Angel’s Point of View
“Angel, bibili lang ako ng pagkain natin, ah? Para sana may makain na tayo, gutom na gutom na rin kasi ako, ‘e. 12:35 PM na wala pa si Henry, akala ko pa naman darating siya ng maaga. Anyway, may gusto ka bang ipabiling pagkain or something you like, na mabibili ko?” Nakangiting saad sa‘kin ni Louise habang inaayos niya ang kaniyang bag.
“Ayaw kong kumain, Louise, ikaw nalang. At wala rin akong pabibili, wala pa kasi ako gana at busog pa ako.” Monotonous kong saad sa kaniya, narinig ko naman ‘tong napabuntong hininga.
“Angel, look. Paano mo masusubaybayan at mababantayan ang anak mo kung pati ikaw ay magkakasakit? Mag-isip ka nga, Angel. Alam kong nagdudusa ka ngayon dahil sa nangyari sa anak mo o niyo ni Henry, but please, Angel, alagaan mo rin sana ang sarili mo kagaya ng pag-alaga mo sa anak mo.” Mahabang sermon na naman nito, ngunit hindi ko nalang ‘to pinansin bagkus tinuon ko nalang ang aking pansin sa anak ko na mapasahanggang ngayon ay wala pa ring malay.
“Bahala ka nga sa buhay mo, basta pagkabalik ko rito ay kailangan mong kumain, whether you like it or not. Nagsasalita ako hindi bilang isang kaibigan, Angel, kundi bilang isang kapatid.” Huling saad nito’t narinig ko nalang ang pagbukas at pagsara ng pinto.
Napabuntong hininga na lamang ako dahil sa ginawang pag-asal nito.
Habang pinagmamasdan ko si Hansy ay hindi ko maiwasan ang sarili kong mapa-iyak muli. Dalawang araw na ngunit mapasahanggang ngayon ay wala pa ring pagbabago sa kaniyang kalagayan, still under coma pa rin ‘to.
Ang mga sugat at galos naman nito sa kaniyang katawan ay nag-hihilom na, nakabenda rin ang kaniyang ulo sapagkat meron din daw ‘tong natamong sugat mula sa aksidente.
Sobrang dami rin ang mga nakasasak na kung ano-ano sa anak namin na tila ang mga bagay nalang na ito ang nagbibigay buhay sa anak namin, ngunit kahit na ganoon sobrang laki pa rin ng pasalamat ko dahil hindi siya natuluyan, dahil kung hindi, baka hindi ko kakayanin. Malaki rin ang pasasalamat ko kay Henry sapagkat ang trabaho nito ay nakatuon lang sa anak namin.
“Pagaling ka, baby, ah. Pagaling ka para sa‘min ng Daddy mo.” Nakangiti kong bulong sa kaniya habang umiiyak.
Napapunas naman ako sa mga kumalat na luha sa aking mukha nang marinig kong bumukas ang pinto.
“Bakit sobrang bilis mo naman, Louise? May naiwan ka bang gamit, huh?” Sumisinghot kong tanong sa kaniya habang pinupunasan pa ang mga luhang kumalat sa aking mukha’t mata.
“Louise?” Tanong kong muli, ngunit hindi ako nito sinagot, kaya naman agad ko ‘tong hinarap.
Ngunit pagharap ko ay nagulat nalang ako bigla at the same time ay napaatras sa pagkakaupo nang makita ko kung sino ‘to, dahil hindi pala si Louise ang kinakausap ko, kundi si Carlo.
Blanko ‘tong nakatingin sa‘kin, deretso rin sa mata ko ang tingin nito. Hindi ko alam kung bakit? Pero bigla nalang ako nakaramadam ng kaba.
“C-Carlo, a-anong ginagawa mo rito?”
“Angel, kumusta kana?” Tanong nito habang naglalakad ng mabagal patungo sa kinaroroonan ko, nilibot din nito ang kaniyang mga mata sa loob ng room namin.
“C-Carlo, okay lang ako. P-Papaano ka n-nakapasok dito?” Kinakabahang tanong ko sa kaniya, bigla naman ‘tong napatingin muli sa‘kin kasabay nito ang kaniyang pag-ngisi na dahilan upang lalo akong kabahan.
“Bakit naman ganiyan ang tanong mo sa‘kin, Angel? Kaibigan mo ako ‘di ba? Bawal bang bisitahin si Hansy?” Nakangising saad nito at naglakad patungo sa kaliwang gilid ni Hansy, nasa kanang gilid kasi ako naka-upo, ‘e.
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...