Angel's Point of View
“Carlo, maraming salamat sa pag-aalaga sa‘kin, pati na rin sa pagbabantay kay Hansy.” Nakangiting pagpapasalamat ko kay Carlo, bigla naman nitong hinawakan ang kamay ko.
It's saturday and it’s 8:30 am, nandito kami ngayon sa harap ng bahay niya dahil ngayon na kami uuwi ni Hansy, magaling-galing na rin naman kasi ako, at saka mag-dadalawang linggo na rin kasi kami dito, nakakahiya naman sa kanya kung magtatagal pa kami dito, and you know, I do have a job na kailangan kong pasukan, even tho ako ang CEO ng kumpanya ko, hindi ibig sabihin non papabayaan ko nalang at magpapakasarap nalang.
“No problem Angel, basta ikaw. At saka, sure ka na bang uuwi na kayo? Magaling ka na ba talaga? Kasi baka hindi ka pa magaling at bigla ka nalang mahilo habang nagbiyabiyahe kayo pauwi at ito’y magiging dahilan upang madisgrasya kayo.” Nag-aalalang saad nito habang naka-pout.
Napatawa naman ako ng mahina sa sinabi at inasal nito. Takte ang cute niya!
“Carlo naman, sobrang oa mo naman, akala mo naman sobrang lala ng sakit ko para ‘di gumaling. And you know, hindi mangyayari ang sinasabi mo dahil fully recover na ako, at saka ikaw pa nga ang nagsabi, I mean ‘yung private doctor mo pa nga ang nagsabi na wala dapat tayong ipag-alala ‘di ba? Kaya naman don't worry.” Natatawang saad ko sa kanya na dahilan upang ikasimangot niya.
“Tsk! Kahit na, mag-stay na muna kaya kayo dito kahit isang buwan lang, baka kasi bumalik na naman ang sakit mo, ang init pa naman ng panahon theses upcoming days!” Nakakunot noo na pagkukumbinsi nito, bigla naman akong napataas ng kilay dahil sa sinabi nito...
“Weh? Paano mo nalaman na mainit ang panahon theses upcoming days?” Nakataas kong kilay na saad ko kanya, tila bang hindi ako kumbinsido sa sinabi niya, ngunit totoo naman na hindi ako kumbinsido. Knowing Carlo, he literally hates the news or watching a news in TV nor reading a news papers, ewan ko ba sa kaniya kung bakit ayaw niyang manood o magbasa man lang ng mga balita, tila bang ayaw niyang malaman ang mga nangyayari sa bansa o sa mundo.
“Ahhmm... N-Nanood ako ng balita k-kagabi! Tama, nanood ako ng balita kagabi at ‘yun ang sinabi ng anchor sa TV!” Nabubulol na saad nito, para bang kumakapa nalang siya ng kaniyang idadahilan upang may masagot.
“You sure?” Nakataas ko pa rin kilay na tanong sa kanya, nag-cross armed pa ako upang lalo pa itong ma-tense sa pagsagot.
“Y-Yes!” Saad nito at awkward na tumawa, sinabayan pa nito ang pagkamot sa kaniyang ulo.
Mga ilang sandali pa ay bigla kaming napayuko at napatingin kay Hansy na nasa kaliwa namin nang bigla itong magsalita...
“Papa, nagsisingualing po si Dy Carlo, hindi naman ka naman po nanood ng balita last night, nanood ka po kaya ng Frozen 2!” Seryosong saad nito, bigla naman nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang mga katagang ‘yun, kaya naman napatingin ako kay Carlo at tila bang hindi ko maipinta ang mukha nito, dahil sobrang pula at tila bang hindi mapakali, dahil hindi niya alam kung kanino siya titingin, kung saakin ba o sa anak ko.
“Wait! What?! F-Frozen 2? Bakit ‘di ko alam?” Hindi makapaniwalang tanong ko kay Carlo.
“H-Hoy bata ka! A-Anong p-pinagsasabi mo?!” Iritble’t nabubulol na saad nito habang nakatingin kay Hansy, ngunit si Hansy, instead na matakot siya ay ngumingisi pa ito.
Mga ilang sandali pa ay bigla naman humarap sa‘kin si Carlo sabay hawak sa dalawa kong kamay...
“A-Angel look, n-nagsisingualing ang batang ‘yan!” Natatarantang saad nito habang umiliing.
You know what people, gusto ko man matawa sa inaasal ni Carlo ngayon ay hindi ko magawa, dahil parang naawa ako sa kanya kaya naman pinipigilan ko lang.
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...