3

7.2K 305 5
                                    

Henry's Point of View

“Ano?! Tutulad ka rin ba kay Hunter noon?! ‘Yung palagi nalang kayong nakatunganga at ang iisa lang ang goal niyo. At ang goal na ‘yun ay mahanap ang mga asawa niyo!” Galit na sigaw sa‘kin ni Philip, ngunit hindi ko lang ito pinansin at pinagpatuloy lang ang pagyuko.

Nandito kami ngayon sa bahay ni Hunter sa sala, at kaming magbabarkada lang ang nandito, wala si Louise dahil may pinuntahan daw, wala rin ang dalawang anak nila na sina Sofie at Jacob. Anyway, nandito kami dahil gusto lang namin.

“Wait what?! Bakit pati ako nadamay sa situation na ‘to?!” Rinig kong iritableng saad ni Hunter kay Philip.

“Hindi kita dinadamay, sinasabi ko lang. Ganitong - ganito ka kasi noon.” Mahinahong saad ni Philip kay Hunter.

“Alam mo Ry, instead na magtunganga ka diyan, bakit hindi mo nalang baguhin ang sarili mo? Look at yourself on the mirror, sobrang laki ng pinagbago mo, dati sobrang active mo sa gym at sa health mo, but when Angel came out in your life, parang nawala ang lahat ng ‘yun.” Mahinahong saad nito sa‘kin.

“I-I know, but hindi pa ito ang tamang oras para baguhin ko ang sarili ko.” Mahinang saad ko habang nakayuko pa rin.

“What the f*ck Ry?! Hindi pa ang tamang oras? So kailan ang tamang oras Ry? At saka naririnig mo ba ang sarili mo? You know what, paano ka magugustuhan ulit ni Angel if ever man na magkikita kayo kung ganiyan ang itsura mo? Nakakaawa ka Ry. Parehong - pareho kayo ni Hunter, sobrang tigas ng mga ulo niyo!” Galit na sigaw nito.

Tila bang uminit ang ulo ka sa mga binitawan niyang mga  kataga, kaya naman bigla akong napatayo sa kinauupuan ko at hindi ko namalayan na nasuntok ko na pala si Philip na dahilan para matumba ito sa sahig. Dali - dali naman na pinuntahan ng mga barkada si Philip upang itayo ito.

“Oo na! And please, stop comparing us, hindi kami pareho!” Galit na sigaw ko sa kanya.

Nang matayo na ito ng mga barkada, ay bigla kaming nagtaka dahil bigla lang itong tumawa...

“Pareho nga talaga kayo! Pare - parehas kayo! Kayo na nga ang tinutulungan, kayo pa ang may ganang magalit!” Natatawang sigaw nito saakin, ngunit alam ko rin na pinapatamaan niya rin si Hunter.

“Wait lang bro, bakit palagi nalang akong nadadamay sa situation na ‘to? I know na ganito rin ang ginawa ko noon pero sana, hindi mo na pinapaalala pa. Nanunumbat ka ba sa mga ginawa mo?” Naguguluhang tanong ni Hunter kay Philip. Ramdam ko sa tono ni Hunter na napupuno na rin ito dahil sa mga sinabi ni Philip saamin.

“Hunter, calm down. Hindi niya naman sinusumbat ang mga ginawa niya sa‘yo, I think ang point niya lang ay dapat hindi ka na gayahin pa ni Henry, lalo na pareho kayo ng situation.” Mahinahong saad naman ni Troy kay Hunter.

“Guys! Please stop na ang away na ‘to, dahil wala rin naman mangyayari kung mag-aaway kayo. And please calm down, ‘wag puro galit at kamao ang pairalin; pairalin niyo rin ang mga isip niyo.” Pagsabat naman ni Jerald at inalalayan si Philip upang maupo sa sofa, umupo na rin kami ni Hunter sa dalawang single sofa at tinikom ang mga bibig namin.

Well, Jerald has a point. Kung tutuosin nga ako o kami pa ang magpasalamat sa kay Philip dahil sa ginagawa niya saamin.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang biglang magsalita si Hunter, kaya naman sabay sabay kaming napatingin sa kanya...

“O-Okay Philip. I just want to say sorry dahil sa mga sinabi ko, I know you just want to help Henry dahil sa situation niya ngayon. And I'm sorry dahil minasama ko ang mga sinabi mo.” Mahinahong saad nito, nahagip ko naman napangiti si Jerald, Troy, at Philip.

“Nah, it's okay bro. Sa una palang naman ako na ang mali dahil pinagkumapara ko kayo ni Ry at the same time nakapagtapon din ako ng mga masasakit na sali...” Hindi ko pinatuloy ang sasabihin nito nang bigla akong magsalita.

“Nah Philip, wala kang nagawang mali at kung may nasabi ka man saamin na masasakit na salita, ay deserve namin ‘yun. Kagaya nga ng sinabi ni Hunter kanina, alam ko na tinutulungan mo lang akong makarecover sa situation ko ngayon and I really appreciated it, kaya naman nagpapasalamat ako ng marami sa ‘yo at sa inyo. Thank you! And I realized that tama nga sinabi mo, from now on babaguhin ko na ang sarili ko, dapat maging handa ako sa pagdating ni Angel.” Nakangiting saad sa kanya.

“That’s great!”

“‘Yan dapat ganiyan, palaging peace, ilang years na tayong magkakaibigan at pamilya na ang turingan natin dito, kaya sana wala ng away na magaganap.” Masayang saad naman ni Jerald.

Mga ilang sandali pa ay sabay sabay kaming napatingin sa pinto nang bigla bumukas at inluwa nito si Louise, kaya naman dali - daling tumayo si Hunter at sinalubong ang asawa niya...

“Sweetie, kumusta ka? Kumain kana ba?” Malambing na saad ni Hunter kay Louise sabay bigay ng smack na halik sa kanya, umiwas naman ako ng tingin sa lambingan nilang dalawa, dahil habang tinitigan ko ang mga ito ay parang lalo lang akong naiingit.

‘I wonder kung hanggang ngayon ay nandito pa rin si Angel, magiging ganoon din kaya kami ka-sweet?’ Tanong ko sa isip ko.

Mga ilang sandali pa ay nabalik ako sa ulirat nang biglang sumigaw si Hunter, kaya naman napatingin ako sa gawi nila...

“Louise!” Pagtawag sa asawa nito, tila bang nabalik sa ulirat si Louise dahil sa pagsigaw ng asawa niya.

“What?! Bakit ka sumigaw?!” Iritableng tanong nito.

“Kanina pa kasi kita tinatawag, ano napuntahan mo ba ang pinupuntahan mo?” Takang tanong ni Hunter sa asawa niya, bigla naman akong nagtaka sa tinanong ni Hunter sa asawa niya.

Ano kaya ang ibig niyang sabihin?

“Ahhmmm... N-No! H-Hindi pa!” Sagot naman ni Louise kay Hunter, ngunit may kakaiba akong nararamdaman sa sagot nito. Tila bang hindi talaga ‘yun ang dapat niyang isagot.

“Anyway Henry, may itatanong sana ako.” Biglang pagtawag pansin naman ni Troy sa‘kin, kaya naman tinignan ko ito.

“Curious lang ako, kasi ‘di ba, it's been four years simula nang mawala si Angel sa buhay mo at hanggang ngayon hindi mo pa rin sinasabi saamin ang dahilan kung bakit ka niya iniwan. Pwede mo bang sabihin saamin?” Tanong nito sa‘kin.

Bigla naman akong nagulat sa tanong nito, kasi naman, sa lahat ng dapat itanong, bakit ang tanong pa na ‘yun ang dapat niyang tanungin?

Sasabihin ko na ba ang totoo? Alam kong apat na taon ko ng itinatago ito, ngunit parang hindi pa ako handang ibunyag ito, dahil I know na magagalit sila sa‘kin, and ayaw kong mangyari ‘yun.

“I...” Hindi ko naituloy ang sasabihin ko nang biglang magsalita si Louise, kaya naman napatingin kaming lahat sa kanya...

“Ahmm... Kahit ‘wag mo munang sabihin Henry, okay lang, hindi ka namin pipilitin na sabihin saamin because we understand.” Saad nito.

Parang nabunutan naman ako ng isang malaking tinik mula sa dibdib nang biglang banggitin ‘yun ni Louise. Tila bang nakahinga ako nang maluwag dahil sa sinabi nito.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon