33

2.4K 120 5
                                    

Henry’s Point of View

“Kayo na bahala sa kaniya, basta 'wag niyo muna siyang gagalawin. Gusto ko, mismong mga kamao ko ang matikman niya upang malaman niya kung gaano kabangis ang mga kinalaban niya at kung gaano kamali na kalabanin niya tayo, lalo na ako.” May diin kong utos kay Jerald mula sa kabilang linya.

Kahit sobrang saya ng araw na ‘to sapagkat nagkamaliwanagan na kami ni Angel dahil nalaman ko na mahal niya rin pala ako, ay isasantabi ko muna ‘to at pansamantalang papalitan ‘to ng pagkamuhi’t galit upang ibuhos sa p*tanginang Carlo.

Noted, Ry. Rinig kong saad nito mula sa kabilang linya sabay putol sa tawagan namin, ako naman ay pinagpatuloy nalang ang pagbiyabiyahe patungo sa abandonadong Hospital kung saan ko pinadala si Carlo.

Ang abandonadong Hospital na ‘to ay binenta lang sa‘kin noon. Nang una ay wala talaga akong balak bilhin ‘to maliban sa luma‘t bulok na, ay may pera rin ako upang magpaggawa ng bago, ngunit dahil nga naawa rin ako sa nagbebenta noon sapagkat kailangan niya raw talaga ng pera na hindi ko naman alam kung bakit niya kailangan sapagkat mukhang mayaman naman ‘to, pero kalaunan dahil sa pagmamakaawa niya ay nagpagdesisyunan kong bilhin na ‘to.

Pagkatapos kong bilhin ang Hospital na ‘to ay agad-agad kong pina-rebuild hindi para gawing paggamutan, kundi para gawing dungeon sa mga bumabangga sa aming magbabarkada, lalo na sa‘kin at sa aking pamilya.

Sikreto rin ang lugar na ‘to at sobrang daming mga high-tech-securities. Tanging ako, ang barkada, at mga tauhan ko lang ang nakakalam nito. At saka hindi rin halata na isang dungeon ang abandonadong Hospital na ‘to, sapagkat sa labas nito ay kagaya pa rin ng dati.

Mga ilang sandali pang pagbiyabiyahe ay nakarating na rin ako sa abandonadong Hospital. Dali-dali ko ng pinark ang aking kotse sa gilid ng Hospital na ‘to, pagkatapos kong pinark ay dali-dali na akong bumaba at naglakad patungo sa entrance.

Nang nasa entrance na ako ay agad naman akong binati ng isa sa mga tauhan ko...

“Good afternoon, Boss. Kanina pa po kayo hinihintay ni Boss Jerald.” Nakangiting saad nito na agad ko naman tinanguan at naglakad muli kung nasaan sina Jerald at Carlo.

Nang makarating na ako sa room kung saan sina Jerald ay dali-dali na akong pumasok, napatingin naman sa'kin si Jerald pagpasok ko...

“Mabuti nalang nakarating kana, dahil kung hindi baka ako na ang namuro sa kaniya, sobrang kati na kasi ng mga kamao ko, gusto na ulit makatikim ng dugo.” Nakangising saad nito sabay tayo‘t lapit sa‘kin. Napangisi naman ako sa narinig ko sa kaniya.

“Don't worry, Jerald, makakatikim din siya mula sa mga kamao mo, basta maghintay ka lang. Gising na ba siya?” Tanong ko sa kaniya habang nakatingin kay Carlo, na ngayon ay walang malay habang nakatali ng magkasama ang kaniyang dalawang kamay gamit ang kadena at nakabitin 'to sa ceiling, ngunit naabot pa rin nito ang sahig upang hindi siya agad mamatay.

“Nope, hanggang ngayon wala pa rin siyang malay. Napalakas hata ang suntok mo, Ry, para makatulog siya ng mahimbing!” Natatawang saad nito ngunit hindi ko na lamang 'to pinansin, bagkus nilapitan ko nalang ang walang malay at nakabiting si Carlo.

Pagkalapit ko kay Carlo ay dali-dali ko ‘tong pinagsusuntok sa tiyan tila isa siyang punching bag. Bigla naman ‘tong nagising na dahilan upang mapatigil ako sa pagsuntok, kasabay din nito ang pag-ubo niya na may kasamang dugo.

“Henry, chill lang. Baka mapatay mo siya, ‘e.” Mahinahong saad naman sa'kin ni Jerald, na agad ko naman sinunod.

Tama siya, dahil kapag napatay ko siya ay baka hindi ko na matanong ang dapat kong itanong sa p*tanginang Carlo na 'to.

HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon