4

6.7K 244 3
                                    

Angel’s Point of View

“I-I thought Louise is a good friend, at ang dahilan ng pagpunta niya kanina ay para kumustahin ako, at tama ako doon. Ngunit bakit tinanong niya pa ang mga ganoong bagay na hindi niya alam na ikasasakit ko, at tila bang ako pa ang nagmumukhang mali o masama dahil sa ginawa kong pag-iwan kay Henry noon at sa ginawa kong pagtago sa anak namin na si Hansy.” Umiiyak na saad ko kay Carlo sabay tunga sa isang baso ng alak.

“Shhhh~ It's okay Gel, alam mo sa sarili mo na mabait or should I say mabuting kaibigan si Louise, at saka nasabi niya lang siguro ang mga ganoong bagay sa kadahilanang hindi niya pa alam ang mga nangyari noon sa inyo ni Henry.” Mahinahong pagtahan naman nito saakin habang hinihimas ang likod ko.

Nandito kami ngayon sa isang sikat na pub, I guess. Para kasing sikat ang pub na ‘to dahil nakakamangha ang loob nito, parang naka - VIP class ka dahil sa mga design ng loob, pinaghalong gray, brown, white ang kulay at hinaluan pa ng mga wooden at brick design ang wall nito. Parang modern pub I think.  Anyway, I don't know kung anong name ng pub na ito, sadiyang napunta lang ako dito dahil siguro sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko kanina.

Oo nga pala, kasama ko ngayon si Carlo Kio, ang kaibigan ko. He's my bestfriend simula nang pumasok ako sa College. He's already 27 years old bata ng isang taon kay Henry, anyway kahit ganoon na ang edad ni Carlo, sobrang gwapo niya pa rin dahil half Chinese and Filipino siya, he's Mom was Filipino and he's Dad was Chinese, at  idagdag mo pa ang pagka-masculine ng katawan nito, but aside from his charismatic look, wala pa siyang nagiging girlfriend and I don't know why.

One more thing, actually dapat hindi ko kasama ngayon si Carlo dahil sobrang tagal na naming walang communication and ang pagkakaalam ko nasa state na siya with his Mom and Dad, but when I run away from Henry, bigla nalang siyang lumitaw na parang mushroom. Then again, naging close kami ulit.

“Kahit na Carlo! Dapat kung kukumustahin niya lang ako, dapat kumustahan lang, wala ng mga investigation o mga tanong pang dapat sabihin. Tapos nang makita niya pa ang anak ko na si Hansy, ay sobra ang galit na ibinuhos niya sa‘kin!” Humahagulgol kong saad sa kanya, tila bang naalala ko muli ang mga binitawang mga masasakit na salita sa‘kin ni Louise.

“Shhh~ stop crying, baka pumangit ka pa niyan. You know what Angel, I think nagulat lang siya na may anak ka na.” Pagtatahan muli nito, hinarap ko naman ito sabay punas sa mga luha kong kumalat sa‘king mukha.

“Anong nagulat? Hindi nga siya nagulat dahil noon pa lang ay alam niya na may anak kami ni Henry, at si Henry pa mismo ang nagsabi sa kanila na may anak kami!” Iritableng saad ko sa kanya.

Bigla naman kumunot at tumaas ang isang kilay nito, halatang naguguluhan sa sinabi ko...

“Wait what?! How did they know?” Naguguluhang tanong nito, bigla naman kumunot ang noo ko sa sinabi nito.

“Seriously Carlo? Are dumb or deaf? Kakasabi ko palang na si Henry mismo ang  nagsabi, tapos itatanong mo pa na bakit nila nalaman.” Sarkistong saad ko sa kanya at muling tumungga ng isang basong alak.

“Tsk! You're so mean.” Nakasibangot na saad nito, ngunit hindi ko na pinansin pa ‘yun at muling humingi ng alak sa bartender...

“Hey, kindly give me one more glass of vodka please.” Nakangiting saad ko sa bartender.

“Noted sir.” Nakangiting saad naman nito at sinimulan na ang pagkuha sa alak na hinihingi ko, mga ilang sandali pa ay binigay na rin ang alak na hinihingi ko.

“Here Sir, enjoy!” Husky na saad nito sabay winked, ngunit hindi ko na pinansin pa ‘yun, dahil I already knew that old trick, kaya naman nagpasalamat nalang ako sa kanya.

Habang ninanamnam ko ang alak na iniinom ko ay biglang nagsalita si Carlo mula sa gilid ko...

“Anyway, what's your plan now?” Biglang tanong nito, kaya naman hinarap ko ito ng nakakunot ang noo.

“What do you mean? What kind of plan? Bakit ako gagawa ng plano?” Naguguluhang tanong ko sa kanya but instead of answering my question he just rolled his eyes and look at me like ‘What the f*ck?!’

“What do you mean kasi? Arte mo! May pa-roll-roll eyes ka pang nalalaman, I rolyo ko ng deretso mga eyeballs mo, gusto mo? Tsk!” Inis kong saad sa kanya.

“Tsk! I mean, ‘di ba nalaman na ni Louise na nandito ka sa Pilipinas at sa sariling company mo ka lang nagtatrabaho, tapos nalaman pa niya ang pangalan ng anak mo na si Hansy, kaya naman panigurado niyan na sasabihin niya lahat ang mga nalaman niya sa ‘yo sa asawa niya na si Hunter, tapos si Hunter naman ay sasabihin niya kay Henry. Then after Henry do know your location at ang tungkol sa bata which is ang anak niyo, panigurado ako na gagawa na ‘yun ng plano o paraan para makuha ka, ang bata o kayong dalawa.” Seryoso’t mahabang paliwanag nito saakin.

Bigla naman akong napaisip sa sinabi nito, well, he has a point but I think ‘di naman siguro mangyayari ang ganoong pangyayari.

“Actually ‘di naman siguro mangyayari ang mga sinasabi mo, lalo na knowing Louise ay may consideration ‘yun pagdating sa mga ganitong situation.” Mahinahon kong saad sa kanya, ngunit parang hindi ito kumbinsido sa sinabi ko...

“Sana nga na hindi niya sasabihin at sana nga may consideration ‘yun, hindi mo alam Angel. Hindi mo alam ang mga umiikot sa ulo ng mga tao. Nowadays Angel, you can't trust anyone kahit sobrang tagal niyo ng magkakilala.” Saad nito habang nakatingin sa mga mata ko ng seryoso.

“Like you?” Biglang saad ko sa kanya, I don't know kung bakit ko nasabi ang katagang ’yun, tila bang lumabas lang ito ng kusa sa bibig ko.

“Tsk! No, excluding na ako doon, at saka alam mo naman kung sino ako. And one more thing Angel, I promise that I won't ruin your trust in me.” Seryosong saad nito.

“Okay if you say so. Aasahan ko ‘yan Carlo.” Nakangiting saad ko sa kanya.

Pagkatapos ng serysosong usapan ay nagkwentuhan nalang kami sa bawat buhay namin. Naging mahaba rin ang kwentuhan namin kaya naman hindi namin napansin ang oras na 9:00 PM na pala ng gabi, kaya naman ay napagdesisyonan na namin umuwi.

Nandito kami ngayon sa parking lot ng pub na pinuntahan namin.

“Tara ihatid na kita sa inyo.” Pag-anyanya nito, agad-agad naman akong umiling sa alok nito.

“No thanks, kailangan mo na rin umuwi dahil sobrang gabi na. Anyway, thank you for being with me this night, kahit konti nabawas din ang sakit ng nararamdaman ko. Sana magkita ulit tayo.” Nakangiti kong saad sa kanya, ngumiti naman ito ng pabalik saakin.

“You‘re welcome basta ikaw. Just call me if you need someone to lean on.” Sincere na saad nito.

“Okay then goodbye!” Masayang saad ko sa kanya sabay lakad patungo sa kotse ko.

“Goodbye and goodnight Angel! Mag-ingat sa pagmamaneho!” Nakangiting sigaw nito.

“Goodnight and ingat din!” Sigaw ko sa kanya sabay unlocked sa kotse ko, pagkatapos non ay pumasok na rin ako, at sinimulang paandarin ito.

Bago ako tuluyang umalis sa lugar na ‘yun, tinignan ko muna si Carlo mula sa side mirror, at nakita ko itong pasakay na rin sa kotse niya, kaya naman napagdesisyonan ko ng umalis ng tuluyan sa lugar na ‘yun.

“Thank you Carlo dahil naging kaibigan kita. Thank you dahil nakasama at nasabihan kita ng mga saloobin ko na dahilan para guminhawa ng konti ang loob ko. Carlo you're a good friend and real one, thank you!” Nakangiting bulong ko.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon