34

2.5K 117 3
                                    

Angel’s Point of View

“Bakit ayaw mo pang kumain? Siguro totoong nakakain kana kanina, ‘no? Naku! naku, Angel, ‘wag ako.” Natatawang saad sa‘kin ni Louise habang binibigyan ako nito ng nakakalokong tingin, kasabay naman nito ang pagsubo niya ng kanin.

Napabuntong naman ako ng hininga ng marinig ko muli ang akusa nito. Simula kasi kanina ay palagi niya na akong inaasar, bakit kasi ngiting tagumpay ang suot-suot ng damuhong Henry na ‘yun kaninang lumabas siya? ‘Yan tuloy, inaasar na ako ng berdeng kaisipan ni Louise.

“Ano ba, Louise? Hindi lang kakain ibig bang sabihin non ay nakakain na? Hindi lang talaga ako gutom ngayon at wala lang talaga akong gana kaya hindi ako kakain. Kumain ka nalang diyan and don't worry about me, okay?” Mahinahong saad ko sa kaniya sabay tayo at nagtungo sa refrigerator dito sa kwarto upang kumuha ng malamig na tubig, nauuhaw na kasi ako.

Habang umiinom ako ng tubig ay hindi ko alam kung bakit pero bigla ko nalang nabitawan ang basong hawak-hawak ko na dahilan upang gumawa ‘to ng ingay at mapatingin sa‘kin si Louise...

‘Plask!’

Kinakabahan ako, hindi ko rin alam kung bakit, pero kakaiba ang kabang ito tila bang may mangyayaring hindi maganda o hindi inaasahan, o kaya naman merong hindi nangyaring maganda.

Nabalik naman ako sa ulirat nang maramdaman kong nasa harapan ko si Louise...

“Angel, chill lang okay? May masakit ba sa‘yo? Tara umupo ka muna sa sofa, mag-uutos nalang ako na mag-lilinis sa nabasag mo, baka mapano ka pa.” Nag-aalalang saad nito sa‘kin na agad ko naman sinunod.

Inalalayan niya akong umupo sa sofa dito sa sala, ako naman ay sumunod lang sa kaniya, nang makaupo kami ay dali-dali niya akong inabutan ng tubig na malugod ko naman tinanggap sabay inom nito. Nang matapos ko ‘tong inumin ay nilagay ko na ‘to sa mesa at tinignan si Louise sabay pasalamat sa kaniya...

“Maraming salamat.”

“Wala ‘yun, maliit na bagay. Ano ba kasing nangyari at bakit mo nalang nabitawan ang basong hawak mo? May naisip ka ba or something?” Sunod-sunod na mga tanong nito sa‘kin habang hawak-hawak ang dalawa kong kamay.

“Actually, hindi ko rin alam kung ano ba talaga ang nangyari, basta nakaramadam nalang ako ng kaba. Kaba na parang may mangyayaring hindi maganda...” Naiiyak kong saad sa kaniya, bigla naman ako nitong niyapos at hinagod ang aking likod.

“Angel, walang mangyayari, okay? Walang mangyayari masama, ‘wag kang masyadong mag-isip ng ganiyan lalo na’t pagod ka. Basta think positive and don't forget to Pray, okay?” Malumanay nitong saad sa‘kin na agad ko naman tinanguan.

Dahil sa pag-confort sa‘kin ni Louise ay kahit konti ay nabawasan ang kabang nadarama ko simula kanina. Kahit palagi akong iniinis ni Louise ay hindi pa rin mawawala sa side niya ang pagiging malalahaning tao, kaya naman sobra ang pasasalamat ko sapagkat nakilala siya ni Hunter at naging kaibigan namin siya. 

Mga ilang sandali pa ay bigla kaming napakalas sa yakapan nang biglang may magsalita mula sa gilid namin, kaya naman agad-agad kaming napatingin doon.

“Tapos na ba ang dramahan niyo? Nakakatawa, ‘no? ‘Di ba sinabi ko na sa inyo na itago niyo na ang mga ‘to, bakit mapasahanggang ngayon ay kalat-kalat pa rin sila?” May diin na saad sa‘min ng isang lalaki na hula ko ay kagaya rin namin ni Louise. Sa kilos at pananalita pa lang kasi nito ay kagayang-kagaya na namin, ‘e.

Bigla naman akong kinabahan sa sinabi nito at the same time bigla akong napakunot ng noo.

“I-Ikaw si Anonymous?! S-Sino ka ba talaga, huh? B-Bakit mo ginugulo ang pamilya ko?! At bakit ka rin nakapasok dito?!” Kinakabahang tanong ko sa kaniya, bigla naman ‘tong napangisi sa mga tanong ko na dahilan upang lalo akong kabahan.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon