Angel's Point of View
Nagising ako nang bigla kong maramdaman ang sakit ng ulo ko...
“Ahhh!” Mahinang daing ko.
“Dy Carlo! Nagigising na po si Papa!” Rinig kong sigaw ng maliit na boses, ngunit hindi ko naintindihan ng maayos ang sinabi nito.
Kaya naman dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, ngunit pagkamulat ko palang, puting ilaw agad ang bumungad sa‘kin na dahilan upang masilaw ako, kaya naman pumikit ako kaagad. Mga ilang sandali pa ay dahan-dahan ko muling binuksan ang aking mga mata, at pagkabukas ko ay agad akong nag-adjust.
Pagkatapos kong mag-adjusted sa ilaw ay unti-unit ko ng nakikita ang mga nasa paligid ko. Nang tuluyan na akong nakapag-adjust sa ilaw ay agad bumungad sa‘kin ang gwapong mukha ni Carlo at ang anak ko na si Hansy...
“Gel, are you okay?/Papa you okay po?” Sabay bungad na tanong sa‘kin ng dalawa, bakas din sa tono ng mga ito ang pag-aalala.
“I-I'm okay, but a little bit dizzy...” Mahinang saad ko sa kanila, bigla naman umalis si Carlo at mga ilang sandali pa ay iniabot nito sa‘kin ang isang basong tubig, ngunit bago ko ito tanggapin ay umayos muna ako ng upo...
“Ahhh!” Daing ko sabay hawak sa aking ulo, sobrang sakit kasi.
Nahagip ko naman na inilagay muna ni Carlo ‘yung baso ng tubig sa nightstand, pagkatapos non ay inalalayan ako nitong maupo.
Nang makaupo na ako ng maayos ay muli nitong kinuha ang tubig mula sa nightstand at iniabot sa‘kin na malugod ko naman tinanggap.
Pagakatapos kong uminom ay iniabot kong muli ang baso sa kanya na tinaggap naman nito...
“Thank you!” Nakangiting pagpapasalamat ko sa kanya.
“Nah don't mention it, basta ikaw.” Masayang saad naman nito.
“Papa, okay na po ba ang nararamdaman mo?” Nag-aalalang tanong sa‘kin ni Hansy, kaya naman hinarap ko ito...
“I'm good baby, so don't worry about me. Anyway, Carlo where are we?” Takang tanong ko naman kay Carlo sabay tingin sa kinapapaligiran namin ngayon.
It was black, blue, brown, and gray mixed colored ang wall ng kwartong ‘to, and sa kaliwa ko naman ay malaya kong nakikita ang nasa labas dahil glass wall lang ‘to, tila bang kwarto rin ng lalaki ang kinalalagyan ko ngayon aside sa desenyo, kundi dahil na rin sa amoy...
“Nasa bahay ko. Nasa kwarto tayo ngayon.” Simpleng saad nito.
Nanlaki naman ang mata ko dahil sa narinig ko sa kanya at tinignan ito ng may pagtataka...
“Anong ginagawa ko dito, or should I say anong ginagawa namin dito?” Naguguluhang tanong ko sa kanya. Kaya pala amoy panlalaki at desenyong panlalaki ang kinaroroonan namin ngayon.
“Papa, nagkaroon ka po ba ng amnesia ng mahimatay ka kanina kaya ‘di mo po naalala?” Biglang tanong naman sa‘kin ni Hansy, kaya naman hinarap ko rin ito ng pagtataka...
“Himatay? Nahimatay? Saan?” Naguguluhan kong tanong sa anak ko, tinignan ko naman muli si Carlo...
“Sadiyang ‘di mo nga naalala. So heto, nahimatay ka kanina sa Mall and someone carried you na pa-bridal style kasama si Hansy palabas ng Mall, sa tingin ko rin ay dadalhin ka niya sa hospital. And anyway, I already knew kung sino ang taong ito and you know it who it is, kaya naman dali-dali kitang kinuha mula sa kaniya, sa una ayaw niya pa kayong ibigay but something really happened na dahilan para ibigay ka niya saakin. And instead sa Hospital kita dalhin, dinala nalang kita dito sa bahay at napagdesisyonan ko nalang na tawagan ang private doctor ko, and she said that nahimatay ka raw dahil sa init ng panahon, pero wala raw dapat tayong ipag-alala dahil normal lang ‘yun.” Seryoso’t mahabang paliwanag nito.
“Tama po ang sinabi ni Dy Carlo, Papa!” Masiglang saad naman ni Hansy habang nakapout ito.
Dahil sa narinig ko kay Carlo, ay bigla ko nalang naalala ang mga nangyari kanina, kaya naman lumabas bigla ang masasagana kong mga luha mula sa aking mga mata...
“N-Nagkita na kami...” Umiiyak kong saad sa kanila, bigla naman umupo si Carlo sa higaan at bigla ako nitong niyakap, kaya naman niyakap ko rin ito ng pabalik.
Tila bang bumalik muli ang mga masasakit na nakaraan na ginawa nito saakin nang makita ko siyang muli; sobrang sakit!
Tanging galit at poot ang nararamdaman ko sa kanya nang muli kaming magkita.
It's been years simula nang mangyari ang bagay na ‘yun pero hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang sakit mula sa puso ko.
“Shhh~ It's okay, don't cry... ” Pagtahan nito sa‘kin habang hinahagod ang likod ko.
“M-May kasama pa siyang bata C-Carlo!” Humahagulgol kong saad sa kanya. Hindi ko alam kung bakit ko nasabi ang katagang ‘yun, tila bang lumabas nalang ito sa aking bibig, pero may iba sa parte ko na sobrang sakit at nang sinasabi ko ang katagang ‘yun.
Bigla naman itong kumalas sa aming pagkakayakap at hinarap ako nito ng seryoso...
“Bakit? Big deal pa ba ‘yun sa‘yo? Nagseselos ka ba? Nagseselos ka ba na may anak na siya?” Seryosong sunod-sunod na tanong nito. Iba rin ang tingin na ibinibigay nito sa‘kin, ngunit hindi ko alam kung ano ito dahil ngayon ko lang nakita ang ganitong klasing awra nito.
Selos? Big deal?
Selos at big deal na ba ang tawag sa ikinilos ko ngayon? I mean tinanong ko ngayon?
Mga ilang sandali pa ay biglang nagsalita si Hansy, hinarap ko naman ito...
“Papa at Dy Carlo, bakit ka umiiyak Papa? May masakit po ba sa sa‘yo? Ano rin po ang pinag-uusapan niyo?” Inosenteng tanong nito, kaya naman hinarap muna siya ni Carlo.
“Hansy baby, pang matanda ang pinag-uusapan namin and don't worry about your Papa because he's okay, and could you do me one favor please, pwedeng lumabas ka muna? You can play the clay sand there.” Nakangiting tanong nito sa anak ko, dali-dali naman tumango ang anak ko sabay tayo sa higaan at karipas ng takbo palabas ng kwarto.
Nang mawala na ito sa paningin namin ay muling nagsalita si Carlo...
“Angel? Ano?” Nakakunot noo tanong nito.
“N-No... I don't know!” Naguguluhang sagot ko sa kanya, at muling bumuhos ang mga masasagana kong mga luha, bigla naman lumambot ang expression niya...
“Shhh~ ‘Wag ka ng umiyak.” Pagtahan nito sa‘kin.
“Y-You know what Carlo, I really don't know kung anong nararamdaman ko nang makita ko na may bata itong kasama at bakit ko nasabi sa‘yo ‘yun ngayon, but I assure you that I'm not jealous and it's not a big deal.” Humahagulgol kong saad sa kanya.
I know that I am being defensive right now but I don't care, basta alam ko sa sarili ko na hindi ako nagseselos at hindi rin big deal saakin ‘yun.
“I know and I'm sorry...”
“So, anong gagawin mo niyan? Paano kung magkita muli kayo?” Curious na tanong naman nito...
Bigla naman akong napaisip sa tanong nito, paano nga kung mangyayari na magkita kami muli, ano kaya ang gagawin ko?
“I don't know but I'll avoid him as soon as possible at hanggang makakaya ko, lalo na kung muli kaming magkita o aksidente kaming magkita sa isang lugar.” Serysosong saad ko sa kanya sabay punas sa mga luha ko.
“O paano ang anak mo? Paano kung kunin niya sa‘yo? I know na nag-hihinala na ‘yun na anak niya si Hansy lalo na nagkita na sila.” Tanong nito.
Dahil sa sinabi nito, tila bang nagbago ang emosyon ko, at pumalit ito ng galit.
“I know, pero kung mangyayari man na malalaman niya na anak niya si Hansy, ay hindi mangyayari ang sinasabi mo na kukunin niya ang anak ko dahil hindi ko ito ibibigay sa kanya dahil wala siyang karapatan! Kahit na magpatayan pa kami!” Galit na saad ko sa kanya.
Wala talagang karapatan ang p*tanginang lalaking ‘yun sa anak ko! Kahit magkamatayan kami, hindi ko pa rin isusuko ang anak ko sa kanya! Wala rin akong paki kung ako ang nag-iwan sa kanya, dahil in the first place ay siya ang may kasalanan kung bakit ko siya iniwan!
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...