lang naman ako ng tawad sa kaniya dahil sa hindi pagtupad sa pangako ko na manonood kami ng Disney movie last week at para na rin makausap ko siya kung may problema o anong problema.
Simula kasi nang iwan ko sila ni Henry sa restaurant na pinuntahan namin last week, ay hindi na niya ako pinapansin, kaya naman feeling ko iniiwasan niya talaga ako. Kasi naman, everytime na tinatawagan ko siya, pinapatayan niya ako. Pag naman pumupunta ako sa bahay niya —sa totoong bahay niya—, ay palagi siyang wala. Kaya naman napag-isipan kong pumunta sa condo nito, dahil kung palagi siyang wala sa totoong bahay nito, ay may posibilidad na nandito siya ngayon.
Nagsimula na akong kumatok sa pinto ng condo niya...
‘Knock!’ ‘Knock!’ ‘Knock!’
Kumatok ako ng tatlong beses ngunit walang sumagot. Kaya naman, kumatok muli ako...
‘Knock!’ ‘Knock!’ ‘Knock!’
Ngunit wala talagang sumasagot, kaya naman parang bigla akong nainis.
“Carlo, I know nandiyan ka lang, kaya naman buksan mo ang pinto! We need to talk!” Inis na sigaw ko mula sa labas sabay katok ng marahas sa pinto...
‘Knock!’ ‘Knock!’ ‘Knock!’
“Carlo, buksan mo sabi ang pinto! Kung ‘di mo binuksan ang pinto sisira...” Hindi ko na ituloy ang sasabihin ko nang biglang bumukas ang pinto, at iniluwa nito ang gwapong si Carlo, at mukhang bagong gising pa ‘to dahil sobrang gulo ng kaniyang buhok at pang-tulog pa ang suot nito.
“Bakit ang ingay mo huh? Alam mo bang natutulog ako?!” Malamig na mga tanong nito sa‘kin, and its kinda hurt me. Ngayon niya lang kasi ako kinausap ng ganito.
“We need to talk!” Inis na saad ko sa kaniya, habang ‘di pinapahalata na na-apektuhan ako sa malamig na pakikitungo nito.
“Talk about what? Wala naman dapat tayong pag-usapan huh!” Nakakunot noong saad nito.
“Sa loob na tayo mag-usap, I need to talk to you formally para mag-kalinawagan tayo.”
“Ano? Pwede mo naman sabihin dito. Gaano ba ka-importante ang sasabihin mo huh?!” Iritableng saad nito, ngunit instead na sagutin ang sinabi nito, ay nilampasan ko ‘to at pumasok sa loob ng condo niya.
“Tsk!” Rinig kong saad nito, kasabay nito ang pagsara ng pinto.
Umupo na ako sa sofa dito sa sala, kasabay nito ang pag-libot ng aking mga mata sa apat na sulok na kwartong ‘to. Bigla naman gumuhit sa aking labi ang isang ngiti nang mapansin kong hindi pa rin niya pinapalitan ang interior design ng condo niya. Simula nang unang beses akong pumunta sa condong ito noong college pa kami, at mapasahanggang ngayon ay kulay blue, black, and gray pa rin ang wall nito. Napansin ko rin na pati ang kaniyang mga furnitures ay hindi niya pa pinapalitan.
Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang biglang may magsalita mula sa kanan ko...
“Ano na? Pumunta ka lang dito para suriin ang condo ko? Ano ‘to, exhibit?” Inis na mga tanong nito.
“S-Suplado mo naman, heto na nga!” Iritableng saad ko sa kaniya, habang pinipigilan pa rin ang pagiging apektado sa pagtrato nito sa‘kin ngayon.
“Tsk! Sabihin mo na.” Seryosong saad nito habang seryoso ring nakatingin saakin.
“C-Carlo, umiiwas ka ba saakin?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya habang nakatingin sa kaniyang mga mata.
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...