#04

17.8K 460 9
                                        


DANIELLE

"Goodmorning!" sabay hawi pabukas ng kurtina 

"Goodmorning din." bati naman ni Kuya Kiev

Sabado ngayon at excited ako kasi igagala ako ni Kuya Kiev sa malapit na bayan dito sa Altherianavi. Sasakay daw kami ng pegasus yey! (Parang bata lang diba? Believe me or not dahlings but for a guy I love shopping clothes. Binansagan nga akong King of Styles eh) para makabili na rin ako ng bagong damit. At ng mga kailangan kong gamit.. Pinagisipan ko namang mabuti ang mga dapat kong bilhin tutal ay malaki ang halagang binigay sakin ni Headmaster at mas lalaki pa raw ang baong pera ko kung ma iidentify na ang rank ko. May rank kasi yan kung gaano ka kalakas.

'Damit panglalaki o pangbabae?' napaisip naman ako. Both nalang siguro tutal pwede akong maging babae at pwede din akong maging lalaki. Tiyaka for emergency diba? Malay niyo kailanganin ko ng panglalaking damit.

So ayun nang makaligo ako nagpaalam kami syempre kay headmaster at agad kaming binigyan ng permiso na makalabas ng Mystique Academy. Bait ni Headmaster diba? O siguro malaki ang tiwala niya kay Kuya Kiev at saakin na di naman kami gagawa ng gulo habang wala sa school grounds. Pinagsabihan nga lang kami na wag lalayo kung saan lang ang paalam namin ay duon lang dapat kami may mga estudyante daw kasi ng MA na isang beses ay lumayo at kung saan saan pumunta bawal pa man din ang mga tulad naming taga Mystique ang pagala gala. Bilang isang estudyante ng Mystique Academy ay isang karangalan sapagkat hindi basta-bastang makakapasok ang mga Altherians kung hindi sila makakapasa sa mga requirements ng paaralan. Masyadong maraming requirements ang Mystique Academy katulad ng dapat ay galing ka sa isang kilalang pamilya. Na hindi lamang ay may kaya sa buhay ngunit galing sa malalakas na angkan. 

"Akin na kamay mo Danielle." sabi ni Kuya Kiev habang nakaabang ang kamay niya kinuha ko naman yun para makaakyat sa pegasus. Maingat niya akong inalalayan at nang makasakay ako nasa harapan ako at si Kuya Kiev ay napakalapit sa akin syempre pag nasa likod ako mahuhulog ako hindi ko nalang pinairal ang pagiging isip Kayden ko dahil kung pinairal ko baka sinapak ko na si Kuya Kiev ngayon hinayaan ko na gentleman naman kasi talaga si Kuya Kiev at minsan namang gentleman rin ako.. Ata?

Pinalipad niya na ung puting pegasus at grabe ang ganda sa itaas! Makikita mo talaga ang kabuuan ng Mystique Academy. Maya maya lamang ay may bayan na kaming natatanaw sa hindi kalayuan. Pagkababa namin sa mismong bayan ay nag hanap kami ng pagtatalian ng pegasus upang iwan saglit at makapamili na ng mga gamit at damit. 

"Wow." ayan agad ang unang nasabi ko pagkababa ko. Napakagandang bayan ang tumambad sa amin maraming kakaibang mga nilalang ang nandidito pero parang mga tao lang kung umasta. Maganda ang simoy ng hangin kahit na akala mo ay parang crowded ang lugar sa dami ng tao ang namamasyal

Ang astig ng bayang ito sa totoo lang. Maraming kakaibang shops meron nga rin para sa mga wizards tapos sa sobrang ganda hindi ko akalaing mauubusan ako salita. Kasi nga words is not enough to describe this beautiful place! And believe me nakakaispeechless talaga ang kagandahang nakikita ko ngayon.

"Danielle, tara na?" Napatingin ako kay kuya Kiev at natauhan kanina pa pala ako patingin tingin sa paligid at ninanamnam ang magandang tanawin nakakatuwa kasi kaya hindi ko mapigilang mautal ng sagutin ko si Kuya Kiev at iyon nga ay sinundan ko lang siya iniwasan kong madistract sa paligid ko dahil baka mawala ako sa dami ng tao

Buti nalang pala binigyan ako ni Headmaster ng pera  kaya makakapamili ako ng mga kinakailangan kong gamit.  Hindi katulad ng sa mundo ng mga mortal ay ang perang ginagamit ay barya at papel. Sa mundong Altherianavi ay gumagamit sila ng mga iba't ibang uri ng kristal upang makabili.  May itinuro si Kuya Kiev sa akin ang black na kristal ang pinakamataas na uri ng pera. Sumunod ang gold mataas din ang presyo. Ang pinakamababang uri naman eh maliit lang na crystal na kulay puti. Napakarami may kulay red, blue, green , violet at kung ano ano pang klase ng kulay at bawat kulay ng kristal ay may katumbas na halaga.

Pumunta na kami sa bilihan ng mga damit. Kakaiba din ang mga damit dito. Basta kung ano lang yung bumagay sa akin ayun na kaagad ang kinukuha ko. Mabilisan lang akong nakakuha ng mga damit dahil marami silang mga damit na sa sukat ko. Palihim din akong kumuha ng mga panglalaking damit para sa totoong anyo ko habang abala sa pamimili si Kuya Kiev ng mga gamit na kinakailangan niya din. 

Nang matapos kami sa pamimili ay agad din kaming  bumalik sa dorm namin. Nakakapagod! Pero gusto kong maglibot libot na ewan ah? Ah. Alam ko na.. Nagpahinga lang ako saglit bago ako tumayo sa pagkakaupo ko sa gilid ng kama.

"Kuya Kiev lalabas lang muna ako saglit." paalam ko naman habang abala siyang nag aayos ng kanyang mga pinamili 

"Saan ka pupunta?" tanong naman niya habang patuloy siyang nagaayos ng mga gamit 

"Dyan lang sa garden na malapit." sabi ko naman tumango naman siya at bumalik sa ginagawa niya. Nang makapunta ako sa open garden, na isa sa mga natuklasan kong lugar na malapit sa dorm namin.. Kahapon ko pa sanang gusto itong lugar puntahan kaso hindi ako nagkaruon ng oras para kahit papaano ay makalanghap naman ako ng hangin. Kaaya aya sa aking paningin maging ang mga halaman ng Altherianavi. Iba-iba din ang kulay ng mga ito at makikitang alagang alaga ang bawat halaman na nandidito.

May puno din na napakalaki at nakakaakit talaga sa ganda. Isang Crystal Venus Tree namumuhay ito ng napakaraming taon at isang mahiwagang puno na nagtataglay ng Crystal Fruit. Parang crystal ang itusura niya pero nakakain siya at matamis ang bunga.. Ang dahon ng punong ito ay kumikinang na parang crystal kaya kahit sino ay maaakit. Pero wag kayong mag alala wala namang parang ibong adarna rito na naninirahan sa puno ano! Tapos tataihan ka kapag nakatulog ka pasinatabi sa mga kumakain. Kalokohang Danielle mode is on.

Tiningala ko ang puno at nadismaya. Wala pang bunga ito sayang naman matagal tagal na din akong di nakakatikim ng bunga ng crystal venus tree. Napabuntong hininga ako.. Sa katunayan kasi unang tikim ko ng Crystal fruit ay nung birthday ko ikinuha ako ni Papa ng bunga.. Pero yun nga ba ang unang tikim ko ng Crystal fruit? Parang may hindi..

Naupo ako malapit sa punong yun habang minamasdan ang paligid napapikit ako ng umihip ang malamig na hangin minsan talaga sa buhay kahit yung maliliit na bagay dapat nating ienjoy. Drama noh? Bigla namang lumakas ang hangin napahawak agad ako sa palda ko at sa buhok ko damn it! Ineenjoy ko pa eh.

"Shit! Ang lakas ng hangin bumabagyo ba?!"

"Hindi bumabagyo. Sorry nalakasan ko teka hihinaan ko para sayo." At tumawa pa ito napalingon naman ako and I have this familiar feeling that.. I've met this guy in front of me. Before. Heto nanaman ako.. Nakakaramdam ng kakaiba yung di ko alam kung nauutot lang ba ako or natatae eh. Pweyro ahmpwogeh niyuah huah?! Ehem. Magtigil ka self.

"Sino ka?" tanong ko sa isang lalaking kulay light grey ang buhok at pares ng napakagandang itim na mata teka kaklase ko siya ah? Siguro yun nga ang dahilan! Ngumiti naman siya isang napakaamong ngiti tila isang anghel na bumaba ng langit. Pero nasa Altherianavi ako kaya may anghel pa ba sa langit mismo ng Altherianavi?  Dahan dahan siyang lumapit saakin at ako'y binati.

"Hi. Ako nga pala si.."

Biglang nanlaki ang mga mata ko.. Impossible.

101114

Mystique Academy (2014)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon