28

2.4K 113 6
                                    

Henry’s Point of View

10:45 AM at nandito kami ngayon sa bahay ni Hunter, well, as usual, magkwekwentuhan at mag-iinuman na naman niyan mamaya. Halos dito na nga kami tumira, ‘e. Mabuti nalang hindi sumama si Angel ngayon dahil may trabaho siya, dahil kung hindi, bubungain ako non lalo na’t kung iinom kami.

“Saan kayo galing kahapon ni Angel kasama ang anak niyo?” Monotonous na tanong sa‘kin ni Hunter habang prente ‘tong naka-upo sa sofa dito sa kaniyang sala sa bahay. Napakunot naman ang noo ko dahil sa tanong nito.

“What do you mean saan kami pumunta kahapon? Bobo ka ba? Malamang sa hospital, nagtrabaho kaya ako.”

“At saka, kasama ko ang mag-ama ko kahapon. Pinagdala kasi ako ng mga ‘to ng pagkain for my lunch na sakto naman ng lunch time ko.” Nakangiting saad ko sa kaniya, nabigla naman ako nang biglang mapatili si Jerald na tila bang kinikilig.

“Kyahhh! Nakakakilig naman. Ako kaya, when kayang may pupunta sa office para ipagdala ako ng lunch, tapos siya na ang dessert.” Masiglang saad nito habang nakahawak sa kanang braso ni Philip. Si Philip naman ay pinapabayaan niya lang ‘to sa pagtili niya’t paghawak sa kaniyang braso, tila wala ‘tong pakialam sa kaniya.

“G*go ka talaga! Bakit hindi mo sabihin ‘yan kay Caleb? Sigurado naman akong hindi ka lang sa dessert pagbibigyan non, kundi pati na rin dinner, at may kasama pang midnight snacks!” Nakangising saad naman sa kaniya ni Troy, tatawa na sana ako dahil sa sinabi nito ngunit biglang napaatras ang dila ko nang biglang tumahimik si Jerald at mapalitan ang kaniyang expression na tila bang buhat-buhat niya ang langit at lupa.

Ang barkada naman ay biglang napatingin ng masama kay Troy na dahilan upang mapaiwas ng tingin si Troy sa‘min. Bigla naman napakunot ang noo ko sa nangyayari, naramdaman ko rin ang pagbigat bigla ng atmosphere sa kinaroroonan namin.

‘Meron ba akong hindi nalalaman? Marami bang mga nangyari nang inaasakaso ko ang mag-ama ko ng hindi ko alam?’ Takang tanong ko sa sarili ko.

Mga ilang sandali pa ay magtatanong na sana ako sa kanila kung ano ba talaga ang nangyayari, ngunit hindi ko nagawang magtanong nang biglang magsalita si Louise...

“Henry, matanong ko lang, bakit ka hinahanap ng kaibigan ni Angel dito kahapon? May kasama pa siyang isang cute guy ‘e.” Biglang tanong nito sa‘kin habang may dala-dala ang mga orange juice na ginawa nito, bigla naman napakunot ang noo ko nang marinig ko ang sinabi nito.

Naisip ko naman na baka ang p*nyetang Carlo na ‘yun ang tinutukoy nito. Siya lang naman kasi ang kilala kong kaibigan ni Angel, ‘e. Hindi ko lang alam kung sino ang tinutukoy pa nitong cute guy.

“What?! ‘Yun ba ang dahilan kung bakit tinanong sa‘kin ni Hunter kanina kung saan kami galing ng mag-ama ko kahapon?”

“Yup!”

“At saka, kung hindi lang dumating sina Troy, Philip, at Jerald kahapon? Baka nasapak ko na ang tarantandong ‘yun. Pilit kasi tinatanong ng chinitong ‘yun kung nasaan ka at si Angel, pero dahil wala rin akong alam, ang sinabi ko nalang ay wala silang makukuha sa‘kin tungkol sa inyo; tungkol kung nasaan kayo.” Paliwanag sa‘kin ni Hunter na lalong nagpakunot sa noo ko.

“Tinanong niyo ba kung bakit nila kami hinahanap kahapon?” Takang tanong ko sa kanila, bigla naman sumagot si Troy...

“Nope, pinaalis lang namin sila.”

Bigla naman akong napaisip sa mga sinabi ng mga ‘to. Bakit nila kami hinahanap kahapon? May kailangan ba sila sa‘min? May sasabihin ba sila sa‘min, lalo na kay Angel? Akala ko bang wala ng connection si Angel at ang p*nyetang Carlo na ‘yun, bakit ngayon hinahanap niya kami?

“May clue ka ba kung bakit ka nila hinahanap?” Biglang tanong naman sa‘kin ni Jerald, kaya naman napatingin ako sa kaniya.

“I don't have. Hindi ko nga alam kyng bakit nila kami hinahanap, pero may kutob ako na may balak ang mga ‘yun ng masama.” Sagot ko sa kaniya, napatango naman ‘to.

“Basta kung ano man ang mangyari, tulong-tulong tayo, lalo na't meron nagbabanta sa buhay niyo, Henry at ang mag-ama mo. Tutulungan namin kayo katulad ng ginawa namin pagtulong kay Hunter at Louise noon dahil sa kagagawan ni Mark at Ariana.” Seryosong saad sa‘min lalo na sa‘kin ni Philip, napatango naman ang barkada na dahilan upang mapangiti ako.

“Thank you, mga bro!”

______

Narrated

Habang nagmamaneho ang isang lalaki patungo sa paaralan kung saan nag-aaral ang kaniyang anak upang sunduin ‘to ay bigla ‘tong nakaramadam ng kakaibang pakiramdam, at ‘yun ang kakaibang pagkabilis ng pagtibok ng kaniyang puso.

Bigla naman pumasok sa kaniyang isipan kung may mangyayari bang hindi maganda? Pero dahil nga ayaw niyang mag-isip ng masama ay binelawala niya na lamang ‘to at inisip nalang na normal lang ang nararamdaman niya.

Pinagpatuloy niya na ang kaniyang pagmamaneho patungo sa paaralan ng kaniyang anak upang masundo na ‘to, lalo na't malapit na rin naman siya.

Kakagaling palang nito sa kaniya trabaho, kahit alas onse palang ng umaga ay napagdesisyunan niya na ‘tong umuwi't sunduin ang kaniyang anak sapagkat wala rin naman na ‘tong gagawin. At saka, wala rin naman susundo sa anak niya dahil wala ang asawa nito, nakikibonding kasi ‘to sa mga barkada niya, ayaw niya naman na istorbohin ‘to dahil minsan lang ‘yun, kaya naman siya na ang susundo sa anak nila.

Sa kabilang banda naman ay merong batang lalaki palabas sa kaniyang paaralan, masaya ‘tong naglalakad habang hawak-hawak ang magkabilang sabitan ng kaniyang bag pack.

Excited na rin ‘tong umuwi sapagkat alam niyang magiging masaya’t proud ang kaniyang mga magulang sa kaniya kapag pinakita niya ang kaniyang magandang balita; ang pagiging valedictorian ng kanilang klase.

Nang makalabas na ang batang lalaki sa kaniyang paaralan ay nahagip niya agad ang kaniyang Papa mula sa kabilang daan, kaya naman dali-dali ‘tong tumakbo patungo sa kinaroroonan ng kaniyang Papa.

“Papa!” Masayang sigaw ng batang lalaki habang tumatakbo ‘to patungo sa kaniyang Papa.

Ngunit, ang isang karumaldumal na pangyayari na hindi inaasahan ng mag-ama.

Habang tumatakbo kasi ang kaniyang anak patungo sa kaniya ay bigla niyang nakita ang isang itim na sasakyan na sobrang bilis patungo sa kaniyang anak, kaya naman bigla ‘tong kinabahan.

“Baby, watch out!” Sigaw niya sa kaniyang anak ngunit tila bang walang narinig ang kaniyang anak at patuloy lang ‘to sa pagtakbo.

Nang mapansing malapit na ang sasakyan sa kaniyang anak ay dali-dali ‘tong tumakbo patungo sa kaniyang anak. Takot at kaba ang nararamdaman niya ngayon, bilang isang magulang hindi niya mawari sa kaniyang sarili kung mangyayari ang tradhedyang hindi niya inaasahan sa kaniyang anak.

Mga ilang sandali pa at konting hakbang nalang ay maliligtas niya na ang kaniyang anak sa trahedyang naka-abang sa kanila, ngunit tila bang nakaplano na ang lahat at mga ilang sandali lang ay hindi ‘to makapaniwala sa nakikita niya ngayon. Tila binuhusan ito ng malamig na tubig.

Puno ng dugo ang daan, at ang kaniyang anak ay nakahandusay habang walang malay, ang mga tao naman ay nakatingin lang at tila bang isang sinehan ang pinapanood nila ngayon.

Ang itim na kotse naman na nakabangga sa kaniyang anak ay agad-agad umalis, ngunit napansin niyang pamilyar ang kotseng ‘yun at ang nagmamaneho nito, ngunit hindi niya na lamang ‘to pinansin.

“Hansy!” Humahagulgol na tawag nito sa walang malay at duguan niyang anak at dali-daling tumakbo sa kinaroroonan ng kaniyang anak. 

Nang makarating na siya sa kinaroroonan ng kaniyang anak ay agad ‘tong umupo't dali-daling niyakap ang anak.

“H-Hansy, gising, baby...”

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon