Henry’s Point of View
“T*ngina! P*tangina! P*ta, gusto kong pumatay ngayon. Gusto kong patayin ‘yung nambundol sa anak ko!” Galit kong sigaw sabay hagis sa wall ang babasaging flower vase na dahilan upang gumawa ‘to ng ingay...
‘Plask!’
“Bro, calm down. Kahit gusto mong gawin ang mga sinasabi mo, hindi mo pa rin magagawa sapagkat hindi naman natin alam kung sino ang taong nasa loob ng kotseng ‘yun.” Mahinahong saad naman sa‘kin ni Jerald.
“P*tangina! Kahit gusto kong kumalma, hindi pa rin ako makakalma, dahil nakahandusay habang walang malay ngayon ang anak ko sa hospital!” Galit na sigaw ko sa kaniya, siya naman ay hindi na sumagot pa.
2 days past simula nang mangyari ang tradheyang hinding-hindi namin inaasahan ni Angel; ang aksidente.
At sa dalawang araw na ‘yun ay puro pokus ang aking trabaho sa anak ko, halos buong magdamag ko ‘tong chinecheck kung stable ba ang lahat at inulit-ulit ang mga test, but then iisa lang ang palaging lumalabas sa resulta, he's under coma but he's stable.
Sa dalawang araw ding ‘yun at hanggang ngayong kasalukuyan ay pina-iimbestiga ko na sa mga private investigator ko, kasama na rin ang mga barkada kung sino nga ba ang nagmamaneho ng p*tanginang sasakyang ‘yun, ngunit mapasahanggang ngayon ay ni-isa sa kanila ay wala pa ring nahahanap na impormasyon ukol sa aksidente.
Anyway, nandito ako ngayon sa Company ni Angel which is the Smith Perfume, kasama si Jerald na ngayon ay siya muna ang pansamantalang nagpapalakad sa Company ng asawa ko. Dahil sa mga nangyayari sa buhay namin ngayon ay hindi na namin napagtutuonan ng pansin ang negosyo namin, kaya naman ang mga p*tanginang ahas which is the boards ay pinagsasamantalahan ang Company ng asawa ko.
Kaya naman humingi muna ako ng favor kay Jerald na siya muna ang mamahala dahil isa siyang business man at dahil na rin magaling siyang mamalakad. Si Hunter or Philip sana pero masiyadong marami na ang mga Companies na pinapalakad ng mga ‘to at baka hindi na nila mapagtuonan ng pansin ang kanilang mga negosyo kung pati ang negosyo ng asawa ko ay hahawakin nila.
Kung itatanong niyo naman kung nasaan si Angel, nasa hospital siya ngayon at binabantayan ang anak namin kasama si Louise, para naman kahit papaano may kasama pa rin siya. Nagpadala na rin ako ng mga tao kong armado sa bawat parte ng hospital, upang walang magtangka sa kanila.
Mga ilang sandali pa ay bigla akong nabalik sa ulirat nang biglang may mag-pop sa cellphone ko, senyales na may nag-message sa‘kin. Kaya naman dali-dali kong kinuha ang aking cellphone mula sa table ko upang tignan ang nag-message.
Pagkabukas ko sa aking cellphone ay dali-dali kong tinignan kung sino ang nag-message, ngunit biglang napakunot ang aking noo’t biglang nag-usok sa galit nang makita ko kung sino ang nag-message at kung ano ang minessage nito.
Habang binabasa ko ang message nito ay hindi ko mapigilang mapakuyom aking kamao sa hawak kong cellphone...
From: Anonymous,
Hey there, baby, kumusta ka naman? Alam mo bang sobrang ganda ng mood ko simula nang isang araw? Alam mo ba kung bakit? Maganda ang mood ko kasi muntik ng mamatay si Baby Hansy, sobrang lungkot ko nga kasi hindi siya tuluyang namatay ‘e! HAHAH!
Next target ko naman ngayon ay ang baklitang Angel; ang asawa mo. Paka-ingatan mo siya, ah? Baka magaya rin siya sa butiki mong anak, at siya ang tuluyan!
Nang matapos ko ‘tong basahin ay hindi ko napigilan ang sarili kong ihagis ang hawak-hawak kong cellphone sa floor na dahilan upang mapatingin sa‘kin si Jerald ng may pagtataka.
“P*tangina! Kung sino ka mang p*tangina ka, ay papatayin kita kapag nakita’t nahuli kita! Kakatayin ko ang bawat parte ng katawan mo at isasabit ang mga ‘to sa bawat parte ng Pilipinas!” Galit na sigaw ko habang nakakuyom ang aking mga kamao, napatingin naman ako kay Jerald nang bigla ‘tong magsalita...
“Bro, what happened? Bakit nag-uusok ka na naman sa galit?”
“The f*cking, anonymous, bro! Nag-message na naman siya sa‘kin, and he or she's f*cking happy about sa nangyari sa anak ko!”
‘Kung sino ka man p*tangina ka ay sana maaga palang itigil mo na ang pagsira at patuloy na pagsisira sa pamilya ko, dahil kung hindi, I'll f*cking kill you!’ Galit na saad ko sa sarili ko.
“Bro, meron ba kayong naka-away na tao upang maghiganti siya ng ganiyang kabigat sa inyo?” Biglang tanong naman nito na biglang napa-isip sa‘kin.
“Oo, meron. Isa lang naman ang naka-away ko noon; si Carlo Kio. Ngunit, alam kong bestfriend siya ni Angel kaya naman kahit na naka-away ko siya noon ay hindi ko pa rin siya pagbibintangan, sapagkat alam ko sa sarili ko na hindi niya magagawa ang bagay na ‘yun, lalo na’t ang pinaka-target ng anonymous na ‘yan ay ang mag-ama ko.” Mahabang paliwanag ko sa kaniya, napakunot naman bigla ang noo nito't napangisi.
“Huwag kang pasisiguro, Henry. Hindi natin alam ang totoo. Alam naman natin na sobrang daming mga taong nagbabalat-kayo ngayon, kaya naman ‘wag ka lang mapalagay sa isang gilid.” Seryosong saad naman nito.
Well, he has a point, katulad nalang sa nangyayari ngayon sa Company ni Angel, sobrang daming mga ahas na sobrang gahaman. Tila isa silang mga kambing na nagdadamit tupa.
Mga ilang sandali pa ay nabalik ulit ako sa ulirat nang biglang magsalita si Jerald...
“Ry, nagsend din siya ng message sa‘kin.” Seryosong saad nito sa‘kin sabay lakad patungo sa‘kin at inabot ang kaniyang cellphone na malugod ko naman tinanggap at dali-dali ‘tong binasa...
From: Anonymous,
Hello, my dear friends, kumusta kayo? I hope nasa mabuti kayong kalagayan. Anyways, alam niyo bang napaka-bobo niyong mag-laro mga t*ngina kayo?! ‘Yan tuloy, biglang dumugo ang daan, nakakalungkot ‘di ba? Sa susunod kasi, ayusin niyo na ang paglalaro niyo.
Para rin pala hindi na kayo mahirapan, I do have riddle na kailangan niyong sagutin upang maligtas niyo kaagad ang baklitang Angel, pinapadali ko ‘to dahil meron pa akong konsensya. Anyways, here's the riddle:
“There’s one house and it’s filled a lot of rooms. What is it?”
Goodluck!
Pagkatapos kong basahin ang sinabi ng p*tanginang anonymous na ‘to, ay bigla akong napaisip dahil sa binigay na riddle nito.
“What’s your plan now? Naisip mo na ba ang paisipan na binigay niya?” Biglang tanong naman sa‘kin ni Jerald, kaya naman agad akong napatingin sa kaniya, ngunit hindi ko muna ‘to sinagot, bagkus inisip ko muna ang riddle.
“One house but it's filled a lot of rooms?!” Pag-uulit ko, at mga ilang sandali pa ay bigla nalang akong kinabahan nang bigla kong maisip ang imposibleng sagot.
“Jerald, let's go!” Sigaw ko sa kaniya at dali-daling tumakbo palabas sa office na ‘to.
“We‘re we going?”
“P*tangina! ‘Wag ka ng magtanong pa, basta sumunod ka nalang!” Galit na sigaw ko sa kaniya.
Sana hindi pa huli ang lahat. T*ngina!
BINABASA MO ANG
HIDING SERIES 3: The Doctor's Care (COMPLETED)
RomanceHIDING SERIES 3 [Mpreg|BxB] Angel Smith, a successful CEO of his own business Smith Perfume is living peacefully with his son named Hansy. Even though he doesn't have a husband and a father of his son, he still managed to raise his son on his own...