2

7.7K 297 8
                                    

Angel’s Point of View

“Angel, let’s talk. Kailangan nating mag-usap ng maayos.” Malamig na saad nito.

“Fine! You know what Louise, hindi ko alam kung anong nilalaman ng utak mo ngayon, pero sana mali ang akala ko.” Tanging saad ko lang sa kanya.

“Whatever.” Saad lang nito sabay upo muli sa upuan sa harap ng table ko.

Anyway, hanggang ngayon nandito pa rin kami sa opisina ko at hanggang ngayon ‘di ko pa rin natatapos ang mga reports na binabasa ko dahil nga hanggang ngayon ay nandito pa rin si Louise, si Hansy naman ay pinauwi ko na sa secretary ko awhile ago lang, ayaw pa nga nitong umuwi dahil gusto pa raw niya dito but I insist na ipauwi na siya.

“So, Hansy pala ang name niya.” Nakangising saad nito habang nakatingin sa mga furnitures ng office ko.

“Oo, may problema ba doon Louise?” May diin kong saad sa kanya.

“Wala naman, so saan mo nakuha ang name niya? Pinahalo mo ba ang name mo at ang name ni Henry, kaya naging Hansy?” Nakangising saad nito sabay harap sa‘kin.

“No! Ipinangalan ko ‘yun sa anak ko dahil gusto ko at may meaning 'yun. It’s means gift of God.” Pagtanggi ko sa paratang niya.

“Okay. So, kailangan mo balak sabihin kay Henry ang tungkol kay Hansy?” Biglang tanong nito, kaya naman bigla akong kinabahan, ngunit hindi ko ‘yun pinahalata sa kanya.

‘How did he know?’ Tanong ko sa isip ko.

“A-Ano naman ang kinalaman ni Henry dito Louise?!” Iritableng tanong ko sa kanya, kunwari hindi ko rin alam ang tinutukoy niya but knowing Louise, alam kong hindi lang ‘to gumagawa ng kwento.

Bigla naman itong napatawa sa narinig niya sa‘kin, ngunit mga ilang sandali lang ay nawala rin ‘yun at napalitan ‘yun ng galit...

“Don’t play dumb Angel! I already knew that kid was Henry’s son too!” Galit na sigaw nito, na sobrang nagpabigla sa‘kin.

“Sige nga, patunayan mo!” Pabalik na sigaw ko sa kanya.

“Hindi na kailangan Angel dahil si Henry mismo ang nagsabi niyan, he said that pagkatapos ng labanan sa rest house Island ng asawa ko na si Hunter, you know what he said Angel?! He said that nawala at iniwan mo raw siya kasama ang anak niyo!” Nakangising sigaw nito at ramdam ko sa tono nito ang galit.

“I don’t know what are you talking about Louise.” Malamig na saad ko sa kanya sabay tayo sa upuan ko at nagsimulang maglakad patungo sa pintuan ng office ko, ngunit hindi ko pa man nakakalahati ang paglakad ko ay bigla itong tumawa at napalakpak ng sarkisto...

“Wow! Ano ‘to nagka-amnesia ka?! Nagka-amnesia ka na dahilan para makalimutan mo rin na anak ni Henry ang batang ‘yun!” Natatawang saad nito.

Tumigil naman ako sa paglalakad at hinarap ko 'to...

“Oo na! Anak din niya si Hansy! Ano masaya kana? Alam mo na ang sagot kaya umalis kana! But lemme tell you this Louise, tinago ko ang anak ko sa kanya dahil may dahilan; malalim na dahilan, hindi ko ipagkakait kay Henry ang anak namin kung hindi niya ako ginago noon. At saka kahit wala si Henry sa tabi namin ay kaya namin mabuhay; kaya kong buhayin ang anak ko at ang sarili ko na wala siya!” Humahagulgol na saad ko sa kanya habang nakayuko, actually ayoko talagang umiyak sa harap niya dahil ayokong kaawaan ako but I can't help myself na ilabas ang emosyon ko.

Mga ilang sandali pa ay humarap muli ako sa kanya, at kita ko sa mukha nito ang shock dahil siguro sa mga sinabi ko...

“I-I think you already knew what I mean Louise, dahil alam kong naranasan mo rin ang naranasan ko noon at ngayon, iba nga lang ang mga nangyari saatin pero pareho lang tayo... Pareho lang natin tinago ang mga anak natin sa mga tatay nila dahil nasaktan tayo!” Humahagulgol na sigaw ko sa kanya, nahagip ko naman itong nagpunas ng luha niya, ngunit hindi ko na pinansin pa 'yun.

“At isa pa Louise, 'wag kang maki-alam sa isang situation kung hindi mo pa alam ang background nito.” May diin na saad ko sa kanya sabay lakad patungo sa pinto ng office ko at lumabas na.

“A-Angel I’m so sorry...” Rinig kong sigaw nito mula sa loob ng office ko, ngunit hindi ko na pinansin pa 'yun at pinagpatuloy nalang ang paglalakad ko. I badly wanted na makalabas sa lugar na ito as soon as possible, dahil sobrang bigat na ng nararamdaman ko.

_____

Louise’s Point of View

I’m currently driving pauwi sa bahay namin, at hanggang ngayon ay speechless pa rin ako dahil sa mga narinig ko kay Angel. Actually, that was my first time na marinig kong umiyak and sumigaw si Angel dahil sa isang bagay or situation, dahil dati kasi, hindi siya ganoon, parang ngang wala man nangyayari sa buhay niya but umiba lahat ang pananaw ko nang magkaroon kami ng arguments kanina, and pinagsisihan ko 'yun because I hurt his feeling, instead na i-cheer up at tanungin siya ng maayos sa mga nangyari at nangyayari sa kanya, ay ginawa ko ay kabaliktaran.

Pero, isa lang talaga ang tumatak sa isipan ko sa mga sinabi niya, ang salitang ‘ginago’. Kanina pa umiikot sa isip ko ang salitang ‘yan, ngunit hindi ko talaga alam kung what does he mean. ‘Yan din sana ang itatanong ko sa kanya kanina but suddenly he run away.

Mga ilang sandali pa ay nakarating na ako sa baha, kaya naman dali dali ko ng ipinasok at ipinark ang kotse sa loob. Pagkatapos non ay agad na rin akong bumaba mula sa kotse at naglakad patungo sa pinto ng bahay.

Pagkarating ko sa pinto ng bahay ay agad ko itong pinihit, pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa‘kin ang barkada na sina, Troy, Philip, Jerald, Henry, ang ang asawa ko na si Hunter, halatang seryosong nag-uusap ang mga ito dahil bigla silang napatigil at napaharap sa‘kin, bigla naman tumayo si Hunter at lumapit sa'kin.

“Sweetie, kumusta ka? Kumain kana ba?” Malambing na saad nito sabay bigay ng isang smack na halik.

“Yeah, I'm okay at kumain na rin ako sa labas. Kayo kumain na kayo? Anong ginagawa niyo? Mukhang ang seryoso.” Tanong ko sa kaniya at tumingin sa barkada.

“Nothing sweetie. Anyway, napuntahan mo na ba ang pinupuntahan mo?” Mahinahong tanong nito, bigla naman akong nagulat at the same time kinabahan sa tanong niya.

Anong isasagot ko? Sasabihin ko ba sa kanya ang totoo? Sasabihin ko ba sa kanila ang mga nalaman ko tungkol kay Angel?  Sasabihin ko ba ang mga sinabi ni Angel kanina sa kanila?


Sobrang daming mga katanungan ang mga umiikot ngayon sa isip ko, at ‘di ko alam kung anong isasagot ko sa kaniya o sa kanila, lalong lalo na, nandito si Henry.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang biglang may sumigaw...

“Louise!”

Kaya, naman napatingin ako sa sumigaw na 'yun at nakita ko si Hunter habang nakakunot ang noo.

“What?! Bakit ka sumisigaw?!” Iritableng tanong ko sa kanya.

“Kanina pa kasi kita tinatawag, ano napuntahan mo ba ang pinupuntahan mo?” Tanong muli nito.

“Ahhmmm... No! H-Hindi pa.” Pagsisinualing ko, for the mean time ito muna ang gagawin ko, ayokong ako mismo ang magsabi, gusto ko si Angel mismo. At saka, ito muna rin ang magagawa ko kay Angel ngayon, dahil I literally know na ayaw niya munang ipagsabi ang bagay na tungkol sa anak nila Henry na si Hansy, at saka siguro napilitan lang siyang sabihin ‘yun dahil kinulit ko siya kanina.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon