#24

11.5K 308 26
                                        


KAYDEN 

Napabangon nanaman ako at tinignan ang orasan. 2:30am. Bakit hindi ako mapakali? Hindi rin ako makatulog dahil parang may nagmamasid sa akin eh ako lang naman ang nandidito sa living room. Huminga ako ng malalim at tumingin tingin sa paligid baka gutom lang ito. 

Tsk, makapunta nga ng kusina!!

Pagkapunta ko ng kusina..

"HOY SINO KA!?" Sigaw ko may taong nakatalikod at nangengealam ng ref. Kahit na madilim ay presensya ito ng isang lalaki

"Nyeta, master wag ka ngang manggulat. Ako toh noh! Ang pinakapoging elemental spirit mo." Sigaw nito na medyo pabulong dahil anong oras na at baka magising pa namin sila Riley at ang iba pa. 

"Kamito! Ano bang ginagawa mo rito?" Asar naman na tanong ko. Hindi na nga ako makatulog ng maayos tapos dadagdagan pa ni Kamito yung init ng ulo ko. Ilang linggo na rin akong ganito at nagigising ng disoras. Hindi na nakakatuwa. Kahit sino ay iinit at iinit ang ulo dahil parati nalang kulang ang tulog ko. 

"Kumakain! Malamang!!! Eh ikaw ano pang tinatanga tanga mo dyan master?" Pang aasar ni Kamito habang kumakain pa din. 

"ANO KAMO?!?" galit na tanong ko aba tinatanga tanga nalang ako!?

"SHHHH! sabi ko ang gwapo mo po master..."

"Good. bigyan mo akong pagkain." utos ko

"AT BAKIT?!" 

Aba sinisigawan na din ako ah?! Porket tropa tropa nalang kami nakalimutan niya na atang MASTER NIYA AKO!!!

"So sinisigawan mo ako KAMITO??? Eh kung gawin kong AKIN si RESTIA huh???" Diniinan ko pa talaga yung part na AKIN at RESTIA

"J-Joke lang MASTER ikaw naman di m-mabiro..." at fake na tumawa pa siya =___=++

"Learn your place Kamito." seryosong sabi ko

"Teka nga lang master bakit ba ang highblood mo? Dinaig mo pa si Riley nuon." sabi niya

"Aba ewan! Naalala ko lang ang nakaraan ko bumalik agad ang ugali ko nuon! Kaya masanay ka na!" Sabi ko naman

Oo, aware ako sa pagka short tempered, brat, cold, at arrogant selfishly self ko. Medyo greedy na din ako. Pero syempre hindi na ganoon kalala tulad ng dati. Mahirap talaga magbago ang masamang damo. 

"Alam mo buti pa yung nakilala ko sa fire kingdom yung nakakabatang kapatid ni Riley eh kalmado at mabait hindi tulad mo master."

Nainis naman ako dun. Nakuha pa talaga akong ipagkumpara sa iba?

"Bakit ba kayong mga tao kayo ang hilig niyong icompare ako sa iba!?! Hindi ko kilala yun wala akong alam na may kapatid si Riley Tch!!" Bago pa ako mawala ay alam ko nag iisa lang talaga si Riley malay ko bang may mga kapatid na yung mga ugok, ang tagal tagal ko kaya nawala. 

"Kalma lang master!!!!" Natatarantang sabi ni Kamito

Napangiwi naman ako papaano halos magyelo na ang lamesa na kinakapitan ko. Minsan sa sobrang galit ko lumalabas ang kapangyarihan ko hindi na ako yung dati  yung Danielle na kalmado lang at nakaka frustrate talaga yun. O baka feeling ko lang yun dahil hindi na ako nakakapagpahinga ng maayos. 

"Nakakadissapoint na ewan eh! Ikaw ba naman icompare.. Ikaw kaya ikumpara ko sa elemental spirit ni Riley huh?!? Di ka ba maiinis? Eh hindi mo nga alam kung sino o ano yung taong yun eh! Nakakainis Kamito!!" Hindi ko naman maiwasan hindi magdrama. Ano ba tong nangyayari sakin?

Naalala ko nuon... yung nga taong mahilig ikumpara ako sa iba nuon...
Nung dating DANIELLE ako naranasan ko ang buhay na minamaliit ako.
Na palaging ikumpara sa iba dahil nga yung ugali ko bilang Danielle ay mataray,snobber, at rerespetuhin lang ang dapat respetuhin kung naangkop. Ay kahit papaano pala ay magkaparehas pa rin ng ugali ang Kayden na ako, at ang Danielle noon. 

Dahil siguro nung Kayden pa ako bago mawalan ng ala-ala... eh puro compliment ang natatanggap ko... Pero ang pinakamasaklap may mga taong pagkatalikod ko magbubulungan para lang magreklamo sa ugali ko. 

Ano bang alam nila sa buhay ko?! Ayun ang palagi kong iniisip..
Hindi nila alam ang takbo ng buhay ko kaya nahihirapan akong kumalma.  Lahat ng bagay may limitasyon hindi porket mabait ako ay palagi nalang mabait. Masakit kasi sa pride lalo na lalaki pa ako.

"Tch, matutulog na ako Kamito wag mo na akong bwisitin."

***

"Hello class attention please! May bago tayong transferee!!! Tara dito iha at mag introduce ka na."

Nyeta. Transferee? Seryoso ba toh? Malapit na matapos ang taon at mag de-december na. Tsk, I need to talk with Tanda (kuya rainier)

"Hello everyone. I'm Kassandra Fair nice to meet you."

Paglingon ko...

L-Luna?

Napatayo ako h-hindi...

Kayden, hindi siya yan.. Magkahawig lang sila!

Fuck don't tell me...



ALLISON


Nagtaka naman ako kung bakit meron pang transferee. . But seriously I don't like her. Ewan parang biglang kumulo ang dugo ko sa kanya pakiramdam ko ay may something sa babaeng yon. Biglang tumayo si Kayden na paang nakakita ng multo anong trip nito?

"Psst, Kayden may problema ba?" Tanong ko

Natauhan naman siya at agad umupo. Anong meron? Tumingin ulit ako dun sa babaeng transferee. Maganda siya, maputi may pares ng itim na mata mukha siyang doll pero may kulay blonde na buhok Bakit ganun? Parang nakakatakot ang aura niya kahit na mukhang inosente siya?

Para siyang hay di ko maexplain....pero ito lang ang masasabi ko...

I'M NOT COMFORTABLE AROUND HER.

Something is off hindi ko maexplain parang kumukulo nga dugo ko sa babaeng yan eh. Baka dahil nga nakatitig siya kay KAYDEN. Oo nakatitig siya what the hell!

"Okay please sit whenever you like." Sabi nito

Palakad siya papunta sa direktyon ko or let's say sa direksyon ni Kayden.

"Pwede dyan nalang ako sa upuan mo?" Tanong nito nakakakilabot ang pag ngiti nito sa akin pero sino ba siya para takutin ako?

"Ako ba kausap mo?" Pagtataray ko naman after niya akong nginitan ng ganoon ay tumingin siya kay Kayden at ngumiti. Eh kung dukutin ko kaya yang mata niya ha? Sino ba siyang letcheng Kassandra shit na yan ha? Lumingon siya sa akin parang kinilabutan nanaman ako ng maka eye contact ko siya pero di ko pinahalata.  

"Hindi ba halata?" Sabay ngiti niya ulit. 

Tch. Alam kong wala akong karapatang magselos dahil unang una walang KAMI. Pero nakakabwisit tong babaeng to eh ang plastik plastik gusto ko ng sumabog sa inis but no.. Ang pinaka kinasasaya ng mga bitch na tulad niyan ay manginis ng iba..  pwes I won't get affected. Pero hindi ko mapigilan dahil ang lagkit ng tingin niya kay Kayden..

"I'm sorry miss pero this seat is MINE. Marami dyang upuan kaya pwede dun ka na LANG." 

Aba ayoko nga katabi ko si Kayden kaya akin lang ang upuan na ito
Kahit bayaran ko pa ayos lang basta si Kayden ang katabi ko no!

"Tch, kita mo na ngang may nakaupo papaalisin mo pa." cold na sabi ni Kayden

Parang nagulat naman yung babae hah! Priceless yung expression.

"Yeah, you should go find another seat LOSER." Biglang sabat ni Caleigh

"Kaya nga naman may nakaupo na nga magpapaalis pa akala mo naman kung sino..." pagpaparinig ni Ashley

Nako naman hahaha supportive talaga ng mga friends ko sabi nga naman nila kapag bitch ka easy nalang para sayong makadetect ng mga kauri mo.

Pero ang pinagtataka ko

She just smiled.

Or i say she smirked

May binulong siya pero di ko gaanong narinig na ikinakulo lalo ng dugo ko sa babaitang yon ay

"You're SOON to be mine. My Prince Kayden."

3515

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon