Angel’s Point of View
“Angel, can we talk?” Mahina’t seryosong rinig kong saad ni Louise na nagpakuha ng attention sa‘kin, kaya naman itinigil ko muna ang aking pagluluto para sa breakfast namin at hinarap ‘to.
“Anong pag-uusapan natin? Kung ang pag-uusapan natin ay ang tungkol sa anak ko na si Hansy na hindi pag-sabi kay Henry, ay ‘wag na nating pag-usapan pa sapagkat na-ayos na rin naman, dahil alam na ni Henry ang tungkol kay Hansy.” Monotonous kong saad sa kaniya at binalik muli ang aking attention sa pagluluto.
“Angel, I know na galit ka pa sa‘kin dahil sa mga sinabi ko sa‘yo noon, pero sana naman ‘wag mong masamain ang mga sinasabi ko dahil tama naman ang mga ‘yun, at saka dapat maging fair ka sa feeling ni Henry, dahil nasasaktan din siya.” Rinig kong saad nito na sobrang nagpakulo sa dugo ko, kaya naman inihina ko ang apoy ng stove at muli itong hinarap.
“Wow, Louise, coming from you! Sinabi ko na sa‘yo noon pa na may dahilan ang pagtago ko sa anak ko mula sa kaniya, dahil hindi ko naman gagawin ang pagtatagong ‘yun kung hindi niya ako g*nago! At saka ikaw, ginawa mo rin naman ang ginawa ko ah, pero ang pagkakaiba lang ay mag-kaiba tayo ng sitwasyon!” Mahina ngunit galit kong saad sa kaniya, ayoko naman kasing marinig ng barkada mula sa sala ang pag-aaway namin ‘no.
“At saka, Louise, heto ang pakakantandaan mo, hindi ako naging unfair kay Henry dahil pareho lang kaming gumawa ng condition, at ako ang nasaktan dito Louise, hindi siya. Ako!” Dagdag ko pa habang tinitignan ‘to ng masama, bigla naman ‘tong napatawa na tila bang isang demoniyo.
“Ikaw? Oo sabihin na natin ikaw ang nasaktan, Angel, pero hindi mo ba naisip na nasaktan din si Henry dahil sa ginawang pag-iwan mo sa kaniya? Alam naman natin na sinabi na sa‘yo ni Claire ang totoong nangyari sa nakita mo noon, at ang mga iniisip mo kay Henry ay kabaliktaran lang, kaya naman mas nasaktan si Henry kaysa sa‘yo!” Galit na saad nito.
Hindi ko alam kung anong pinupunto ni Louise pag nag-aaway kami? Ano pa bang pakialam niya kung nangyari sa relasyon namin ni Henry noon? Hindi niya ba alam ang salitang privacy at don't mind someone's business?
Anyway, nandito kami ngayon sa kusina upang ituloy na ang pagluluto ko sa almusal namin. Ang barkada naman ay nasa sala, at mukhang nag-uusap ang nga ito ukol sa mga text messages na death threat na sinend saamin kanina.
“Siguro, Louise, kung ikaw ang nasa sitwasyon ko noon ay mararamdaman mo ang sakit na nararamdaman ko. Hindi naman natin alam lahat kung ano ang totoong nangyari noon, kaya ganoon talaga ang iisipin ko.” Simpleng saad ko sa kaniya, kasabay nito ang pag-pokus kong muli sa‘king pagluluto.
“Malamang sa malamang na ganiyan talaga ang iisipin mo! Hindi ka naman kaya nakinig sa paliwanag niya, bagkus ay lumayo’t nagtago ka sa kaniya!”
“Ewan ko sa‘yo, Louise, ikaw na bahala kung anong isipin mo.” Saad ko sa kaniya at hindi na ‘to pinansin, bagkus ay tinapos ko nalang ang aking pagluluto dahil malapit na rin ang oras upang makapag-almusal kami.
Pagkatapos ko rin sabihin ang mga katagang ‘yun ay hindi na rin ‘to nagsalita pero ramdam ko pa rin ang presensya nito sa gilid ko.
Habang hinahanda ko na ang mga kakainin sapagkat natapos na rin ang aking pagluluto ay may narinig akong tumatawa ng mahina, kaya naman napatingin ako kay Louise na ngayon ay tawang-tawa, kaya naman biglang napakunot ang noo’t napataas ang kilay ko sa kaniya.
“Angel, It's a prank!” Masiglang sigaw nito na sobrang nagpakunot ng noo sa‘kin.
“What do you mean?”
“Actually, hindi naman talaga kita aawayin ‘e, kundi sinusubukan lang kita kung anong mga isasagot mo sa‘kin. At saka ang intention ko talaga ay humingi ng sorry sa‘yo about sa pag-uusap natin noon sa company mo, you know sobrang mali ko kasi, dapat talaga hindi ako nakekelam sa mga ganiyang bagay. I'm so sorry, Angel, I hope you'll give a second chance...” Mahinahong saad nito at ramdam ko sa tono nito na sincere siya, kaya naman bigla akong napangiti sa sinabi nito.
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...