10

4.5K 191 8
                                    

Henry’s Point of View

“Sure ka ba sa mga sinasabi mo Henry? Kasi kung hindi naman, ‘wag ka muna sanang mag-jump sa conclusion at mag-overthink, dahil lalo mong ikasasakit ‘yan.” Mahinahong saad sa‘kin ni Hunter na mula sa gilid ko, kaya naman hinarap ko ito at tinapunan ng nakakamatay na tingin...

“F*ck you! Ano ako? Sinungaling? Alam niyo naman na isa lang ang salita ko, at hindi ko sasabihin ‘yun kung hindi ako sure, kaya naman sure na sure na ako sa mga sinabi ko Hunter, dahil kitang-kita ng dalawang mata ko kung paano sila mag-lambingan sa harap ng bahay ng p*tanginang pastilyas na ‘yun!” Galit na sigaw ko sa kanya sabay tunggang muli sa isang basong alak.

—Flashback—

I was driving pauwi sa bahay dahil galing ako sa kumapanya, may mga inasikasong papeles lang na kailangang gawin. Anyway, bigla akong napahinto sa pagmamamaneho nang bigla kong mahagip ang hinahanap ko sa harap ng isang mansyon dito sa dinadaanan ko; si Angel Smith, ang asawa ko, kasama rin nito ang anak niya na si Hansy.

“Angel dito lang kayo nakatira?” Mahinang tanong ko sa sarili ko.

Halos araw-araw na kasi akong dumadaan dito galing sa trabaho, at sa araw-araw na pagdaan ko ay dito ko lang pala mahahanap ang hinahanap ko.

Habang tinititigan ko sila, ay mukhang aalis ang mga ito, sapagkat may dala-dalang mga bagahe ang mga ‘to. Mga ilang saglit pa ay biglang napakunot ang aking noo nang may nahagip din akong isang tao, kaya naman lalo ko itong pinaka-titigan, at nang makita ko na ang mukha nito ay bigla akong napamura sa sarili ko, sapagkat ang taong ito ay walang iba kundi ang p*tanginang pastilyas.

“F*ck!”

Oo, tinawag ko siyang pastilyas kasi sobrang puti niya, at chinito pa, tila bang may lahi ito, at saka I don't know his name kaya ‘yun ang itatawag ko sa kanya. Gwapo rin ito, pero kahit na ganoon, mas gwapo pa rin ako sa kanya.

“T*ngina! Hanggang ngayon kasama niya pa ang asawa ko?!” Galit na saad ko sabay suntok sa steering wheel ng kotse ko.

Pinaka-titigan ko ang mga ito, at sobrang sweet nila. Puro tawa rin si Angel, tila bang kinikilig ito sa mga sinasabi ng pastilyas na ‘yun.

Tsk! ‘Di hamak na mas magaling pa ako sa kanya, si Angel nga dati, pag sinisimulan ko palang ang pag-babanat sa kanya, ay agad na itong namamalipit sa kilig.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang biglang may dumating na kotse sa harap ng mansyon, at mukhang Uber ito. I think aalis na ang mga ‘to, ngunit bigla naman napakunot ang aking noo at kasabay nito ang pagtataka nang bigla kong marealize na kung aalis sina Angel and Hansy sa bahay na ‘to ay it means na hindi nila bahay ang mansyon na kinaroroonan nila ngayon. And kung hindi siguro ako nagkakamali, sa p*tanginang pastilyas ang bahay na ‘to? Or maybe, live-in na sila...

“F*ck! Hindi maari! Dahil ako lang ang natatanging asawa ni Angel! Only me!” May diin kong saad habang mahigpit na nakahawak sa steering wheel, ngunit lalo akong napahawak ng mahigpit sa steering wheel ng dahil sa galit nang makita ko ang sumunod na nangyari, dahil biglang hinalikan ng p*tanginang pastilyas na ‘yun ang asawa ko sa pisngi!

“T*ngina niyo!” Galit na saad ko, ngunit may parte sa puso ko na tila bang nasaktan sa nakita ko.

Mga ilang sandali pa ay pumasok na sa kotse ang anak niya na si Hansy, tapos si Angel naman ay kinakausap pa ang pastilyas, mukhang nag-papaalam na ito.

Ilang saglit pa ay pumasok na rin si Angel sa kotse, at pinagsara pa ng pinto ang pastilyas, kasabay nito ang pag-alis nila, kaya naman sinimulan ko na rin buksan ang makina ng kotse ko. Nahagip ko naman ang pastilyas na napatingin sa kinaroroonan ko at binibigyan ako nito ng pagtataka at suspicious na tingin, dahil siguro sa biglaang pag-bukas ng makina ng kotse ko, but anyway, wala na akong paki pa roon, kaya naman agad ko ng pina-andar ang kotse ko at sinundan ang daan kung saan patungo sina Angel...

“Humanda ka sweetie, dahil paparating na ako, I just need to clarify something!”

—End of Flashback—

“That’s not what I meant Henry, ang sinasabi ko lang ay ‘wag ka muna sanang mag-jump sa conclusion, dahil baka malay mo, magkaibigan lang pala sila.” Saad nito na dahilan upang matawa ako ng mapait...

“I know Hunter, but hindi ako naniniwala sa mag kaibigan lang sila. Kaibigan? Hinahalikan?!” Natatawang saad ko.

“Tsk! Wala naman masama roon, masyado ka kasing ma malisya, tayo nga noon nag-wawanking pa ng sabay sabay, may malisya ba? Wala naman ‘di ba.” Mahinahong saad pa rin nito.

“Mag-kaiba ang situation Hunter, lalaki tayong lahat na nagmamahal ng mga magagandang gay! O sila? Angel was gay, and he was beautiful as flower, at ‘yung pastilyas na ‘yun ay kagaya natin!” May diin na saad ko sa kanya.

Pagkatapos ng pagtatalo namin ay hindi na muli ito nag-salita, bagkus ay uminom nalang kami ng tahimik. Tanging bote ng alak, baso, at ang alak lang na iniinom namin ang gumagawa ng ingay.

Anyway, nandito kami ngayon sa bahay niya. Well, ano pa bang gagawin? Edi iinom, para kahit konti man lang ay mawala ang sakit na nadarama ko ngayon. Mabuti nga wala sina Louise at ang dalawang ang anak nila ngayon sa bahay upang pumunta kina Ashley at Leo upang mag-bonding, dahil kung hindi, hindi kami makaka-inom ngayon ni Hunter dahil sagradong ipinag-babawal ni Louise ang uminom sa bahay nila, dahil nga nangangamoy nga raw ang alak.

It's already 9:30 pm, and still umiinom pa rin kami. Kami lang ni Hunter ang umiinom ngayon, hindi kasi pwede ang barkada. Si Troy and Philip, ay may pinuntahan sila, at importante raw ‘yun, humingi pa nga sila ng pasensya dahil wala sila ngayon sa side ko para damayan ako, ngunit sabi ko naman sa kanila ay okay lang, dahil alam ko naman na hindi sa lahat ng problema, ay palagi silang na riyan. At saka alam naman natin sa sarili natin na meron din silang mga personal problems at inaasikaso. Anyway, si Jerald naman hindi rin daw ito makakapunta dahil inaayos niya ang relasyon nila ni Caleb, hindi ko lang alam kung anong klasing ayos pa ang aayusin niya sa relasyon nila dahil sobrang ayos naman nito, tila bang perpekto na nga ang relasyon nila; pero nagkamali ako roon.

Mga ilang sandali pa ay bigla akong napatingin kay Hunter nang bigla itong magsalita...

“Anyway, nahanap mo na ba ang location ni Angel?” Tanong nito.

“Yes.”

“So, what's your plan now?” Biglang tanong naman muli saakin ni Hunter.

“Well, I do have a plan now, but hindi ko muna ito sasabihin sa inyo, just wait and see.” Nakangising saad ko sa kanya.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon