ALLISON
Akala ko magiging madali at maayos ang lahat para sa amin ni Kayden... Akala ko nuon naiintindihan ko siya yun pala hindi pa at mukhang ang hirap niyang intindihin. Hindi ko mabasa ang nasa utak ni Kayden ni feelings ultimo wala ayaw niya bang intindihin ko siya?
Pagkatapos nga ng good news na nagkaaminan na si Ashley at Justin... Si Caleigh na naguguluhan sa feelings niya para kay Riley at itong si Alyssa at Sui mukhang next step palang pero di pa nagkakaaminan
"Kayden..." gabi na magkasama kami sa labas at nasa garden kami malaki na rin ang dark dragon na itinatago namin
Lumingon siya sa akin napakaganda ng mata niya tuwing tinititigan ko ito pakiramdam ko malulusaw ako.. bakit ba napakapogi ni Kayden?
"What?" Parang bored lang na sabi niya pero parang on alert siya napabuntong hininga ako napaiwas tingin ako at tinignan ko nalang ang sing sing sa daliri ko na may simbolo ng Light. Oo singsing ang akin kay Kayden naman ay anklet
"Anong iniisip mo?" Tanong ko
"Wala." Sagot niya kumirot ang dibdib ko ang sakit lang bakit kasi nagkakaganito ako e.
"May mahal ka na ba? I mean may minahal?" Bigla kong tanong hindi ko alam kung saan ko nahugot yon para itanong. Pilit ko siyang tinignan sa mata na ngayong tinititigan ako paano kung meron? Handa ba akong marinig iyon?
"Bakit mo naman itinatanong?" Kunot noong tanong niya
"W-Wala."
"Wag kang magtanong ng mga ganyang klaseng tanong wala namang kwenta." Sabi naman niya
"Bakit parang nagbago ka na? Dati namang Danielle ka pa ang bait bait mo sa akin tapos ngayon napakasungit at cold mo." Sabi ko naman
"Because this is who I am."
Bigla nalang siyang umalis nakaramdam ako ng lungkot. Ibang iba nga talaga si Kayden sa dating Danielle. Bakit hindi ko maiwasang ipagkumpara si Danielle kay Kayden kung gayong iisang katangian lamang sila?
"Kawawa ka naman mukhang ayaw sayo ni Kayden at tiyaka mawalang galang na ah.. layuan mo si Kayden dahil akin lang siya." Napalingon ako kung sino naman yun
"Kassandra Fair! Anong ginagawa mo rito?"asar kong tanong kailangan kong maging handa palagi kapag malapit siya sa akin
"Easy, easy napadaan lang ako rito..." bigla siyang napalingon sa kamay ko "Woah.. Kayo na ba? I mean bakit may sing sing ka?" tanong niya pa
"Hindi pa. At hindi naman masama diba kung may sing sing ako diba?" mataray na sabi ko
Tumawa lang siya at napailing bago walang sabing umalis bastusan lang eh ano?! Paalis na sana ako ng biglang..
"Oh andidito ka nanaman Kassandra Fair?" Mataray na sabi ko
Para siyang gulat na gulat at hindi alam ang gagawin? Ano nanamang ginagawa ng bruhang toh?
"W-Wala." At bigla siyang tumakbo bakit ganun? Kagagaling niya lang rito nakabalik nanaman? At may nagugulat pamg nalalaman
Nakakapagtaka.. alam namang dalawa sila hindi ba?
KIEV
Ang sarap sarap ng tulog ko ng.. Naalimpungatan ako ng parang may dumaan na shadow sa bintana ko tinignan ko naman kung sino yun at laking gulat ko ng makita ko kung sino..
Likod palang kilala ko na..
"K-Kassandra?" Tawag ko
Humarap siya sa akin at nanlalaki ang mata. Habang nakatingin sa...wat da pak!
BINABASA MO ANG
Mystique Academy (2014)
FantasíaAs Danielle Zyther enters one of the most prestigious school in the world of Altherianavi, whereas most of the students has the power to control elements given by their birth. She soon discover her lost memories while studying in Mystique Academy...