35

2.7K 120 4
                                    

Angel’s Point of View

“Dr. Pj, kumusta naman po siya? Okay lang po ba siya? Gagaling pa po ba siya? Kailan po niyan siya magigising?” Nag-aalalang mga tanong ko sa kaniya, bigla naman ‘tong napatawa ng mahina sabay hawak sa‘king balikat.

“Angel, calm down. ‘Wag ka nang mag-alala sa kaniya dahil ligtas na siya, okay? And magigising na rin siya mga mayamaya lang. Mabuti nalang ay agad niyong sinabi sa‘kin dahil kung hindi ay may posibilidad na mamatay siya, lalo na’t sobrang daming dugo ang nawala sa kaniya, kaya naman maraming salamat!” Nakangiti’t mahabang paliwanag nito na sobrang nagpaginhawa sa‘kin, tila bang nawala ang malaking tinik na nakabara sa dibdib ko.

Mabuti naman ganoon ang nangyari, dahil kung hindi, baka hindi ako tantanan ng konsensya ko kung mamatay siya. Lalo na’t sobrang babaw lang ng aking konsensya, nakagawa lang ako ng mali ay nakokonsensya na ako, kaya naman laking pasasalamat ko na hindi siya natuluyan.

“Maraming salamat po, Dr. Pj!”

“Nah, don’t mention it. Tungkulin ko naman ‘yun, kaya naman kailangan kong gampanin. At saka boss kaya kita, kaya naman walang problema.” Masayang saad nito sabay gulo sa‘king buhok na dahilan upang mapatawa ako ng mahina.

Naku, kung wala lang akong Henry ngayon, baka lumandi na ako kay Dr. Pj. Sobrang bait at malalahanin kasi nito, tapos bonus pa ang gwapo niyang mukha at mala-greek god niyang katawan, pero too bad, meron na akong Henry at sapat na siya sa‘kin.

“Oo nga po pala, Dr. Pj, kumusta naman po pala ang kondisyon ng anak ko?”

“Well, okay naman na siya. Pero under coma pa rin siya, pero sobrang dami ng mga progress ang nangyayari sa kaniya now, kaya naman may posibilidad na magising na siya next week.” May galak na saad nito na dahilan upang mapangiti ako ng maluwalas sabay yakap sa kaniya.

Napansin ko naman na nagulat ‘to sa ginawang pagyakap ko sa kaniya, pero kalaunan ay niyakap din ako nito ng pabalik.

“Maraming, maraming salamat po, Dr. Pj!” Nakangiti kong pagpapasalamat sa kaniya sabay kalas ng yakap.

“No problem, Angel. Anyway, gotta go now, may appointment pa kasi ako, ‘e.” Paalam naman nito na dali-dali ko naman tinanguan.

Pagkatapos ay naglakad na siya paalis sa kinaroroonan namin ngayon. Ako naman ay naglakad na rin patungo sa room ni Hansy.

Nang makarating na ako sa harap ng room ay agad akong pinagbuksan ng mga tao ni Hunter. Pinatay kasi ng Anonymous na ‘yun ang mga tao ni Henry na dahilan upang makapasok ito kanina, at dahil nga ayaw ko munang istorbohin si Henry sapagkat marami niyang inaasikaso, ay si Louise nalang ang tumawag sa kaniyang asawa upang mag-utos ng kaniyang mga tauhan na pumunta rito upang bantayin kami, na sobrang pinasasalamat ko.

Pumasok na ako sa loob ng room bumungad naman sa‘kin si Louise...

“Papunta raw dito si Henry, sinabi ko na rin sa kaniya ang lahat ng mga nangyari kanina. And he was thankful because walang nasaktan sa‘ting tatlo and one more thing, tumawag na rin siya ng mga pulis upang ipakulong si Spencer.” Monotonous na saad nito sabay upo sa sofa, ako naman ay pinuntahan ‘to sa kaniyang kinaroroonan at umupo rin.

“Mabuti naman kung ganoon. At saka alam mo pala ang totoong pangalan ng Anonymous na ‘yun, bakit hindi mo binaggit sa‘kin kanina?” Tanong ko sa kaniya na dahilan upang mapatingin ‘to sa‘kin.

“Sinabi lang sa‘kin kaninang tumawag sa cellphone mo si Henry, at si Carlo mismo ang nagsabi sa kaniya kung anong name niya. Si Henry na ang magpapaliwanag sa‘yo mamayang dumating siya rito. And anyway, uuwi muna ako pagkarating niya, hinahanap na kasi ako ni Jacob, palagi raw ‘tong umiiyak sabi sa‘kin ni Hunter.”

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon