Henry’s Point of View
“Miss me, babe...” I whispered seductively into his ear.
Kahit hindi ko ito nakikita, nararamdaman ko naman na tanging gulat lang ang nakapinta sa kaniyang mukha. Ramdam ko rin sa ibinubugnos nitong presensya.
Napakabango niya talaga, tila bang hanggang ngayon hindi niya pa pinapalitan ang pabangong pinili ko sa kaniya noon.
“Hmmm...” Nakapikit kong pag-halimuyak sa amoy ng kaniyang leeg.
I miss his smell, I miss his taste, and mostly I miss his body. I badly wanna touch and eat him right now, but I can't dahil nandito kami sa harap ng mga board.
Hindi sa nahihiya akong kainin siya ngayon sa harap ng mga walang kwentang taong ito, dahil kung pwede ko lang siyang kainin ngayon, ay kakainin ko na siya para naman wala ng mag-tangka pang kunin ang asawa ko, ngunit hindi, kundi baka masira ang plano ko kung gagawin ko ‘yun sa kaniya.
Anyway, nagtataka siguro kayo kung bakit ako naririto? Well, simula kasi nang masundan ko si Angel at malaman ko kung saan sila nakatira kasabay nito na pag-kumpirmado na bahay talaga ng p*tanginang pastilyas na ‘yun ang mansyon kung saan ko sila nakita noon, ay gumawa na ako ng plano, at ang plano na ‘yun ay ang lalong paglapit sa kaniya. Alam kong lalo siyang maiinis sa‘kin lalo na’t makakalapit na ako sa kaniya at magkikita na kami araw-araw sa kadahilanang magkasama lang kami sa iisang kumapanya, ngunit wala akong paki kung mainis siya saakin, ang mahalaga ay magkasama na muli kami ngayon at wala ng takasan, and at least kampante na ako.
“Shut up!” Mahinang bulong nito, ngunit ramdam kong puno ito ng galit, pagka-poot, at pagpipigil.
Mga ilang saglit pa ay itinulak ako nito na dahilan upang mapalayo ako sa kanya sabay lakad papunta sa kaniyang upuan; sa pinaka likod.
Ako naman ay tinitignan ko lang ang bawat galaw o kilos nito. Nang makaupo na ito ay bigla itong sumigaw...
“Meeting adjourn!” Sigaw nito, na dahilan upang tignan siya ng may pagtataka ng mga board.
“What? What are you talking about? Hindi pa nga ako nag-papakilala Mr. Smith, bakit kilala mo na ba ako?” Nakangisi kong saad sa kanya, but he just rolled his eyes.
“Who cares? Wala akong paki kung ‘di ka pa nakakapag-pakilala Mr. Sylvester, and yes I already know you; alam na alam kita Mr. Sylvester.” May diin na saad nito. Puno ng tensyon ang bawat pag-bitaw sa mga katagang sinabi nito.
“Well, baka nag-kakamali ka sa pagkakaalam mo sa‘kin Mr. Smith.” Nakangisi kong muling saad sa kaniya, bigla naman kumunot ang noo nito, ngunit sandali lang ‘yun dahil bigla itong napalitan ng ngisi at kasabay nito ang pagtayo niya sa kaniyang upuan.
“I don't know what are you talking about Mr. Sylvester, and I don't want to know it, because I don't care! And anyway, nandiyan lang sa gilid mo ang pinto, at sa labas ng meeting room na ito ay malapit lang ang hagdanan dahil nga sira ang elevator ay bababa ka roon hanggang makababa at makalabas ka sa kumpaniyang ito dahil hindi kita kailangan sa kumpaniyang ito!” Galit na sigaw nito, na lalong nagpagulat sa mga board.
“S-Sir y-you c-can't do that...” Nabubulol na saad ng kaniyang secretary na si Lily, siguro dahil sa takot. Ngayon, niya lang sigurong nakita ang kaniyang boss na magalit.
“At bakit hindi ko pwedeng gawin ‘yun?! I'm the CEO of this company at gagawin ko kung anong gusto ko!” Iritableng sigaw nito, ngunit bigla siyang napatigil nang biglang sumigaw ang isa sa mga board...
“Mr. Smith enough! ‘Di mo lang pwedeng paalisin ang bagong investor na si Mr. Sylvester, dahil malaki ang naitulong niya sa kumpanyang ‘to dapat pa nga magpasalamat ka pa sa kaniya. you know what, akala mo siguro na katulad pa rin ng dati na matataas pa rin ang sale ng mga products na inilalabas natin, but no, mali ka, ilang weeks lang ang pag-alis mo sa kumpaniyang ito pero tila bang bumagsak kaagad at patuloy pang bumabagsak and hindi natin alam kung bakit nangyayari ito. Ngunit, dahil sa pag-bili ng kalahati sa kumpaniya mo ni Mr. Sylvester, na-isalba ito.” Mahaba’t serysosong paliwanag ng isa sa mga board.
“And S-Sir hindi mo rin pong pwedeng gawin ‘yung because he’s the vice president now.” Dugtong naman ng secretary niya.
Nakangisi at taas noo naman akong tumingin kay Angel nang marinig ko ang mga katagang ‘yun sa isa sa mga boards ng company at ng secretary niya, siya naman ay tila bang binuhasan siya ng malamig na tubig dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa mga narinig nito.
“Ehem! Okay then let us stop this arguing, anyway, I'm Henry Sylvester, hot and handsome but not available. That's all.” Nakangising saad ko sa kanila, kasunod non ang pagpalakpak nilang lahat.
“Okay then, welcome to the Smith Corp. Mr. Sylvester. Meeting adjourn!” Malamig na saad nito, kasunod naman nito ang pagtayo ng mga boards including his secretary, at isa-isang paglabas sa loob ng meeting room.
Nang kami nalang dalawa ni Angel sa apat na sulok na kwartong ito, ay tumayo na rin siya sabay lakad papunta sa pinto. Nang makarating na siya sa pinto ay akala ko lalabas na ito, ngunit akala ko lang pala ‘yun dahil bigla itong humarap at naglakad papalapit sa‘kin, ako naman ay napalakad ng paatras, hindi ko alam kung bakit ako naglalakad ng paatras ngayon dahil kanina ay sobrang tapang at lakas pa ng confident ko, but dahil nga sa kakaibang awrang binibigay saakin ngayon ni Angel ay parang nalunok ko lahat ‘yun.
Nabalik ako sa ulirat nang bigla kong maramdaman ang glass wall sa likod ko and it means na wala na akong maatrasan pa.
Mga ilang sandali pa ay nagulat ako ng bigla niyang hawakan ang neck tie ko, at pasimpleng niya itong inayos...
“Nice to meet you Mr. Sylvester slash manloloko! Firstly, I just wanna say thank you for saving my company. Secondly, alam kong marami kang planong binabalak Mr. Sylvester, ngunit kailangan mo rin siguraduhing matutupad ang mga planong ginawa mo.” Nakangising saad nito habang inaayos pa rin ang neck tie ko.
Ngunit sa lahat ng mga sinabi niya isang salita lang talaga ang tumatak sa utak ko, at ito ang salitang manloloko.
“Hindi mo alam ang nangyari Angel; hindi mo alam. I know that galit ka sa‘kin Angel, but lemme tell you something, I'll heal your heart no matter what, kahit pagtabuyan mo pa ako sa buhay mo, ay gagawa’t gagawa pa rin ako ng paraan upang mapa-ibig at mapa-balik kitang muli sa buhay ko.” Mahinaho’t mahabang saad ko sa kaniya, kasabay naman nito ang pag-bitaw niya sa neck tie ko, at tinignan ako nito ng malamig.
“Wala akong paki at saka ayoko na rin pang malaman, Mr. Sylvester, at ito ang pakakantandaan mo kahit ano pang gawin mo, hindi na kong muling babalik sa buhay mo!” May diin na saad nito sabay lakad papunta sa pinto ng kwartong ito. Pagkarating niya roon ay binuksan niya na agad ito at lumabas ng pabagsak...
‘Blag!’
“Let see Angel, let see.” Mahinang bulong ko.
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...