14

3.7K 189 4
                                    

Angel's Point of View

“Angel, kasama mo pala ang VP ng company mo, why you didn't tell me? At kailan pa?” Malamig na mga tanong sa'kin ni Carlo.

“L-Last 2 days after ng pag-uwi namin galing sa inyo ni Hansy, and sorry dahil hindi sa pag-sabi sa'yo, sasabihin ko naman talaga but nakalimutan ko lang.” Kinakabahang saad ko sa kaniya.

“Ah, kaya pala.” Simpleng saad nito. Ngunit kahit gaano pa ka-simple 'yun, ramdam ko pa rin na may iba itong tinutukoy, at 'yun ang hindi ko pagtupad sa pangako ko sa kaniya na mag-didisney marathon kami.

Nandito kami ngayon sa restaurant, pagkatapos kasi nang biglaang pagkikita namin sa daan nina Carlo, at ang anak ko na si Hansy kanina ay sabay-sabay na kaming naghanap ng makakainan, sakto rin kasi na naghahanap din ang mga ito ng makakainan dahil hindi pa sila kumakain.

Halos ang lahat ng mga restaurant dito ay nakasara and hindi ko alam why, kaya naman minabuti pa namin ang paghahanap at sakto naman ay nakahanap kami ng isa. Masasabi kong simple lang ang restaurant na 'to ngunit sobrang gaan ng atmosphere, mala-vintage ang interior design nito, and dahil nga malapit lang kami sa bukirin ng nga tubo (sugarcane) ay sobrang lamig at sarap ng hangin. Don't get me wrong people, wala kami sa probinsya, still nasa city pa rin kami, malayo nga lang ng konti.

By the way ang sitting arrangements namin ay, si Hansy and Carlo ay magkatabi, at ako naman pati si Henry ay ang magkatabi. Si Carlo ang kaharap ni Henry, ako naman ay ang anak ko na si Hansy.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang biglang may magsalita mula sa kaliwa ko; Si Henry, kaya naman hinarap ko ito...

“Angel, bakit ka humihingi ng tawad sa pastilyas na 'yan? Bakit kailangan ba lahat ng mga ginagawa mo sa buhay alam niya? Bakit asawa ka ba niya? Hindi naman 'di ba?” Sunod-sunod na tanong nito habang nakangisi, nahagip ko naman si Carlo na biglang umigting ang panga nito and his hand was already clenched, masama rin ang binibigay na tingin kay Henry.

Oh no! I hope hindi mangyari ang iniisip ko ngayon.

“Mr. Slyves...”Hindi ko naituloy ang sasabihin ko when he suddenly cut me off...

“I do have name babe, at saka I already told you na Henry ang itawag mo sa'kin pag wala tayo sa loob ng company mo.” Nakakalokong saad nito sabay harap kay Carlo habang may nakaguhit na malaking ngisi sa kaniyang labi.

I let out a heavy sigh and I rolled my eyes before I answer his question awhile ago...

“Henry look, firstly stop calling me like that, it's so uncomfortable! Secondly he do have name too kaya 'wag mo siyang tatawaging pastilyas, sa gwapo ng mukha ni Carlo, tatawagin mo siyang ganoon? Anyway, he's Carlo Kio, my bestfriend since college. Henry, Carlo, and Carlo, Henry.” Pilit ngiting saad ko habang palipat-lipat ang tingin sa kanila, nahagip ko naman na napangisi si Carlo habang nakatingin kay Henry.

“Tsk! Whatever.” Saad lang ni Henry.

“Papa, matagal pa po ba ang pagkain? I'm starving na po.” Naka-pout na saad naman sa'kin ni Hansy habang nakahawak sa kaniyang tiyan.

“Bab...” Hindi ko muli naituloy ang sasabihin ko nang biglang sumigaw ng sabay ang dalawa...

“Hey nasaan na ang mga pagkain namin?! Nagugutom na ang anak ko!/ Hoy waiter nasaan na ang mga pagkain namin?! Nagugutom na ang anak ko!” Iritableng sabay na sigaw ng mga ito na nagpakuha sa atensyon ng mga tao dito sa loob.

T*ngina! I hate this life! Gusto ko nalang mag-palamon sa lupa ngayon dahil sa hiya na kagagawan ng dalawang damuhong 'to!

Napasalamukot nalang ako sa aking mukha at tumayo sa aking pagkakaupo at hinarap ang mga tao sa loob...

“A-Ahmm everyone I am so sorry about the shout earlier, sadiyang gutom lang talaga ang mga kasama ko kaya nasabi nila 'yun, but don't mind them, kumain na kayo ulit. Sorry ulit.” Mahinahong paghingi ko ng tawad sa kanila at muling umupo...

“T*ngina mo kasi! Ikaw ang may kasalanan nito, bakit mo kasi ginaya ang sinabi ko?!” Rinig kong mahinang inis na saad ni Henry kay Carlo.

“Wow! Ako pa talaga ang nanggaya? Ikaw kaya 'tong manggagaya, at saka hindi mo anak si Hansy dahil anak ko siya!” Inis na sagot naman ni Carlo.

Grabe ang mga p*tanginang 'to! Bulungan pa talaga ang pag-babangayan nila huh?! Sobrang rinig na rinig naman!

“Henry and Carlo, stop arguing may bata.” Mahinahong pag-awat ko sa kanila, I don't wanna be mad at them dahil nakakahiya na sa mga tao na nandito.

“Bakit may katunayan ka ba na anak mo ang anak ko?! Wala naman 'di ba? Doctor ako, dumbest pastilyas!” Inis na sagot naman ni Henry.

T*ngina talaga ng mga 'to ayaw talagang patigil!

“Kahit wala akong katunayan anak ko pa rin siya! Doctor quack quack ny...” Hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin ni Carlo nang padabog kong hinampas ang mesa namin...

Blag!

Tumingin naman saakin ang mga tao na may pagtataka, ngunit wala akong paki kahit ano pang tingin ang ibigay nila, gusto ko lang mailabas ang galit ko na kanina pa gustong lumabas dahil sa dalawang damuhong ito!

“Carlo and Henry, would you please shut your f*cking mouth! Ano kayo bata? Nagbabangayan?! Kanina bigla nalang kayong sumigaw dahil sa pagkain, hindi ba pwedeng maghintay nalang tayo, at saka pwede naman natin silang paki-usapan o magtanong ng mahinahon 'di ba? Hindi na kailangan ng sigawan! Nakakahiya sa mga tao dito! Tapos naman ngayon nagbabangayan kayo! T*ngina!” Galit na sigaw ko sa kanilang dalawa, tanging gulat ang nakapinta sa kanilang mga mukha ngayon, tila bang hindi sila makapaniwala dahil sa inasal ko. Well, siguro ngayon lang nila akong nakitang ganito, pero wala na akong paki pa roon!

Mga ilang sandali pa ay sakto naman na dumating ang mga order...

“Sir, here are your ord...” Hindi ko na pinatuloy pa ang sasabihin ng waiter at tumayo na ako sa pagkakaupo...

“Hansy, let's go home. I already lose my appetite. Sa bahay nalang tayo kakain, at pagluluto nalang kita ng favorite meal mo.” Nakangiting saad ko sa anak ko na agad niya naman ikinatango kasabay nito ang pag-tayo niya galing sa pag-kakaupo at lumapit saakin.

“Wait uuwi na kayo? Hindi pa nga natin nakakain ang mga inorder natin.” Takang saad ni Carlo sa'kin habang nilalantakan ang mga pagkain na inihahapag ng waiter.

“Kung uuwi na kayo, ihahatid ko na kayo.” Saad naman ni Henry, at nagbabadiyang tumayo.

“No need, dito nalang kayo, mag-pakasasa at mag-pakabusog sa mga pagkain. 'Di ba gutom na gutom kayo? Kaya nga napasigaw pa kayo kanina, at nag-away. Anyway, we'll going now.” Sarkistong saad ko sa kanila sabay alis sa mesang 'yun habang hawak-hawak ang kaliwang kamay ng anak ko.

“I hate this day! I hate this! My mood was already ruined dahil lang sa dalawang damuhong 'yun!”

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon