22

3.2K 163 6
                                    

Henry’s Point of View

“Congrats, Henry! Sobrang galing mo talaga. Akalain mo ‘yun, ilang taon kayong hindi nagkikita, tapos mga ilang weeks lang ay bigla kayong nagkita, pagkatapos non ay mga ilang weeks lang din ang lumipas ay hindi ako makapaniwalang nauwi mo na pala siya sa mansion mo! Idol na talaga kita, Ry!” Masiglang saad sa‘kin ni Jerald, sabay lagok ng isang basong alak.

Hindi ko masukat ang aking sayang nararamdaman ko, at tila bang nanalo ako sa lotto dahil sa sobrang saya ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko rin akalain na ang dati kong pinapangarap lang na makasama ko na ulit si Angel ay matutupad, at may bonus pa ito, at ‘yun ang anak namin na si Hansy.

Nandito kami ngayon sa bahay ko upang mag-celebrate ng pagkapanalo ko or should I say pagpapapayag kay Angel na tumira na sila dito sa bahay. Anyway, hindi namin ginawa ang celebration na ‘to sa bahay nila Hunter at Louise dahil may final exam ang anak nila na si Sofie sa school bukas at kailangang mag-review siya para roon, hindi rin kasi sound proof ang study room at kwarto niya kaya hindi namin magawang makapag-celebrate roon, lalo na’t usually kasi roon kami nag-cecelebrate. 

10:45 PM na ng gabi, at hanggang ngayon ay umiinom pa rin kami, at mabuti nalang natutulog na rin ang anak namin ni Angel na si Hansy sa kaniyang kwarto. Anyways, buo na rin ang barkada namin ngayon sapagkat finally nandito na ulit si Jerald, mukhang na ayos na ang kanilang problema nila ni Caleb sapagkat nakakangiti at nakakatawa na rin ito na katulad ng dati. 

“Tsk! Ako pa, sinabi ko naman sa inyo na panoorin niyo lang ako at makikita niyo ang mga magagawa ko. At saka, wala naman siguro tatanggi sa charismatic look ko ‘di ba?” Nakangising saad ko sa kanila sabay tingin kay Angel na ngayon ay sobrang sama ng tingin na binibigay nito sa‘kin, tila bang mapapatay niya ako ng kahit anong oras dahil sa sobrang sama ng tingin nito, idagdag mo pa ang nakaguhit nitong ngisi sa kaniyang labi habang may hawak-hawak itong kutsilyu na ngayon ay ginagamit niyang panghiwa sa isang malaking pipino (cucumber).

‘Ano kayang problema ni Angel? May nagawa na naman ba akong kasalanan sa kaniya?’ Sari-saring mga tanong na ngayon ay umiikot sa aking isipan.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang biglang magsalita si Louise, kaya naman hinarap ko ‘to...

“Henry, ano bang ginawa mong plano at bakit sobrang bilis naman ng pag-payag ni Angel upang sumama sa‘yo?” Seryosong tanong nito habang nakakandong siya sa asawa niya na si Hunter.

“Actually, napapayag ko lang siyang sumama or should I say napapayag ko lang silang tumira dito dahil sa isang condition.” Seryosong saad ko sa kanila. Napansin ko naman ang pagkunot ng noo ni Troy, kasabay nito ang pagtanong niya...

“Anong klasing condition naman ‘yan?”

“Conditon na huwag ko munang sabihin kay Hansy ang tungkol saakin. Ang hindi pagsabi sa kaniya na ako ang tunay niyang  ama.” Saad ko sa kanila na lalong  ikinakunot ng kanilang mga noo. Tila bang hindi nila nagustuhan ang mga sinagot ko.

“Wait lang, Henry. Hindi naman hata maganda ang condition na ginawa niyo? Alam mong ikaw ang totoong ama ni Hansy at dapat niying sabihin ‘yun sa kaniya as soon as posssible dahil karapatn niyo ‘yun, ngunit mas pinili niyong hindi muna ‘to sabihin sa kaniya. Nahihibang na ba kayo? Alam niyo naman siguro na masasaktan ang bata kung patatagalin niyo pa ang sikretong ‘yan.” Mahinahong saad naman ni Louise ngunit ramdam ko sa tono nito ang tensyon.

“May point nga si Louise, Henry. At saka, okay lang ba sa‘yo? Okay lang ba sa‘yo na lokohin niyo ang sarili niyong anak? At okay lang ba sa‘yo na ganiyan muna ang set-up niyo?” Biglang tanong naman ni Philip habang nakatingin sa‘kin ng seryoso.

“Yes, alam ko naman na masasaktan siya sa huli, ngunit siguro mas masasaktan siya kung sasabihin na namin ngayon ‘di ba? At saka, si Angel naman ang nagsabi na sa susunod nalang daw namin sabihin kay Hansy ang totoo, lalo na’t naghahanda pa ‘to sa kaniyang sasabihin. And, para naman sa tanong mga tanong mo, Philip, hindi naman namin niloloko ang anak namin, s-siguro ahm mas hinahanda lang namin ang feelings niya lalo na't sobrang bata pa nito. And anyway, okay lang din naman sa‘kin ang set-up naming ganito.” Mahabang paliwanag ko sa kanila.

Alam kong napapasama na si Angel sa usapin namin ngayon. Tila si Angel na ang nagiging masama dahil nga sa ginawang condition namin, well, siguro nasasabi lang nila ang mga bagay na ‘yun sapagkat mas iniisip nila ang nararamdaman ni Hansy at ang nararamdaman ko, at saka, hindi ko rin naman makokontrol ang isip ng bawat isa sa‘min lalo na si Louise at Philip, alam kong magbibigay at magbibigay sila ng kanilang mga opinions either harsh o hindi ang mga opinyon nila, lalo na pag talagang nag-open ang bawat isa sa‘ming magbabarkada, katulad ng ngayon.

“Oo nga pala kailan niyo niyan balak sab...” Hindi ko na pinatapos pa ang sasabihin ni Hunter when I cut him off...

“Guys, wait lang. Kukuha lang ako ng alak natin.” Pagsisingualing ko sa barkada sabay tayo mula sa aking pagkakaupo at  naglakad patungo sa kusina kung nasaan si Angel ngayon.

Alam kong magiging mahaba na naman ang bangayan namin kung naituloy pa ni Hunter ang kaniyang tanong, alam ko naman kasi kung ano ang gusto niyang itanong, at ‘yun ang kailan namin sasabihin kay Hansy ang totoo? Well, kahit ako nga hindi ko alam ang sagot kung kailan, basta magdedepende nalang muna ako ngayon kay Angel kung ano pa ba ang plano niya bukod sa kondisyong ginawa namin.

Nang makarating na ako sa kusina ay napansin kong bising-bisi na ito sa pag-hihiwa sa mga sahog para sa lulutuin niya, kaya naman may naisip akong nakakalokong plano.

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa kaniyang likuran, nang makarating na ako sa likuran niya ay biglaan ko itong niyakap mula sa kaniyang likod at inamoy-amoy ang kaniyang leeg, naramdaman ko naman ang pagkagulat nito...

“Babe, ano na naman bang kasalanan ko sa‘yo, huh? Bakit sobrang sama ng tingin mo sa‘kin kanina?” Bulong ko sa tenga niya sabay himas sa kaniyang tiyan.

“Hoy, damuho! Anong mga pinagsasabi mo huh? Akala mo siguro hindi ko naririnig ‘no?! Tandaan mo, napilitan lang akong sumama sa‘yo ‘no, kaya huwag kang filingero na sumama ako sa‘yo ng kusa!” Mahinang saad nito, ngunit ramdam ko sa tono niya ang pagka-iritable na dahilan upang mapatawa ako ng mahina.

“Totoo naman ang sinasabi ko, Babe. Hindi ka ba nagwapuhan sa‘kin kaya ka sumama?”

“Henry, firstly, huwag na huwag mo akong tatawaging babe and lastly, hindi ako nagwapuhan sa‘yo kaya ako sumama, kundi condition natin ‘to.” Saad nito sabay lagay ng mga ingredients sa hot pot, ako naman ay pinagpatuloy lang aking paglanghap sa mabango nitong leeg at pagdama sa mainit nitong katawan. T*ngina! Tinitigasan ako.

“Anyway, gusto mo na bang sabihin kay Hansy ang totoo?” Biglang saad nito, na nagpatigil sa‘kin sa ginagawa ko, kasabay nito ang pagkalas sa pagkakayakap ko sa kaniya at hinarap ito ng seryoso.

“What do you mean?”

“Hindi naman sa tsismoso ako, sadiyang malakas lang talaga ang pag-babangayan niyo a while ago. Narinig ko kasi ang tungkol sa ginawa nating condition, so now, kung gusto mong sabihin kay Hansy ang totoo, pwede mo naman sabihin. At saka, I think may point naman sila.” Seryosong saad nito sabay harap sa‘kin.

“You sure?”

“Oo, naman. At saka nagmumukha akong unfair sa‘tin ‘e.” Natatawang saad nito na ikinangiti ko, kasabay nito ang pagyakap ko muli sa kaniya, niyakap naman ako nito ng pabalik.

Another achivement na naman ang nabuksan. Una ang pagpapatawad sa‘kin ni Angel dahil sa mga kasalanan ko noon sa kaniya, pangalawa ang pagpayag ni Angel na tumira sila dito sa bahay kasama ang anak namin, although alam kong napilitan sila, at ngayon naman ay pwede ko ng masabi sa anak ko ang totoo, ang totoo na ako ang ama niya.

Hindi na ako makapaghintay na tawagin niya akong daddy. Hindi daddy na alam niyang simpleng aquaitance lang, kundi bilang tunay niyang ama.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon