Epilogue

4.6K 142 8
                                    

Angel’s Point of View

“Angel...” Tawag pansin sa‘kin ni Louise, kaya naman tinignan ko ‘to mula sa‘king kaliwang gilid.

Nakita ko naman ‘to na sobrang lawak nang kaniyang ngiti sabay tango na dahilan upang humarap muli ako sa harapan kung nasaan ang pinakamamahal kong lalaki na sobrang lawak ng kaniyang ngiti at nagsimulang maglakad, kasabay naman nito ang pag-play nang music...

[Starting to play the dramatic instruments]

Nakangiti akong nakatingin sa kaniyang mga mapupungay niyang mata. Kita ko sa kaniyang mga mata kung gaano siya kasaya sa araw na ‘to, kung gaano niya ako kamahal, na nararamdaman ko rin patungo sa kaniya.

[dramatic instruments]

Sa buhay natin ay palaging may mga problema, at hindi mawawala ang mga bagay na ‘yun.

Napakabigat kapag dinadala natin ang bawat problemang kinakaharap natin lalo na kapag mag-isa lang tayo, ngunit kung meron tayong kaagapay o kasama upang tayo ay tulungan at gabayan, ay sigurado akong gagaan ang problema at kaagad ‘tong masosolusyunan.

[dramatic instruments]

Kaya naman sobra ang pasasalamat ko, sapagkat palaging nasa tabi ko ang mga pinaka-mamahal kong lalaki sa buhay; si Henry at ang anak namin na si Hansy, na handang umagapay sa‘kin sa hirap man at ginhawa.

Tila isa silang mga baterya at isa akong uri ng bagay na hindi gagana kung wala sila.

Laking pasasalamat ko rin sa barkada na talaga naman sobra ang suporta’t pagtulong sa‘min. Para sa‘kin ay hindi lang sila basta barkada, dahil sobrang especial nila sa‘kin/sa buhay ko. 

Habang naglalakad kami ay hindi ko mapigilan ang sarili kong mapaluha, at mga ilang sandali pa ay bigla akong napatingin sa pinakamamahal kong anak na sobrang gwapo sa kaniyang puting tuxedo nang bigla ako nitong abutan ng puting panyo na nakangiti ko naman tinanggap sabay punas sa mga luhang kumalat sa‘king mukha.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang ikakasal na ako ngayon sa pinakamamahal kong lalaki at, sa pinapangarap kong lalaki, ang lalaking magmamahal sa‘kin at sa aming anak at magiging anak ng habang buhay.

Anyway, ang tema ng kasal namin ay garden theme. Sobrang sarap at presko kasing tignan sa mata, idagdag mo pa ang mababangong halimuyak ng mga nagkakalat na mga bulaklak lalo na’t umaga ngayon.

Mag-iisang linggo na rin kami rito sa New York, kasama na rin doon ang pagpaplano namin sa kasalan namin ngayon. Sobrang bilis nga ng mga proseso, ‘e. Actually dapat sa next week pa talaga ang kasal namin dahil gusto ko munang magpahinga sa kadahilanang pagod ako, ngunit si Henry ay nagpumilit siya na ngayon na ang kasal, hindi raw kasi siya makapag-hintay at baka raw maagaw pa ako ng ibang mga lalaki rito, muntik pa nga kaming mag-away dahil sa kasalan na ‘to ngunit dahil ayoko na ngang mangyari pa ‘yun ay pumayag na lang ako sa gusto niya.

Kaya naman ngayon ay naglalakad ako sa aisle kasama ang anak ko at ang kaibigan slash kapatid ko na si Louise patungo sa future husband ko.

Si Louise ang nagsilbing magulang ko ngayon, wala naman kasi akong mga magulang, isa lang naman kasi akong pulubi noon na iniwan ng mga magulang na nagsumikap mag-aral upang ma-abot ang aking mga pangarap na ngayon ay hawak-hawak ko na.

[Starting to end the dramatic instruments]

Mga ilang sandali pa ay nakarating na rin ako sa kinaroroonan ni Henry, kasabay naman nito ang pagtatapos ng musika.

Bumitaw naman sa pagkakawak sa aking mga kamay ang aking anak at si Louise, nakangiti naman akong humarap sa kanila.

“Congrats, Angel.” Nakangiting saad sa‘kin ni Louise na agad ko naman tinanguan, kasabay naman nito ang kaniyang paglakad patungo sa kinaroroonan ng kaniyang asawa’t mga anak, kasama rin doon ang barkada, ang mag-asawa na sina Claire at Richard, at ang mag-asawang Hughe, kasama ang kanilang mga anak.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon