29

2.2K 117 2
                                    

Angel’s Point of View

“H-Hansy, p-please wake up...” Humahagulgol kong saad sa anak ko habang yakap-yakap ko ‘to, napansin ko naman na halos panonood lang ang mga ginagawa ng mga tao, at ni-isa sa kanila wala man tumatawag ng ambulansya.

“P-Please, call an ambulance. Tulungan niyo ang anak ko!”

Hindi ko mawari sa aking isipan na mangyayari ang ganitong bagay sa aking anak; ang aksidente.

Kung sa‘kin lang nangyari ang trahedyang ‘to ay okay lang sa‘kin as long as ligtas ang anak ko. Bilang isang magulang ay poprotektahan ko ang aking anak kahit ano man ang mangyari, kahit ikamamatay ko pa ‘to ay okay lang. Ngunit ang salitang pagprotekta ay bigo kong nagawa ngayon, na sobrang pinagsisihan ko.

Mga ilang sandali pa ay may narinig na akong siren ng isang ambulansiya, kaya naman lalo kong niyakap ang anak ko at hinalik-halikan pa ‘to sa noo...

“B-Baby, maliligtas ka na, kaya kapit ka lang. H-Huwag mo munang iiwan sina Papa at Daddy...” Humahagulgol bulong ko sa kaniya, kasabay nito ang pag-lapit sa‘kin ng mga nurses.

“Sir, kami na po bahala sa anak ninyo.” Nakangiting saad nito sa‘kin, kaya naman dali-dali kong binitawan ang aking anak at tumayo mula sa aking pag-kakaupo. Pinunasan ko na rin ang luhang kumalat sa‘king mukha.

Habang pinapanood ko ang mga kung paano nila ilagay ang aking anak sa hospital bed ay hindi ko maiwasang mapahagulgol muli, masakit para sa‘kin bilang isang magulang ang makita ang aking anak na duguan habang walang malay.

Nang mailagay na ng mga ‘to ang aking anak sa hospital bed ay dali-dali na nilang ipinasok sa loob ng ambulansya, ako naman ay sumunod na.
...

Nagbiyabiyahe na kami patungo sa hospital kung saan pagmamay-ari ni Henry, mabuti nalang sa hospital niya tumawag ang mga tao kanina.

Hawak-hawak ko ngayon ang kaliwang kamay ni Hansy habang umiiyak. Nang mabigyan na siya ng first aid kit ng mga nurses, ay tila bang lalo akong binuhusan ng malamig na tubig sapagkat kitang-kita ko ang mga malalaking galos at sugat na natamo niya sa tradheyang nangyari kanina.

“H-Hansy, tatagan mo ang loob mo para sa‘kin at para kay Daddy ah. H-Huwag ka munang susuko, baby. Isipin mo kami ng Daddy mo, dahil hindi namin kakayin kung mawawala ka. Sa lahat ng yaman na hawak-hawak ko ngayon, ay ikaw ang pinaka-mahalagang yaman na hawak ko. K-Kaya naman, a-anak, ‘wag mo muna kaming iiwan, ah...” Humahagulgol kong saad sa kaniya habang hawak-hawak ang kamay nito't hinahalikan.

Habang nagbiyabiyahe kami ay naisipan kong tawagan si Henry upang ipaalam ang nangyari sa anak namin, kaya naman dali-dali kong kinuha ang aking cellphone mula sa aking bulsa at dinial ang number ni Henry.

Mga ilang sandali pa ay agad din nitong sinagot ang kaniyamg cellphone...

“H-Hello, H-Henry...” Saad ko, at muli, hindi ko na naman napigilan ang mabigat na emosyon na aking dala-dala.

“Babe, may nangyari ba? Bakit ka umiiyak?!” Nag-aalalang saad nito mula sa kabilang linya.

“H-Henry, si H-Hansy...”

“Napano si Hansy?!”

“H-Henry, si Hansy, na-aksidente...” Humahagulgol kong saad sa kaniya at dali-daling pinatay ang tawag.

Agad naman akong napahawak sa aking bibig upang hindi makagawa ng ingay habang humahagulgol. Hindi ko kayang i-recap lahat ang mga nangyari kanina, ayoko na muli ‘tong alalahanin pa sapagkat sobrang sakit nito para sa‘kin, lalo na sa anak ko.

Mga ilang sandali pa ng pagbiyabiyahe ay narating na rin namin ang hospital. Dali-dali na nilang binaba ang aking anak at ipinasok na namin ‘to sa loob. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay ni Hansy, habang humahagulgol.

“Sir, dito nalang po kayo. Kami na po bahala.” Nagmamadaling saad ng nurse habang tinatanggal ang pagkakahawak ng aking kamay sa kamay ni Hansy, na dahilan upang lalo lang akong mapahagulgol.

“M-Miss, gusto ko p-pumasok. G-Gusto ko makita ang anak ko!” Humahagulgol kong sigaw sa kaniya habang hawak-hawak pa rin ang kamay ng anak ko.

“Sir, hindi po pwede. Maiwan nalang po kayo rito sa labas...” Pamimilit pa nito, nagulat naman ako nang biglang may yumakap sa aking likod...

“B-Babe, calm down. Hindi ka pwedeng pumasok sa loob, maghintay nalang tayo dito, okay? Si Dr. Pj na ang bahala sa anak natin.” Naiiyak na saad sa‘kin ni Henry habang kinakalas ang aking kamay sa pagkakahawak sa kamay ng anak namin.

“A-Ayoko! Gusto kong pumasok, gusto kong makita ang anak natin! ‘Di ba hospital mo ‘to?! At asawa mo ako, kaya naman pwede kong gawin ang gusto kong gawin!”

“Angel! Pwede bang makinig ka muna sa‘kin, kahit ngayon lang? H-Hindi ka pwede roon, hindi ka pwede! Kahit sino ka pa, hindi pwede!” May diin na saad nito and finally, he's voice crack, nilabas na nga niya ang kaniyang masasaganang luha.

“B-Babe...” Humahagulgol na saad nito, kasabay nito ang pagkalas ng aking kamay sa pagkakahawak sa kamay ni Hansy at pagharap kay Henry sabay yakap sa kaniya ng mahigpit, niyakap naman ako nito ng mahigpit.
...

“Paano siya na-aksidente?”

Nakaupo kami ngayon sa mga bench dito sa loob ng kaniyang hospital. Gusto pa nga niya sa office nalang niya kami mag-stay para hintayin ang anak namin, ngunit nagpumilit ako na dito nalang kami, upang sa paglabas ni Dr. Pj, agad na akong papasok.

Tinanong ko rin sa kaniya, bakit hindi nalang siya ang gumamot sa anak namin, but sabi niya hindi raw pwede sapagkat naka-inom siya, na ramdam at amoy ko naman.

Gumaan na rin ang aking pakiramdam kahit konti, dahil sa ginawang pag-comfort sa‘kin ni Henry.

“P-Pagkalabas ko sa trabaho ay agad akong nagtungo sa school niya para sunduin siya, lalo na’t uwian na rin naman niya. So, pagkarating ko roon ay nakita ko agad siya, kaya naman agad ‘tong tumawid sa daan patungo sa‘kin, ngunit mga ilang sandali lang ay may nakita akong mabilis na itim na kotse na papunta sa kinaroroonan ni Hansy, at ‘yun, huli na ang lahat.” Saad ko sa kaniya, at muli, bigla na naman bumigat ang aking pakiramdam at nabuhos ko ulit ang masasagana kong mga luha, bigla naman akong niyakap ni Henry at hinimas-himas ang aking likuran.

“Shhh~ don't cry. Anyway, nakulong na ba ang nakabangga sa anak natin?”

“‘Yun nga ang problema, h-hindi nakulong ‘yung taong ‘yun sapagkat agad-agad ‘tong umalis nang time na ‘yun.” Nag-aalinlangan kong saad sa kaniya sabay kalas sa yakap namin. Hinarap naman ako nito’t hinawakan ang aking magkabilang balikat.

“Nakita mo ba ang plate number ng kotse? Nakita mo ba kung sino ang nagmamaneho ng p*tanginang kotseng ‘yun?!” May diin na saad nito habang naka-kunot ang kaniyang noo, ramdam ko rin ang galit sa kaniyang tono.

Bigla naman akong kinabahan sa tanong nito. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba ang totoo o hindi sapagkat hindi pa naman ako sure kung siya ba talaga ‘yun o hindi, ngunit kung siya talaga ‘yun ay magbabayad siya at hindi ko siya mapapatawad.

“H-Hindi...” Simpleng saad ko sa kaniya na dahilan upang mapatayo nito at pagsuntok sa pader ng hospital.

“T*ngina! P*tangina! Kung sino ka man, magbabayad ka!”

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon